C73: Give Yourself A Chance

71 9 1
                                    

Writinginnosense © Stories

-

CHAPTER 73

"Give Yourself A Chance"

ULLYSIS' POV

Kabababa ko lang ng tawag galing kay Mrs. Yuchengco, dahil sa nangyari kay Van ay kailangan nila itong palitan, may bumugbog kay Van, during that time ay may system's failure kaya wala raw nakuha sa CCTV sa garage, at wala ring alam si Katherine dahil nakaalis na raw siya non.

But I know better, simula ng bumalik siya, simula ng nakita ko siya sa bahay 6 months ago, alam kong hindi na siya ang Katherine na kilala ko, she became heartless and ruthless. She's too mad that she can't even control herself.

Sobrang saya ko nung nakita ko siya, na makausap ko siya, I remembered talking to her and I remember how fast my heart beats that time, pero habang tumatagal ang pag-uusap namin, parang hindi na siya ang Katherine na kilala ko.

"K-kath?" Tuluyan na akong napatulala sa kanya, ngumiti siya sa akin, kung hindi ko lang siya narinig na tawagin ang pangalan ko, malamang ay hindi ko siya makikilala ngayon. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, hindi ko pa rin naaalis ang tingin ko sa kanya. At hindi pa rin bumabagal ang tibok ng puso ko para sa kanya.

"Ully, you looked different. I didn't recognize you at all." Pero sa kakaunting salitang sinabi niya, alam kong may nagbago, dahil ang Katherine na kilala ko, hindi show-off, magaling siya sa grammar at English pero kahit kailan ay hindi niya kami kinausap ng ganito.

Ang kilala kong Katherine ay hindi naman iniisip ang iniisip ng iba, pero ang kaharap ko ay masyadong apprehensive sa mga ikinikilos niya. "Sorry, I just got to face you today. I have a plan, and I want you to be part of it." Oo, may nag-iba. Sa paraan ng pagsasalita niya, boses ni Katherine pero parang hindi siya, parang ibang tao ang kaharap ko.

"Hey, are you listening?" Pero kahit ganun pa man ay nakangiti pa rin siya sa akin, at yung ngiting yun, hindi nagbago. Nagbago man ang itsura, pananamit, postura at ang paraan ng pagsasalita niya, hindi nagbago ang paraan ng pagngiti niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"A-ano ba yun?" Hindi ko maiwasang mautal, masyado akong kinakabahan sa presensya niya. Masyado akong natatakot kumilos, ni minsan hindi ko ito naramdaman kay Katherine, siguro kasi nabuhayan akong loob, siguro kasi naisip ko na may pag-asa pa, na meron na akong pagkakataon para maipadama sa kanya ang damdamin ko

So I turn blind eye, alam ko na hindi maganda ang kahihinatnan ng plano niya.

In revenge, you're not just destroying people, you are destroying youself as well.

Hindi ko nagawang sabihin sa kanya iyan, dahil sa kagustuhan kong hindi na siya malayo sa akin, dahil sa nararamdaman ko, pumayag ako. Pumayag ako sa plano niyang sirain sila, ang matalino nagiging tanga kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, I guess that is true.

Akala niya dati may gusto ako kay Kesha, pero ang hindi niya alam, matagal ko ng itinatago sa kanya ang nararamdaman ko. That I like her, I like her so much.

Chasing Chances.حيث تعيش القصص. اكتشف الآن