C42: Amendments

90 12 0
                                    

Writinginnosense © Stories

***

 

 

CHAPTER 42

"Amendments"

 

 

VENUS' POV

 

"Seriously though, hindi mo na ako kailangang dalhin sa clinic. Feeling ko bigla lang akong nahilo." Nahimasmasan naman na ako, kaya feeling ko okay na ako. Baka kasi masyado lang akong nag-OA. Awkward lang siguro sa feeling ko kanina pero wala naman talagang ibang ibig sabihin yung hawak ni Sir Comez kanina.

"Nope. You really look like you're in a bad shape." Napabuntung-hininga na lang ako. Ang kulit kasi ni Jonathan, I said I'm okay. Baka nga na-stress lang ako e.

Nang makarating kami sa clinic ay wala yung nurse pero bukas naman ito kaya naman pumasok na kami, may note din sa desk na nasa meeting lang si Nurse Kim kaya wala siya. "Wait here. Tatawagin ko yung student volunteer." Pagpapaalam ni Jonathan sa akin. May student volunteer pala si Nurse Kim.

Papalabas na si Jonathan ng clinic nang tawagin ko siya, nakalimutan ko kasing magpasalamat sa kanya e.

"Jonathan...thank you." Bigla naman siyang tumalikod at nag-thumbs up lang. In fairness, medyo bastos siya ah.

Nang mag-isa na lang ako ay saka naman bumalik sa isip ko yung itsura ni Patrize kanina. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit parang maiiyak na ewan siya. Weird pa rin sa pakiramdam nung hawak ni sir. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung hawak ni sir sa akin. Well, maybe I'm just exaggerating things, mamaya ang OA ko lang pala e.

Humiga na ako, siguro exhausted din ako. Pinagalitan pa naman ako ng sobra ni mommy kasi nga nag-away kami ni Kesha! E nakaka-bwisit kasi siya e. Argh! Karma is a bitch. Babalik din sa kanya ang ginawa niya, ten times pa!

Nawala lang sa isip ko yung mga 'yon nang bumukas yung pinto ng clinic at napatigil dahil si Bianca ang nakita ko.

Wait! Siya ba yung student volunteer na tinutukoy ni Jonathan?

"Uhmm...o-okay ka lang ba?" Tanong niya, lumapit na rin sa akin although I can sense na kinakabahan siya, kahit ako man, ganun din ang nararamdaman. Ang awkward-awkward lang kasi. Sinasadya ba 'to ni Jonathan. "I'm fine." Hindi ko siya tinitingnan. Ayoko kasing mas ma-awkward pa. I don't know what to say. Since that day, hindi na kami nag-kausap. I didn't even tried to console with her. Matigas ako, as much as possible, ayokong ako ang magso-sorry. But I did miss this girl.

Pumunta siya sa first aid kit doon malapit sa table ni Nurse Kim at kumuha ng tablet ng gamot atsaka inabot sa akin. "Sabi kasi sa akin ni Jonathan nahihilo ka raw, inumin mo 'to, it might help." Inabot niya sa akin yung gamot saka siya pumunta sa dispenser para kumuha ng tubig. I'm just watching her. Maalaga talaga si Bianca so no wonder kaya nag-SA siya kay Nurse Kim. Although, wala na yung warmth niya sa pag-aasikaso ng JN o sa akin ngayon, I know that she's still there.

Chasing Chances.Kde žijí příběhy. Začni objevovat