C62: Persistence

69 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

 

CHAPTER 62

"Persistence"

 

XAVIER'S POV

"Don't call me mine, may pangalan ako. I'm Maria Clara Serrano, by the way." At bumalik na siya sa pagkain, wait what? Ano raw yung pangalan niya? Sandali akong na-estatwa, takte, siya na ba yung pangit at jologs na babaeng patay na patay sa akin? At siya rin yung katext ko? Teka! Bakit ganyan itsura niya? Paano siya gumanda?

"Paano ka gumanda?" Hindi ko na napigilang itanong sa kanya. Narinig konaman yung mga kasama niyang parang kinilig sa tanong ko. Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya habang hindi nakatingin sa akin. "Hindi  ba pwedeng late bloomer lang?" Tanong niya sa akin, ilang sandali pa rin akong hindi mapakaniwala. Obsess to sa akin dati e, anong nangyari ngayon? At kaya rin pala hindi ko siya nakikita dahil sa medyo nag-iba ang itsura niya, baka nga totoo sinabi niya, baka nga late bloomer lang siya.

Sinipat ko pa ulit yung itsura niya, teka! Teka lang! Dati halos takbuhan ko na siya sa pagiging obsess niya sa akin, ilang ulit ko pa siyang binlock dahil sa paghahabol niya sa akin, pero parang may nagbago e, hindi lang itsura niya, parang hindi naman siya nagpapanggap na parang wala talaga siyang gusto sa akin.

Sandali!! Ano?! Wala siyang gusto sa akin? Impossile! What is this madness? Hindi ako naniniwala, napangisi ako, pakipot lang siya, yun lang yun. Mwahaha!!

"So you do know me?" I asked, tinapunan niya lang ako ng tingin at ibinalik lang ulit sa kinakain niya. "Of course, schoolmates tayo." Sabi niya, napangisi ako. "I mean, more than that. You used follow me around." Napangisi ako lalo nung nakita ko ang pamumula niya. Lumapit ako at ipinatong ang dalawang kamay ko sa mesa, tumingin ako doon sa mga kaibigan niya at ngumisi lang ako sa kanila, halos mahimatay sila dahil sa killer smile ko. Lalo tulot lumaki ang ngisi ko, pogi problems nga naman.

"Yeah, I USED to." She said , emphasizing the word 'used'. Hindi ko maintindihan kung bakit naaaliw ako sa sagutan namin, siguro challenge lang. Hindi matanggap ng gwapo kong pagkatao na may babaeng ayaw sa akin. "Ikaw yung nakaka-text ko di ba?" Inilapit ko ng bahagya yung ulo ko sa kanya, hindi na siya kumakain pero pansin ko na pulang-pula siya.

Napatingin naman ako sa kamay niya nung hawakan niya bigla yung cellphone niya at aktong iaalis sa table. "Hindi ah." Mabilis niyang sagot. Aba! Palaban talaga, eto gusto ko, hindi lang oo ng oo, but I will win this argument baby. Mwahaha!!

"Really?" Tanong ko at doon ko na inilabas ang cellphone ko para tawagan siya. Biglang tumunog yung cellphone niya. At dahil sa parang inaabangan ng mga estudyante sa canteen yung mga nangyayari ay tahimik, kaya naman dinig na dinig yung ringtone niya.

"Totoo? Katext mo si Xavier?" Tanong ng kaibigan niya. Napatingin naman siya sa akin at ngumisi lang ako. Huli ka! Sabi ko sayo e, wag ka ng magpakipot! Mwahaha!! Gwapo ko talaga.

"Excuse me." Bigla naman na siyang tumayo at umalis ng canteen, napangisi lang habang tinitingnan ko siya, iba na talaga, iba ka talaga Xavier, ang bangis mo.

Chasing Chances.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon