Chapter 44: Meet the Siblings

324 9 0
                                    

JANA

I sighed. Sunday na ngayon at wala akong magawa. Wala din akong ganang lumabas ng bahay dahil wala naman akong mapupuntahan. Wala din akong kasama dahil 'yung magaling kung kaibigan na si Lucy, ayun, panay yata ang pakikipag-date kay Jay. Imbes okay na sila? Psh. Sabunutan ko pa sila pareho eh.

Pero joke lang. Okay nga 'yon eh, atleast okay na si Lucy at naka-move on na doon sa tigreng sobrang sama ng ugali. Psh. Magsama sila ng Celestine na 'yon.

Napasandal ako sa sofa dito sa sala at tinitigan 'yung tv namin.

"Anak, hindi ka ba nagsasawa dyan sa... ano na ulit 'yan?" biglang tanong ni Yaya habang nagpupunas ng kamay dahil kagagaling niya lang sa kusina.

I looked at the tv first bago tumingin ulit kay Yaya. "Grizzly and the lemmings po," sagot ko.

"Oo pala! Hindi ka ba nagsasawa sa kapapanood nyan?" tanong ni Yaya.

"Hindi 'ya," sabi ko. Hindi ako nagsasawa dyan sa cartoon na 'yan kahit pa memorisado ko na yata lahat ng episodes nyan. It's about the bear named Grizzly and the cute little creatures na tinatawag namang lemmings. Parang magkalaban ang dalawa at palaging pinag-aagawan ang kung ano-anong bagay sa loob ng isang bahay. Mostly, ang pinag-aagawan nila ay ang 'Yummy', isang pagkain or palaman na chocolate yata. I always watch it kapag wala akong ginagawa. Ang cute kasi ng mga lemmings.

"Para ka namang bata," natatawang sabi ni Yaya at napasimangot ako. Hindi na ba pwedeng manood ang isang 17 years old na babae ng ganyan? Hindi naman ah! Wala namang batas na gano'n. So it means, pwede pa.

"Anyways 'ya, saan ka po pupunta?" tanong ko ng mapansing naka-ayos si Yaya ngayon. Ba't hindi ko 'yon napansin no'ng pumasok siya kanina? I shrugged. Siguradong occupied na naman ang utak ko kanina.

"Ah! Dadalhan ko lang ng pagkain si ate Cassy," napakunot ako.

"Sino pong Cassy?" I asked at natawa si Yaya.

"Si ate Cassandra, Cassy kasi ang madalas na tawag ko sa kaniya," sagot ni Yaya at napatango tango ako. Yaya Cassy pala dapat ang itawag ko sa kanya.

"Aalis na po ba kayo?" I asked at tumango si Yaya.

"Oo eh, aagahan ko na para makapagkwentuhan pa kami kahit saglit," sabi ni Yaya and I stood up.

"Sama ako," sabi ko at ngumiti.

"Sure ka ba anak? Ayaw mong magpahinga na lang dito?" she asked and I shook my head. Magpahinga? Well, I really need that right now. Pero kung nakatunganga lang naman ako dito at walang ginagawa, siguradong bubulabugin lang ng mga nangyari kahapon ang isip ko. It's better to make myself busy than hurt myself in thinking his angry face. Hayst.

Umakyat muna ako sa kwarto at nagpalit ng damit. I wore a simple black jogger at white shirt. Tinali ko na din ang buhok ko at humarap sa salamin.

I sighed. "Okay na 'to," sabi ko at bumaba na.

Pumunta ako ng kusina at tinulungan si Yaya sa bitbit niyang dalawang malaking paper bags. Wow. Para kay Yaya Cassy lahat ng 'to? Ang dami naman masyado.

We went outside the house at nakitang nag-aabang doon si Manong Sic. Mukhang tinawagan siya ni Yaya para magpahatid.

"Oh tulungan ko na kayo," sabi niya at kinuha na ang mga paper bags tsaka dinala sa likod ng kotse.

"Salamat Sic," sabi ni Yaya at ngumiti naman ako.

Sumakay na ako sa likod at sila sa harapan. Habang nasa byahe, nakasuot ako ng earphones at may pinag-uusapan naman sila na hindi ko alam.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now