Chapter 8: Yasmine Dorrible

456 19 2
                                    

JANA

HINDI ko alam kung paano ko nagawang sikmurain na makipag-usap sa Yasmine Dorrible na iyon. Kung paano ako nakapagsabi ng ilang words na gustong-gusto 'kong isuka sa pagmumukha ni Alvarez. How can I even do that?

Minessage ko na kasi ang Yasmine na iyon kani-kanina lang pagkauwi ko galing AU. Sa dating app na din kami nag-usap dahil pwede naman iyon at hidden sa ibang tao. It means kami lang ang makakakita. Kakatapos lang namin mag-usap actually at nagkasundo din naman agad. Ngayon, nakahiga na lang ako sa kama ko habang inaalala ang mga napag-usapan namin.

--

You: Hi miss.

Yasmine: Hello.

You: Mind if I tell you something?

Yasmine: Yeah, sure. What is it?

You: You're so beautiful and the fist moment I glanced at your picture, I can't get my eyes off  you.

Yasmine: Is that so? Good then. I also looked at your picture and I can say that you're handsome. Well, I can say I'm attracted to you.

You: Oh thank you. Me too, damn attracted to you. Can we meet? You know, to know each other so well.

Yasmine: Sure! Tell me when and where and I'll go there. I'm so much excited to see you.

You: Okay then.

--

At muntik muntikan na akong masuka. Si Alvarez, handsome? Parang hindi naman. Hindi ko talaga alam sa mga babae ngayon at ganun ang taste nila. Attracted daw do'n eh mukha namang paso.

Ilang sweet words pa ang kinailangan kong isuka--este sabihin para mas mapaniwala ang babaeng iyon. Hindi ko din naman maiwasang maguilty dahil ang alam niya ang nakausap niya eh si Alvarez pero ako naman talaga. Damn that guy! Really! Para na rin niya akong ginagamit para makakuha ng babae. Hindi pa nga ba?

Napag-usapan na namin kung saan sila magkikita. I told her na magkita na lang kami, I mean ni Alvarez sa isang coffee shop sa mall sa Saturday. At sana talaga magkasundo sila at magkatuluyan na para hindi na ako namomoblema. Napasabak pa nga ako sa englisan sa Yasmine na iyon. But that's okay, halos lumaki din naman ako sa US kaya medyo sanay na.

Kinuha ko na ang phone ko at labag sa loob na tinext ang lalaking 'yon.

To Mr. Bwiset:

Mall. Thompson's Coffee shop. Saturday. 3 pm. Meet Yasmine Dorrible.

Hindi ko naman na siguro kailangang sabihin kung anong mall pa iyon dahil isang mall lang naman ang malapit dito. I really hope he'll come.

~~

Naglalakad ako mag-isa sa hallway papuntang Faculty Office. Ako kasi ang inatasan ni Sir Dela Vega na kumuha ng mga quiz papers namin at magbigay nito sa kanya. Sanay naman na ako. Ganito talaga ang isa sa mga trabaho ng isang honor student, lalo na kung nasa top position pa. Ikaw talaga ang uutusan ng mga teachers dito.

Habang naglalakad ay tsine-check ko pa kung kompleto ang lahat ng ito. Mahirap na noh, malayo-layo pa naman ang High School building sa Faculty Office dahil nakahiwalay ito sa mga buildings. Kakailanganin mo pang maglakad ng isang buong field para lang makarating doon. Atleast kapag nagkulang ay makakabalik ako agad ngayon pa lang kesa naman bumalik lang ako kung saan nandoon na ako mismo. I will just make myself more exhausted.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now