C82: Messed Up

55 7 0
                                    

Writinginnosense © Stories

-

CHAPTER 82

"Messed Up"

BIANCA'S POV


Nasa Homecoming Party kami and I don't like the ambiance of the party.

Si Kesha at si Van ay halatang hindi ayos, ni hindi nga sila sabay pumunta rito e. I don't know what happened between the two of them, ni hindi nga binisita ni Kesha si Van this past few days hanggang sa makalabas ito kahapon. May bandage pa rin ito sa braso at sa ulo but he insisted to come. Parang may bad air sa pagitan nila, magkalayo ang upuan at hindi sila nagpapansinan.

Si Jonathan at Venus parang nung nakaraan lang ay ayos, pero dahil nandito si Kuya Paolo ay parang bumalik ang inis ni Jonathan, idagdag pa na naiinis pa rin ito dahil sa ginagawa nila Venus na pagpatol kay Katherine, it was endless bickering in the past few days, at ngayon parang hindi sila magkakilala.

Si Xavier, hindi ko alam kung nasaan, hindi siya um-attend ng Homecoming Party, hindi ko alam kung anong nangyari sa pagitan nilang dalawa ni MC but I think it is something serious, nagulat na lang kasi kami one day ay hindi na siya sumasama sa amin. Ayokong magtanong pero alam kong seryoso nga iyon, dahil walang ginagawa si Xavier. He's just staring.

Si Samantha and Mio, napapadalas na rin ang away, hindi ko alam kung bakit. This past few days, si Samantha mabilis uminit ang ulo. I heard na kaibigan ni Katherine yung anak nung investor na pag-asa ng company nila, and Katherine could play a huge role in their company's downfall or success. Buti na lang at pasensyoso si Mio, but yesterday seemed to be the end of it. Nagkasagutan sila and they seemed to be off.

Si Zoey at Jessica, I barely see them talking. Simula nung makita at malaman ni Zoey na nagbalik na si Katherine, para na siyang nawala sa sarili. Bumalik yung sobrang tahimik at pagiging mono-syllabic niya. Jessica tried to reach out but the bomb Katherine exploded was just too much. Hindi dapat siya pupunta ngayon, pero pinilit lang namin siyang sumama.

At ngayon ay hindi ko na makita si Logan, kinakabahan ako. Everyone seemed to be greatly affected by her, by my cousin, ayokong pati ang relasyon namin ni Logan ay maapektuhan. Natatakot ako. I was looking for him nung makasalubong ko si Katherine, she's with Ullysis, she looked happy and unfazed by our issues.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni mommy sa akin nung nakaraan, I doubt if she knew about it. I know I am not in the right place to say about the news, but I just want her to know habang may oras pa.

Agad akong lumapit kay Katherine. "K-kath-"

Agad akong napalingon dahil sa komosyon na narinig ko, sunod no'n ay ang bumagsak na ice sculpture.

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Agad namang nagkagulo dahil doon, but I do recognize that voice. Kumalat ang kaba sa dibdib ko-that's Logan.

"Hindi ka ba lalapit don? Looks like they're fighting because of you." Napatingin ako kay Katherine and she is smiling at me. T-this is her way? T-this? Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya. Nanginginig pa ang kamay ko habang nanlalambot ng todo ang tuhod ko. Nanginginig ang kalamnan ko. I'ved tried to understand her as much as she tried to understand me dati, pero hindi ko na kayang hayaan siyang maging ganito, she's destroying herself.

"Shut up! Don't act like you are better than us, anong pinagkaiba mo sa amin? Huh? What are you trying to prove? Well, Katherine, let me tell you this, you'll regret everything." Iniwan ko siyang nakataas lang ang kilay sa akin.

Agad akong tumakbo papalapit kala Logan, and I was really surprised that he is fighting with Matthew. Pareho na silang inaawat nung mga waiter at pati na rin ng ibang mga alumni, pero pareho silang parang mga batang nagbabasag-ulo, na hindi masabihan.

"What your problem dude?!" Singhal ni Logan kay Matthew. "It's you! Kung hindi ko umeksena, Bianca would be mine!!" Sigaw ni Matthew pabalik. Pilit siyang kumawala sa hawak nung waiter at sinugod si Logan.

Pinakiramdaman ko ang tuhod ko, parang nawawalan ako ng lakas. I tried to shout pero hindi ko mahanap ang boses ko.

Naglakad pa ako ulit at muntik na akong matumba kung hindi lang may humawak sa akin. "Okay ka lang?" Napatingin ako kay Ullysis at umiling. Doon na tuluyang lumabas ang luha sa mga mata ko.

Inalalayan niya ako at inupo sa malapit. Agad siyang lumapit kala Logan and stopped them.

"Stop this right now, Logan and Matthew. Look at her, look at Bianca. Does it look like she wanted for you to fight?" Napatigil sila doon at napatingin sa akin. Pilit kong pinipigilan na mapaiyak. Umaawat na rin pala sila Van sa away. Napahawak ako sa dibdib ko, all eyes are on me, I caused this. Ako ang dahilan ng gulo sa Homecoming Party, I hate this.

I hate how everything is so messed up.

--x
1/7 Week Long Update.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon