Chapter 18: New Friend

378 13 1
                                    

JANA

"NAKS! On time ka ah?" pang-aasar ko kay Alvarez ng makita ko siya dito sa coffee shop kung saan sila magkikita ni Aileen. His wearing a v-neck blue shirt with matching denim pants and white rubber shoes.

His brows furrowed. "What are you doing here?"

Nagkibit balikat ako. "Just checking kung talagang sisipot ka na at tutupad sa bagong kontrata" sabi ko.

"Tsk" ismid niya atsaka umupo sa isang bakanteng lamesa na may dalawang upuan.

Umupo naman ako sa isang table na medyo kalayuan sa kanila habang nakasuot ng cap. Baka kasi makita at makilala ako ni Aileen. Though, wala namang masama doon. Ayoko lang talaga.

I looked at my watch at parang gusto kong pumalakpak dahil 3 minutes early ang bwiset. Ang usapan kasi namin, magkikita sila dito sa coffee shop sa mall ng alas-tres ng hapon. Akalain mo 'yun? Ang aga niya dumating samantalang noon ilang oras na ang inabot 'di man lang dumating.

Maya-maya pa, natanaw ko na si Aileen sa entrance. Medyo nagulat pa ako sa ayos niya. Is she really Aileen? She's wearing a sleeveless floral dress na four inches above the knee at nakasuot ng heels na hindi naman gaanong mataas. Pero ang kinagulat ko talaga ay dahil nakamake-up siya. Not that masama ang nakamake-up pero 'yung kanya kasi, medyo may kakapalan at para siyang nagmukhang mataray. Sa itsura niya din ngayon, nagmukha siyang maarte. Pero ang ganda pa din naman niya.

I'm expecting that she would only look simple but they're right, expect the unexpected. Parang kabaliktaran ang itsura ngayon sa itsura niya no'ng una kaming nagkita.

She looked around until her gaze landed on him. Nakaharap kasi ang position ni Alvarez sa kinatatayuan niya. Nagsend kasi ako ng picture sa kanya ni Alvarez kaya for sure, makikilala niya once na makita niya ito.

Nakita ko ang kaba sa mga mata ni Aileen at parang nagdadalawang isip pa siya kung lalapit ba siya o hindi. That made me smile. Mahiyain talaga siya eh.

Lumapit si Aileen sa kanya kaya napatunghay si Alvarez. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at gusto kong matawa ng makita kong nanginginig ang mga tuhod ni Aileen habang walang emosyon na nakatingin si Alvarez sa kanya.

Aileen started to talk at hindi ko naririnig ang sinasabi niya. Hindi naman nagsalita si Bwiset kaya naiilang na umupo na lang si Aileen. Si Aileen pa ang nagtawag ng waiter. Nakita ko lang na nagsalita si Alvarez pero ang waiter ang kinausap niya, mukha sinasabi niya ang order niya. Bwiset talaga 'to.

Nang dumating ang order nila ay nakita kong awkward na nagsimulang magsalita si Aileen. She's smiling pero halatang pilit at kinakabahan. Alvarez didn't bother to look at her at nakatingin lang sa kape niya. Ay tangina. Wala ba siyang balak na kausapin si Aileen?

Napansin kong nagtatanong si Aileen pero 'di sumasagot si Alvarez. Grr! Bwiset talaga. Ano 'yon? Siya lang ang magsasalita? Galeng naman.

Pinagmasdan ko pa sila mula sa pwesto ko pero walang pinagbago. Mukhang naiinis na din si Aileen pero mukhang mabait talaga siya kasi nagtitiis talaga siya at sinusubukang magkwento kahit halata namang walang interes at hindi nakikinig 'yung kinukwentuhan niya. Hinayupak na asungot 'to! Sumipot nga, hindi naman dinala 'yung kaluluwa niya. Parang hangin lang kausap ni Aileen ah?

I felt my phone beeped kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.

From: Aileen Cordova

Ahm Jana? Talaga bang hindi nagsasalita ang kaibigan mo?

Gusto kong maibato 'yung cellphone ko kay Alvarez dahil sa sobrang inis. Imbes na replyan si Aileen, si bwiset ang tinext ko.

To: Mr. Bwiset

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now