Chapter 7: Ran Away

455 15 3
                                    

JANA

NASA classroom kami ngayon ni Lucy at nagkaklase. Pero lumilipad ang utak ko. Hindi ko na nga alam kung ano ng dinidiscuss ng teacher namin eh.

*kringggg..... *

Then we heard the bell. Lunch time na. Lumabas na ang teacher namin kasunod ang ilang classmates namin. Tumayo na din ako at lalabas na dapat ng makitang nakatukala si Lucy. Problema neto?

"Huy!"

"Ay beautiful!" mukhang nagulat ko pa siya. Pero ano daw? Beautiful?

"Thank you naman. Pero problema mo?" takang tanong ko. Napabuntong hininga naman siya bigla.

Umiling siya. "Wala! Let's go na nga sa cafeteria. Gutom na me eh" tsaka siya tumayo at nauna ng lumabas. Tignan niyo 'yun, nilampasan at iniwan na lang ako bigla. Tuktukan ko 'yun eh.

Sumunod na ako palabas at nagulat pa ng makita na malayo layo na pala ang babaita. Hindi talaga ako hinintay. "Hoy! Hintayin mo ako!" para naman siyang walang narinig at nagpatuloy sa paglalakad. At buti na lang naabutan ko siya. Mukha siyang problemado pero hindi na ako nagtanong.  I will just wait for the moment na siya na mismo ang magsabi ng mga problema niya. Pero kung about love life din lang naman 'yan? Babatukan ko talaga 'yan.

Pagkatapos namin makakuha ng pagkain ay naghanap kami agad ng table. Thankfully, may nakita kami agad na bakante.

Nagkwentuhan lang kami ni Lucy habang kumakain. Mukhang okay naman na siya. Bothered pa rin naman ako kung anong iniisip niya pero gaya nga ng sinabi ko, hihintayin ko na lang siyang mag-open up sa akin. I am her bestfriend anyway.

Napatigil lang kami ng makarinig ng mga tilian ng mga students dito. At paglingon namin, doon ko nakita na pumasok na pala 'yung apat. Kaya naman pala kulang na lang maputol na mga litid nila sa kakasigaw eh. Pumasok na kasi ang mga pesteng heartthrobs ng University. Psh.

Napatingin ako kay Lucy na tahimik na. 'Di tulad noon na isa din siya sa mga tumitili sa tuwing nakikita niya silang apat, lalo na si Zild. Somehow, I pity her, magkakaroon ka pa kaya ng lakas ng loob na tumili kung pinahiya ka na ng lalaking tinitilian mo? I don't think so. Masama kasi masyado ang ugali ng lalaking 'yan.

"Hi girls!" mas lalo naman silang nagtilian ng kumindat at kumaway pa si Jay sa kanila. Tsk. Ngumingiti lang naman sila Inigo at Darren samantalang 'yung Mr. Bwiset? Wala. Pa-cool lang na naglalakad with his usual face, a serious one. Napailing na lang ako at binalik ang atensyon sa pagkain. Hindi dapat sila tinitignan ng matagal, baka kasi bigla na lang akong mahimatay dahil sa sobrang kapangitan nila.

"Ang gwapo mo Zild!"

At dahil sa sinigaw ng isang babae, nagmistulang library ang buong cafeteria. Ayaw kasi niya na tinatawag siya sa pangalan niya. Remember 'yung babaeng tinapunan niya ng juice? Tinawag kasi siya sa first name niya. Ayaw niya kasi no'n. Tanging mga kaibigan niya lang ang nakakatawag sa kanya ng ganun.

"Uh oh. Lagot na that girl" rinig kong sabi ni Lucy kaya napatingin ako sa tinitignan niya.

Nakita kong nakaupo na 'yung tatlo samantalang nililibot naman ni Bwiset ang paningin niya.

"Who's the one who just fucking shouted my name?" mahinahon niyang tanong pero ramdam mo ang bangis dito. At ayun na naman, nakita ko na naman ang mga mata niyang matalim na ngayon.

Walang nagsalita pero tumingin ang lahat sa iisang direksyon. Then I saw girl, nagulat ako ng makilala ko kung sino. It's Leila! Isa siya sa mga classmates namin. Inaamin ko, maraming crush si Leila pero hindi flirt ang isang 'yan. Mabait 'yan at matalino. Nasa third place kasi siya at minsan ko na siyang nakasama sa isang quiz bee and I felt scared for her. Matino ang isang 'yan, 'di tulad ng ibang babae na pinahiya na ng bwiset na lalaking iyon.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now