Chapter 69: Preparation

Start from the beginning
                                    

But he's also the same person I am avoiding.

---

Tumigil ang mga bus sa tapat ng AU. It's already 5:23 pm. Sakto lang naman ang dating namin dahil hindi pa naman masyadong madilim sa labas.

Pinauna namin ni Joshua ang mga grade 9 students na kasama namin dahil kanina pa nakababa ang section c dahil sila ang nasa harap. He's even smiling at them na halatang kinakakilabot ng mga ading namin. I just laughed while shaking my head. Noong una, matalim ang titig niya at umaakto pang flirt. But now, he's acting like a kind guy with a bright smile. Pwede na siyang artista.

Kami ang nahuling bumaba ng bus. And I immediately stopped when I saw him standing at the entrance of the bus. Shit. Shit. Inaabangan ba ako nito?

"Don't worry, I'm here." Kahit sinabi ni Joshua iyon, hindi pa din napanatag ang loob ko. Nauuna siya sa aking bumaba. Inigo and the other immediately looked at us. They smiled at me but when I saw that kind of smile, I know they already know about what happened.

"J-Jana... " He was about to approach me but Joshua immediately blocked his way. Kaagad akong bumaba at naglakad palayo habang nasa likuran ko si Joshua.

Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko, susunod siya. I just laughed a bit with my own thought. Susunod siya? Bakit aso ba siya? Wala sa bokabularyo ng lalaking iyon ang maghabol.

Kinuha na namin ang mga gamit namin sa compartment ng bus. Pagkakuha namin nito ay naglakad kami palapit sa gilid ng kalsada at nakita ko kaagad ang isang pamilyar na kotse. I just smiled with the sight of Kuya John's car. Hindi yata ako nasabihan na ang mga kuya ko ang susundo sa akin?

Pagkahinto ng kotse sa harapan ko ay kaagad akong sumakay. Kumaway na lang ako kay Joshua na naiwang nakatayo sa labas. Si Manong Sic kasi ang maghahatid sa kanya sa probinsya. Babalik na lang daw sila next week para sa birthday ko. I just sighed. Sana naman ay hindi bongga ang debut party ko.

"How's the camp?" Tanong ni Kuya John habang nagmamaneho. Nilagay ko naman sa tabi ko ang mga gamit ko habang nakaupo sa backseat.

"Masaya ba? Nag-enjoy ka ba?" Nakangiting tanong naman ni Kuya Jake at nilingon pa talaga ako.

I smiled but I guess it didn't reach my eyes. "It was fun. I enjoyed the camp." Sambit ko. Tumango-tango na lang si Kuya Jake at tumingin sa harapan. Nakita ko naman ang pagsulyap ni Kuya John sa rearview mirror habang nagda-drive. Nag-iwas ako ng tingin ng magkatinginan kami. Kuya John is a keen observer. Kahit nakangiti ka, mapapansin niya kaagad kung may mali.

Hindi na ako magtataka kung tatanungin niya ako one of these days.

---

I looked at my room's wall clock and saw that it is already six o'clock in the morning. Napabuntong hininga na lang ako habang nakahiga sa kama ko. Sabado ngayon at ang aga kong nagising.

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nag-iisip kung anong gagawin ko ngayong weekends. Wala naman ako sa mood na gumala at alam kong hindi din dadalaw sila Tasha ngayon dahil graduation na nila sa Monday. How I wish makapunta kami. Ang kaso, pictorial namin iyon para sa yearbook. Sa Friday naman ang araw ng graduation and my birthday is already on next Saturday. Nakakatawa lang na eksaktong pagkatapos ng graduation ay birthday ko na. Parang double celebration lang ang mangyayari.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now