C77: No Mercy

69 9 1
                                    

Writinginnosense © Stories

-


CHAPTER 77

"No Mercy"


KATH'S POV


Pumunta muna ako sa coffee shop after, yung sandali koay umabot ng oras. I was contemplating of what I just felt during our performance. Nalilito ako, nagkakahalu-halo na kasi yung damdamin ko to the point na hindi ko na alam kung anong totoo sa hindi until I notice Xavier and Maria came in, hindi ko naman sinasadya pero narinig ko ang pinag-usapan nila.

Masyado yata silang occupied sa pinag-uusapan kaya hindi nila napansin na nandoon ako, pero lahat ng galit at inis ay pumanaw nang makita kong humagulgol si Maria. That bastard, his move is unexcusable. Matapos kang makabuntis ng babae, ganun-ganon na lang yun?

I was surprised and disappointed of her, pero hindi ko na iyon sinabi sa kanya, hindi kailanman nakakatulong ang pagpi-pin point ng mali sa isang tao in lifting them up. People can take only one at a time, hindi nila kaya na iproseso ang lahat-lahat kaya naman niyakap ko lang siya. In her state, kung wala ako, malamang she'll do crazy things, like me.

Nang makarating kami sa bahay nila ay sinigurado namin yung theory niya and it turns out that she's not pregnant, hindi lang talaga regular ang menstruation niya. Para mas makasigurado ay pinag-PT ko siya, negative din. She looked relief dahil sa nangyari. I am happy for her, but I did press the issue to her.

Napilit ko siyang sabihin sa mommy niya ang nangyari without naming the guy, it is her idea not to mention Xavier, kahit gigil na gigil na ako na i-mention ang pangalan niya kanina. Hindi napigilan ni tita ang mapaiyak dahil doon, I thought she'll feel bad towards her daughter pero nagkamali ako, she cried because she's not there while her daughter is uncertain.

Iniwan ko na silang dalawa na umiiyak doon, no one could ever measure up how much understanding our parents are, kaya nga sa sobrang understanding ni mommy ay hinayaan niyang ibahay ni daddy ang kerida nito.

Pababa na sana ako sa taxi dahil nasa tapat na kami ng bahay when I saw dad's car pulling out of the garage. May hindi ako magandang kutob kung saan siya pupunta and my guess is right.

He pulled over sa isang pamilyar na bahay, it's Van's house. Doon nakatira sila Jessica, inantay kong makaalis ang sasakyan ni dad bago ako lumabas ng taxi at nag-doorbell. Nagpupuyos ang loob ko, all this time akala ko pinutol na ni dad ang ugnayan sa kerida niya but I was wrong, siguro sadyang masarap ang bawal.

"May nakalimutan ka ba da-" Naputol ang sasabihin ni Jessica dahil sa nakita niya ako, agad na tumabang ang itsura niya pero naging maagap ako. Agad kong itinulak ang gate para makapasok sa loob, dire-diretso ako sa loob ng bahay nila.

Until I saw her mom sitting in the sofa sa living room. "Bumalik ka?" Nawala ang ngiti niya ng makita niya ako. Nakataas ang kilay ko sa kanya, nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin at sinara ang hawak-hawak niyang photoalbum.

"Get out of here!!!" Sigaw ni Jessica pero tinabig ko lang ang kamay niya, I don't want her filthy hand touching me. "I'll keep this short and simple. Leave my dad alone." Tumalikod na ako but Jessica answered me. "Why? Daddy ko rin siya." Hinarap ko siya at ngumisi ako.

"Really? Daddy mo siya Jessica? Maybe he is your biological father but he is not your dad. Gaya ng sinabi ko, leave my dad alone." Lumapit sa akin yung kerida ni dad ang touched me. "K-katherine, m-may kailangan kang malaman-" Tinaboy ko ang kamay niya dahilan para mapatumba siya. "Don't touch me, you mistress!!" Pinanlisikan ko siya ng mata.

Chasing Chances.Where stories live. Discover now