C29: Truth Hurts, Truth Kills

100 9 0
                                    

Writinginnosense Stories © 2014

***

Chapter 29

"Truth Hurts, Truth Kills"

KATH'S POV

Hindi ako nakapagsalita, walang binanggit na pangalan but I am sure...it was...it was me.

"Alam mo, adik na adik sa akin yung pangit na si Katherine na 'yon." Nakarinig ako ng tawa sa paligid, sila Kesha 'yon. Bakit? Akala ko....a-akala ko. Teka! Bakit? Basa...yung pisngi ko? Bakit...umiiyak ako? Bakit...ang sakit? Bakit? Napatingin ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko, bakit parang tinutusok? Bakit parang sinasaksak ako? Bakit pakiramdam ko nagdudugo ang puso ko? Bakit nanliliit ako? Bakit pakiramdam ko wala na akong karapatang maging tao?

Pilit kong sinasara yung tenga ko, pero hindi ko magawa, mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay ko sa upuan ko, shit! Badtrip? Bakit yung lubid naalala nila? Sana gaya ng tape, nakalimutan na lang din nila, para kaya kong takpan ang tenga ko, ayoko ng marinig pa na nanggagaling sa mga bibig nila. Dapat sanay na ako, sanay na dapat ako sa mga sinasabi nila, pero bakit sobra-sobrang sakit? Bakit? Alam ko malakas ako pero bakit iyak ako ng iyak? Naninikip ang dibdib ko, ayoko na...please, stop it.

"Yeah, she's a pain in my ass. Drama queen, papansin, mukhang tanga, she's really is the worst." Pakiramdam ko lalong tinutusok ang puso ko...dinurdurog. Gusto ko lang naman siya ah. Pero bakit ang sakit? Please! Stop it. Ayoko na.

"You've answered your phone, Van." It was Samantha, plain dull. Napapikit ako, naririnig ko lang naman ang mga sinasabi nila ah. Pero bakit parang sinisipa nila ako? Sinasabunutan? Bakit ang sakit? Hindi dapat ganito! I felt I'm worst.

"Huh? Sino 'to?"

"Mabuti naman! Hawak namin ang panget na nagligtas sa'yo nung gabing 'yon...nandito kami sa-"

"Si Katherine? Talaga? Sige lang. Keep her more." said Van sarcastically.

"Buhusan niyo ng glass of cold water." Kesha.

"Throw her to the sea." Samantha.

"Pwede niyong lagyan ng black eye." Enzo.

"Kiss her virginity away." Xavier.

"That's rude, Xav. Kill her." Then with all his might, Zoey, they all laugh for a very bad joke. A joke wishing someone to be killed. Some sorts of joke. I should laugh!! I should laugh!! Bakit mas lalo akong naiiyak? I should laugh, it's a joke where jokes are half meant or in case, they meant...am I crazy? I don't give a fuss kung ano sinasabi nila sa akin, but what he meant...that is what really hurt me at all.

Tama na!! Masakit na.

"Stop it! Tama na!! Kita niyo na? W-wala silang pake sa akin!" I heard collective gasps sa kabilang linya, hindi ko na-restrain ang sarili ko na sumigaw, how could someone restrain herself from hurting anyway? I felt...shattered.

"It's true, exciting." Kesha.

"Pag hindi ka pumun-teka! Aba't Binabaan ako!!" Binabaan? Wala silang...paki. Wala silang pakialam, alam ko. W-wala silang paki, kahit ano pang mangyari sa akin. Tuluy-tuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko, para akong duguan sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Si Zoey, everything that we had shared was just a fallacy.

"Kath!!" Napatigin ako sa pintuan ng abandonadong lugar. Si Ully...

"U-ully, anong..."

"Pakawalan niyo siya!!" Matapang na sigaw ni Ully, nagtawanan lang ang tatlong ulupong, medyo hindi masyadong clear kung sino ang sino sa kanila dahil sa liwanag na galing sa pinto at sa blur ng luha sa mata ko pero hindi ko inaaasahang makikita ko si Ully.

Chasing Chances.Where stories live. Discover now