C45: Heroes And Divulgence

65 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

***

 

 

CHAPTER 45

"Heroes And Divulgence"

 

 

VENUS' POV

"Patrice." Nakangiti kong sinalubong si Patrice na hinihintay ako sa labas ng band room, katatapos lang ng practice namin para sa contest namin next week. Ngumiti naman siya but it was timid as before. Pasalamat siya at good mood ako.

"Tara na." Tumango lang siya at sumunod na sa akin.

Okay na lahat, I already fixed it with Adrian, I knew he's doing it. Bigla nga lang ako nagback-out sa plano ko na komprontahin si Jonathan, ang gulo ko rin e. Basta, ewan, sobra na rin akong naguguluhan, but one thing is for sure, hindi na ako ang gagawa ng first move for him.

Pumasok na kami sa swimming pool area, nandun na si sir, mukhang hinihintay talaga kami, naka-board shorts lang siya at shirt, the whistle is hanging on his neck like a necklace, I know I've said it pero kung hindi ko talaga alam na teacher namin siya, I probably would think that he is a college dude, mukha talaga siyang bata.

Napatingin naman ako kay Patrice, napansin kong napayuko siya right after na tumango sa amin si sir, and I swear hindi ko ma-gets kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko, na parang kinakabahan but I just ignored it, siguro kasi mas focus sa amin si sir ngayon since hindi naman talaga ako magaling lumangoy, and I'm not confident.

"Magpalit na kayo, shower and go into the pool." Saka umalis si sir papunta sa faculty/athlete's room. Pumunta na kami sa shower room at bumalik din pagkatapos, nandoon na si sir, naghihintay sa amin, I don't know kung nagiging observant lang ako or he really checked on us.

Tiningnan niya kaming dalawa ni Patrice mula ulo hanggang paa.

Lumublob na kami sa tubig. Nag-umpisa na rin namang magturo si sir, back stroke, breast stroke, freestyle and such.

Maya-maya'y naramdaman kong humawak si sir sa balakang ko, trying to float me kasi hindi nga ako marunong. May stomach turn from his touch, hindi dahil sa nakaramdam ako ng kilig but the feeling is so awkward. Alam mo yung feeling na parang hindi okay sa'yo yung touch, parang may mali.

"You're doing it wrong, ganito...ayan." Naramdaman kong pataas ng pataas ang kamay ni sir, I'm holding ny breath, hindi na ako makapag-focus sa paglangoy, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, lumunok ako ng isang beses, trying to focus, pataas ng pataas ang kamay ni sir, even though my hands are trembling, I caught his hands. "S-sir, o-okay na po..." I stopped his hands at inalis sa pagkakahawak sa bewang ko.

Nag-umpisa na akong lumangoy, trying my best to do it right kahit na clouded ang isip ko sa kung ano bang nangyayari. I know, I might be exaggerating the feeling dahil pwede namang walang ibig sabihin ang ginagawa ni Sir Comez pero hindi ko mapigilang hindi maging uncomfortable sa hawak ni sir sa akin.

Chasing Chances.Where stories live. Discover now