C18: Kilig Mats

104 10 0
                                    

Writinginnosense Stories © 2014

***

 

 

CHAPTER 18

"Kilig Mats"

 

 

BIANCA'S POV

 

"Masarap ba ang pagkain, ija? Sabi ni Matthew, favorite mo raw 'yan, kaya 'yan ang niluto ko."

"Ahh. Opo, ang sarap po. Pero.. paano po nalaman ni Matthew  na favorite ko 'to?" Polite kong tanong kay Tita Melinda, nagluto kasi siya ng sinigang na baboy, and mind you, ang sarap talaga. Tama lang yung asim, ang sarap ng sabaw at ang lambot ng baboy.

And as far as I know, hindi naman nagtanong sa akin si Matthew, so paano niya nalaman?

"Lagi ka kayang kini-kwento sa akin nito ni Mat-mat ko."

"Ma!!" Nahihiyang sabi niya. Haha. Ang cute. Sa babae lang kasi natural yung parang ganito e. Yung close sa mama, pero si Matthew, biro mo 'yon? Isa sa mga heartthrobs ng school ay p'wede rin palang magka-label na mama's boy?

"Yah! Bakit ka tumatawa?" Namumulang sigaw ni Matthew sa akin. Lalo siyang nagiging cute sa itsura niya ngayon. Natatawa na lang ako pero pinipigilan ko. Si tita naman ay tuluyan na talagang natawa.

"Namumula ang Mat-mat ko. Binata na ah. Gusto kita para sa anak ko, ija. Sumisipag siya dahil sa'yo e. Gusto ngang pumasok ng maaga lagi e." Napatigil naman ako sa sinabi ni tita. Eh? Na-awkward tuloy ako sa mga pangyayari. Hindi ko rin tuloy matuloy yung pagkain ko. Nakakahiya naman. Ano bang dapat kong sabihin?

"Ma.. ano ba? Nahihiya na tuloy ako." Nakayukong sabi ni Matthew. Ako rin tuloy.

"Pasensya. Well, kumain lang kayo ng kumain at hindi na ako mang-aasar  pa." Nakangiting sabi ni tita na more of, sa akin sinasabi, sa akin siya nakatingin e. Ngumiti lang din naman ako, baka isipin ni tita sobrang arte ko naman.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa natapos ako at pati rin naman sila. Maya-maya pa'y tumayo na ako.

"Sige po tita. Salamat po sa pagkain. Uwi na po ako. Hanggang 8:30 pm lang po ang paalam ko kay mommy e."

"Sure ija. Sana hindi 'to ang huli." Nag-nod lang ako habang nakangiti at tumalikod na para umalis. Tapat lang naman ng bahay namin yung kanila e.

"Bianca!!" Nasa labas na ako nung may tumawag sa akin. "Oh? Matthew? Bakit?" May bitbit kasi siyang something e.

"Hatid daw kita sabi ni mommy." Napataas naman kilay ko. Hatid ako sabi ng mommy o sabi sa sarili na kunyari sinabi ni mommy? Natawa naman ako sa mga iniisip ko. Kelan pa ako nagpaka-nagger?

"Hindi na, Matth. Tapat lang naman yung bahay namin e."

Chasing Chances.Where stories live. Discover now