Chapter 36: Sudden Tutoring Session

351 11 0
                                    

JANA

"KAMUSTA naman 'yung date mo?"

Agad akong napalingon kay Tasha sa biglaang tanong niya.

"Anong date?!" hindi ko napigilang magtaas ng boses kaya humagalpak ng tawa sila Tasha at Tine. Napatingin tuloy sa amin si Teo na abalang kumakain sa dulo ng lamesa habang katabi si Yaya Linda.

"Diba nag-date kayo no'ng gwapong lalaki kahapon, ate?" ngisi sa akin ni Tine. Nagulat ako doon. Kami ni Alvarez? Nag-date? Shit.

"H-hindi! Hindi kami nag-date, may pinuntahan lang kami. Ano ba naman kayo!"

Tumawa lang 'yung dalawang magkapatid kaya napasimangot at napailing-iling na lang ako. Pinagtutulungan pa ako ng dalawang 'to ah.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain ng breakfast at tumigil na din 'yung dalawa sa pang-aasar. Sinulit na namin ang pagkain habang magkakasama kasi ngayong Linggo din sila babalik sa probinsya.

Pagkatapos kumain ay tinulungan ko na sila sa pag-aayos ng mga gamit nila. Sigurado namang babalik ulit sila dito kapag free sila. Palagi din silang pumupunta dito para bisitahin kami ni Yaya.

Pagkatapos mag-ayos, dumating na din si Manong Sic. Kinuha niya ang mga gamit nila Tasha at sinakay sa likod ng kotse. Bago umalis, yumakap sa akin 'yung tatlong magkakapatid.

"Mami-miss kita ate," sabi ni Teo and I smiled.

"I will surely miss you too, pakabait doon ah?" sabi ko at tumango siya.

Nagpaalam na din sila sa nanay nila at nandoon lang ako, pinagmamasdan sila. Kitang kita ko ang mga lungkot sa mga mata nila habang nag-uusap. Binibilinan sila ni Yaya na huwag maging makulit sa poder ng Lola nila.

Habang pinagmamasdan sila, bigla kong naisip ang pamilya ko. My father and brothers are on US, samantalang iniwan na kami ni Mama. Matagal ko naman ng tinanggap sa sarili ko noon na kailangan nilang manatili sa ibang bansa para alagaan ang kompanya.

Ilang beses na akong nagkaroon ng sama ng loob kay nila Papa. Pero habang iniisip na naghihirap sila doon, lumalambot ang puso ko. Kasi alam kong ginagawa nila 'yon para sa pamilya namin, para din sa akin. So inintindi ko, kahit hindi ko sila kasama at halos isang beses lang kaming magkita-kita sa isang taon, tinanggap ko. Wala din naman kasi akong karapatang magreklamo.

Umalis na sila Tasha at naiwan kami dito ni Yaya.

"Salamat Jana," sabi ni Yaya habang nakangiti.

I smiled. "No problem po," sabi ko. Alam ko kung bakit siya nagpapasalamat. Iyon ay dahil hinahayaan kong bumisita o manatili dito sila Tine. Palagi namang nagpapasalamat sa akin si Yaya kahit hindi naman dapat. Palagi ko ngang sinasabi na hindi na kailangan pero sige pa din siya sa pagpapasalamat. Kaya madalas, tinatanggap ko na lang.

"Oo nga pala, anong meron sa inyo ni Zild?"

Natigilan naman ako sa biglang tanong ni Yaya. Hindi ako agad nakasagot habang nakikita ang kakaibang ngiti niya sa labi.

"Magkaklase po kami 'ya," sabi ko.

"Talaga? Eh bakit no'ng nag-uusap kami doon sa restaurant, panay ang sulyap niya sayo?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Yaya.

"P-po?"

"At isa pa, ayon sa sinabi niya, nakinig siya sa akin dahil nagalit ka sa kanya. Mukhang inaalala ni Zild ang nararamdaman mo at ginawa niya 'yon para maging okay kayo. Tapos kung hawakan ka niya, parang normal na lang. Panay din ang sulyap niyo sa isa't isa habang kumakain tayo. Kaya na ba at tinatago niyo lang? Bakit hindi 'yan alam ng papa mo? Hindi pwede 'yan ah. Pero kunsabagay, mabait na bata naman 'yun eh. Nagbago lang talaga no'ng ginawan ko siya ng masama. Kaya kung kayo na, boto na din ako. Tutulungan pa kita sa pagsabi kay Sir Lohan."

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now