C51: Him

67 11 0
                                    

Writinginnosense © Stories

**

 

CHAPTER 51

“Him”

 

LOGAN’S POV

Pumunta ako sa library para magsauli ng libro, required kasi magbasa ng limang book per month, hassle tuloy, ang tagal ko bago matapos sa isang libro, boring, kadalasan yung may movie adaptation na yung pinipili ko para mas madali ang evaluation, buti na lang talaga at walang required genre, kundi mas naloko na ako, ganto rin ang ginagawa ng karamihan sa amin e, minsan naman pasahan lang kami, mas ayos na kasing mag-ubos ng dalawa o tatlong oras sa panunuod ng isang pelikula kesa naman maubos ang ilang linggo ko kababasa ng isang libro.

Masungit din yung librarian, oo nga pala, gusto rin nila na sa library manghihiram ng libro, gusto nilang magkaroon kami ng record sa panghihiram ng libro, katatapos ko lang panuorin yung movie ng Lord of the Rings trilogy, bale tatlo na yun, kahit mahaba sulit naman, ang ganda, takte!

Matapos kong maisaoli yung libro sa librarian ay lalabas na sana ako nang makita ko si Bianca na nagbabasa sa sulok habang may earphones sa tenga niya.

She’s doing good.

Masaya ako na okay siya, kahit madalas ay sa malayo ko lang siya nakikita, hindi na rin siya nagrereply sa pakulo kong palihim na pakikipagtext sa kanya, sa isang buong taong inilalayo niya ang sarili niya sa amin, sa akin, hinayaan ko lang siya, kahit halos punitin na ang dibdib ko dahil sa lagi silang magkasama ni Matthew, pero anong magagawa ko? Pinangungunahan ako ng kaba, kapag nakikita ko siya, natotorpe lang ako, tangina, badtrip!

Gaya ngayon, alam kong hanggang tingin na lang ako sa kanya.

Paalis na sana ako nang mapansin kong pinupunasan niya ang luha niya, pinikit ko ng mariin ang mga mata ko, pakshet! Ano ba kasing binabasa niya at umiiyak siya ng ganyan? Tae! Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay malapit na ako sa kanya.

“Medyo madrama tayo ah.” Huminga akong malalim, ayokong mapansin niyang kinakabahan ako, napaupo ako sa tabi niya dahil sa bwiset kong mga tuhod, tae, ngayon pa ako nangatog? Sa dami ng babaeng nahulog sa karisma ko? Ngayon pa ako naduwag? Lahat nga may katapat…

Bigla niyang isinara ang libro at nakatingin lang sa akin, hindi alam ang sasabihin. “Uhmm…” Ang bilis ng pintig ng puso ko, badtrip talaga, tapos yung tingin niya, shet! Para akong matutunaw, siguro kung naririnig niya ang sinasabi ko, baka tumawa na to ng malakas.

“No, go on. Magbasa ka lang. I like seeing you that way. Can I sit?” Muntik ko ng mabatukan ang sarili ko. Nakaupo na ako, gago! Ngayon pa ako nagpaalam? Pero hindi ko na lang pinahalata, putragis! Bakit ba nagwawala na tong puso ko? Umayos ka Logan!!

Sinunod naman niya ang sinabi ko, nagpatuloy siya sa pagbabasa at inilagay muli ang earphone sa kanyang tenga. Seryosong-seryoso siya sa kanyang binabasa, gaya ng pagsuporta niya sa amin dati, ganyang-ganyan siya sa mga bagay na gusto niyang ginagawa.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon