C53: She Will Be Loved pt 2

65 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

--

 

CHAPTER 53

“She Will Be Loved pt 2”

 

SAMANTHA’S POV

We were walking to the locker room ng saktong lumabas sa Male locker room si Mio, napatingin ako sa kanya, ever since that day na kumanta siya during Music class, I found myself intrigued with him, at sa tuwing na-iintriga ako, mas lalo ko lang siyang gusting kilalanin. Dati, I am oblivious to his existence pero ngayon, I’m more than aware of him than ever.

 

Siguro ganito talaga kapag nabibigyan ng atensyon ang isang kagaya kong attention-seeker. And he seemed nice, lagi ko kasing iniisip na nakakainis siya kaya ang ending naiinis talaga ako sa kanya, but removing that reason, I came to know him better. And I must admit, he’s really a nice guy.

 

“Hi, Sam.” Bati niya sa akin sabay ngiti, hindi ko napigilan ang sarili kong sagutin iyon ng ngiti, his smile is contagious, kahit ayokong ngumiti, napapangiti ako. Nagpatuloy na siya sa paglalakad paalis and I was left there standing trying to comprehend this weird thing.

 

“Tell us, what is it between you and Mio?” Napabalik lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang tanong ni Kesha sa akin. Napatingin ako sa kanya, her brows are raise. Hindi naman ako takot kay Kesha or something but we have a golden rule, never be in any way possible, connected to any of the JN band, at ang lakas naman ng loob ko kung ako pa ang babali nun, ako na nag-isip ng rule na yun.

 

“Sorry. He’s just…being nice.” Nasabi ko out of the blue. “Nice? Sam, sort out your feelings, I don’t want to be friends with a traitor.” Those words leave me hanging, buong araw kong inisip ang sinabi ni Kesha sa akin, at sa estado ko ngayon, I don’t have the right to abandon my friends, sila lang ang meron ako, sila ang secured ako na hindi maagaw ni Lucas, they all hate Lucas, and I hate Lucas, birds of the same feather flock together.

 

But what do I need to sort out? Ni hindi nga ako sigurado sa kung ano ba talaga ang nararamdaman ko e. This is weird, kelan ba ako hindi naging sigurado sa isang bagay? I’ve always calculated the results of everything, I always measure up to where I stand, ngayon lang ako hindi sigurado, and when in doubt, the best thing to do is abandon the feeling, siguro nao-overwhelm lang ako dahil sa atensyon at sa pagiging mabait niya, but I don’t want to make a fool out of me, tama si Kesha, I have to sort out my feeling and I’ve sorted it out now. Iwasan ang nakakasama sa sarili.

 

After that day, hindi ko na pinansin si Mio, but the weird thing is that, parang hinahanap ko kapag wala, what does that mean? Mas lalo lang tuloy akong naguluhan, but whatever you do, if you are fated to meet, you’ll meet, in the most bizarre situations.

 

I was at the mall, looking for clothes when Lucas texted me, that freak Lucas texted me, argh! Wala man lang pasabi, pinapunta sa kanya yung driver to fetch him in I don’t know where. Argh! What am I supposed to do? Take a cab? Hindi man lang ako naisip nila mommy when they authorized it? That freak Lucas has his ways of getting into my nerves, really. Nakakainis! Nawalan na tuloy ako ng gana na mag-shopping, I was at Starbucks, thinking of ways to go home when he appeared right in front of me.

Chasing Chances.Where stories live. Discover now