C46: Coping Up

60 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

***

 

 

CHAPTER 46

"Coping Up"

 

 

BIANCA'S POV

"OH MY GOD!! GRABE!! KINIKILIG AKO!!" Hindi ko napigilang hindi mahampas si Venus, hindi ko ma-contain ang kilig ko, ikinwento niya kasi sa akin yung nangyari kanina, and finally, sila na rin ni Jonathan! Tinanong ko pa nga kung bakit wala ng panliligaw na naganap, ang sabi naman niya, bakit pa raw patatagalin? Mahal naman nila ang isa't isa. Love is in the air nga naman.

"At talagang ayun ang inisip mo? Hindi ka man lang nag-alala sa bestfriend mo?" Humarap siya sa akin bigla. Nakahiga kami pareho sa kama niya, dito kasi ako matutulog ngayon.

"That's the point, bakit pa ako mag-aalala, nandyan naman ang hero mo." Napaigtad siya ng bigla ko siyang kilitiin sa tagiliran. "Stop that!" Pero hindi ako tumigil, mas lalo ko pa siyang kiniliti. "Stop!!" Nagkaroon tuloy ng instant pillow fight plus kilitian.

Matapos ng nakakapagod na laban namin ay hingal na hingal akong umupo sa gilid ng kama niya, holding a pillow, mamaya kasi sugurin niya ako e.

Bumukas yung pinto at nakita ko si tita na may dala-dalang dalawang baso ng gatas. "Girls, pahinga na. School night ngayon, maaga pa ang pasok niyo bukas." Nakangiti nitong sabi, "good night, Venus, good night, Bianca." Nakangiti niyang paalam sa amin. "Good night din po."

"Oo nga pala, Biancs..." tumayo siya at pumunta sa tukador niya, binuksan niya yung drawer sa pinaka-itaas. "Tsaran!" Nanlaki ang mga mata ko, I totally forgot about my necklace.

"Nahanap mo?" Nagmamadali kong kinuha yung pendant na G-clef sa kanya. Hinanap ko 'to dati sa music room pero hindi ko nakita.

Nakangisi siyang umupo malapit sa akin, "ako pa? Hindi ka talaga marunong maghanap 'no?"

"Salamat talaga," ngumiti ako kay Venus. Inilagay ko na sa kwintas ko yung nawawala kong pendant.

"Well anyways, alam na ba ng mommy mo?" Nakita kong namula siya.

"Hindi pa?" Hindi ako makapaniwalang hindi pa alam ng mommy niya, close na close pa naman sila. "Sshh...I don't know. Parang may clue si mommy e, nung dumating kasi ako sa sasakyan kanina, nakangiti lang siya sa akin. Hindi ko alam. Close kami ni mommy pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin."

Huminga ako ng malalim, nagulat ako nang biglang bumukas yung pinto. "Now I know, Venus." Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Venus nang sumilip si tita mula rito. "Mom!!" Inihagis pa niya yung unan papunta sa pinto pero naisara na ni tita yung pinto.

Hindi ko mapigilang hindi matawa, sobrang pula ng mukha ni Venus dahil sa nangyari. "Don't worry kay mommy, boto siya kay Jonathan." Sigaw pa ni tita. "Argh!!" Bigla na lang tinaklob ni Venus yung unan sa magkabilang gilid ng ulo niya habang parang inis na inis sa nangyari.

Chasing Chances.Where stories live. Discover now