Chapter 19: Simple

387 14 0
                                    

JANA

"WHAT do you mean failed?" litong tanong ko kay Alvarez habang nandito kami sa loob ng classroom.

"That girl, she failed. You told me she can laugh with all her heart but why does she always fake her smile?" sabi niya at tinuon ulit ang tingin sa phone niya.

Napaawang ang labi ko. Si Aileen? Failed?

"Natural maiilang iyon sayo kaya talagang hindi makakangiti ng totoo lalo na ang tumawa. Anong expect mo? Tumawa siya sa cold na katulad mo?" naiinis na turan ko. Shunga naman kasi ng lalaking 'to. Hindi niya nga halos kibuin si Aileen no'ng nagkita sila eh. Tapos failed dahil lang sa peke ang mga ngiti? Laking tanga ng bwiset.

"Shut up" he said at sinamaan pa ako ng tingin at bumaling ulit sa phone niya. Galeng ng gago oh. Kung ibato ko kaya phone niya para masira? Tsk.

"Anong gagawin ko ngayon? Hanap ulit ng bago?" tanong ko.

"Just wait until I gave you the second type" he said without even looking at me kaya napaismid ako. Phone niya yata kasi kausap niya eh. Hindi ata 'to tinuruan na tumingin sa taong kinakausap eh.

Napairap ako. "Baka nakakalimutan mong dalawang buwan na lang? Dapat ibigay mo agad para makahanap agad tayo!" katwiran ko at sinamaan niya agad ako ng tingin. I glared back. "Akala mo ikaw lang kayang tumingin ng masama ah!" sabi ko at napailing-iling siya na tila ba isa akong takas sa mental na sobrang lala na ng kalagayan.

"Hoy sumagot k-"

"Uy! Anong pinag-uusapan niyo ha?" bigla na lang pumasok si Jay at nagtanong sa amin ng nakangisi.

Ngumisi din ako. "Nagpaplano lang kami" sabi ko at kinunotan niya ako ng noo samantalang nakita ko naman sa gilid ng mata ko si Alvarez na nakatingin sa amin.

"Nagpaplano para saan?"

"Kung paano ka namin papatayin" sabi ko at natameme siya. Nagtawanan naman ang mga kaklase namin dahil doon.

"Nagpaplano pala kayo Jana? Sama naman kami!" sabi ni Lucas.

"Oo nga! Patayin na natin si Jay!" sigaw din ni Christian at nagsiayunan na silang lahat habang humahalakhak pa ng parang demonyo. Natawa ako sa kanila dahil nakakatuwa naman talaga sila.

"Mga gago!" sigaw ni Jay pero tumawa lang sila at kasama na ako doon. "Jana naman eh!" sabi niya na may tono ng pagtatampo at agad kong hinablot ang libro ko at binato sa kanya. Sapol siya sa noo.

"Jana ka dyan? Close tayo?" irap ko kaya nagtawanan na naman sila.

"Beng!" sila Rico.

All I did is to laugh and shook my head ng magsimula na silang mag-asaran at nakikinig na lang ako. Tawang tawa ako sa tuwing inaasar nila si Jay tapos mababaling kay Lucas then mapupunta kay Rico. I nearly died laughing with their childish acts, though, it's cute.

Wala sa sariling napalingon ako sa bandang likod ko at nagtama ang mga mata namin ni Alvarez ng maramdaman ko ang titig ng khng sino at siya lang naman pala.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh bakit?" mataray na tanong ko pero nag-iwas lang siya ng tingin at biglang bumuntong hininga at napailing-iling na para bang may iwinawaksi sa isip niya. Problema neto?

Nag-iwas na lang tuloy din ako ng tingin hanggang sa dumating na si Sir Valle. Naggreet kaming lahat sa kanya at nagstart na siyang maglecture.

Habang nagsusulat si Sir Valle sa board ay ginala ko ang tingin ko sa klase and secretly smiled ng makitang lahat sila ay nagsusulat ng notes. Medyo maingay pa din naman dahil 'yung iba ay nag-uusap pero nagsusulat.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now