Chapter 16: Unexpected

423 11 1
                                    

JANA

GULO-GULONG mga upuan, madaming kalat na papel sa sahig, mga nagsisigawan na lalaki, maduming silid-aralan at mga estudyanteng nagbabatuhan ng papel sa isa't isa. Nagmistulang dinaanan ng delubyo ang classroom na 'to dahil sa sobrang kalat at gulo. Matatawag pa nga ba itong classroom?

Sir Valle sighed at nahihiyang ngumiti sa akin and I managed to smiled back. Hindi na ako masyadong nagulat sa itsura ng classroom na 'to. Ganito din naman ang ine-expect ko.

Tumikhim si Sir dahilan para mapunta sa amin ang atensyon nila.

"Uy babae!"

"Wow chix!"

"Sino siya?"

Narinig kong tanong ng iba. Parang ngayon lang nakakita ng babae ang mga 'to ah? Kunsabagay, ako pa lang naman yata ang unang babae na magiging kaklase nila.

"Jana!" I heard someone called my name at nakita ko si Jay. Malapit lang siya amin at kumakaway kaway pa. Feeling close talaga. Tsk.

But I was taken aback when I saw Alvarez at siya pa ang pinakamalapit sa amin ni Sir dahil ang pinto ay sa likod lang ng upuan niya. Nakalingon siya at malamig na nakatingin sa akin. I forgot! Section C nga pala ang isang 'to. Ugh.

"Hi miss!" bigla na lang may lumapit sa akin na lalaki at inilahad ang kamay niya for shakehands. "Lucas nga pala, at ikaw?" tanong niya habang matamis na nakangiti at malakas naman na nagkanchawan ang ibang mga kaklase nila.

"Aysus! Ang bilis mo tol ah!"

"Oy gago! Inunahan mo pa ako!"

Sabay naman kaming napailing ni Sir Valle dahil sa mga narinig namin. Sir Valle ordered that Lucas to go back to his seat at kakamot kamot ito sa ulong naupo. We went infront at nakasunod ang mga mata nila sa amin, or should I say sa akin?

"Class, remember 'yung sinabi kong may bagong kayong magiging kaklase para tulungan kayo para mapataas ang grades niyo?" tanong ni Sir at wala man lang ni isang sumagot sa kanila. Nakatitig lang sila sa akin at gusto ko na silang sapakin sa totoo lang. Wala bang mga bibig ang mga 'to at sagutin si Sir Valle?

"Well, she's now your new classmate hanggang end of the school year" he said ng walang sumagot sa mga estudyante niya. He looked at me, "Please introduce yourself"

Napabuntong hininga na lang ako. Nakatingin ang iba sa akin pero ang iba ay nagbabato pa din ng papel. And I was avoiding to look at Alvarez kahit ramdam ko ang titig niya. Problema ba niya? "Good morning. I am Jana Lyn Tolentino and I will be your tutor in all of your subjects and I'm expecting all of you to cooperate" sabi ko habang matipid na nakangiti, pilit na ngiti to be exact. Hayst.

"Single ka pa?" biglang tanong ng isang lalaking may.....may.....b-blonde na buhok? What the?! Ngayon ko lang siya nakita and allowed ba 'yun dito? At punyemas naman oh! Tanong agad kung single?

"Alangan naman, bulag ka ba? Mag-isa nga ako oh, kung dalawa edi double na ako" sarcastic na sagot ko naman at nagtawanan ang mga kaklase niya dahil doon.

"Whoo! Taob ka Christian ah?" pang-aasar ni Jay sa kanya.

Pero nagulat ako ng makitang may bola ng basketball ang bumubulusok sa direksyon ko. Nakabawi din naman agad ako at sinalo ito bago pa man tumama sa mukha ko. Medyo malakas ang pwersa but I managed not to stepped back. Natahimik naman sila. Akala niyo ha?

Tumikhim ako at ngumisi. "Dahil ako naman ang magiging tutor niyo, I want all of you to listen sa kahit anong sasabihin ko. Walang reklamo dahil para din naman sa inyo iyon. Gumawa kayo ng kalokohan at ng kahit anong kabulastugan at sisiguraduhin kong bugbog ng katawan ang aabutin niyo. At 'yang mga pangbubully niyo? Pagrerebelde? Pagiging basagulero? Tamad? At pagiging isang walang kwentang estudyante ay hindi pwede. Hindi din uubra sa akin ang mga ugali niyo. Sa oras na gumawa kayo ng mali asahan niyo ng may parusa iyon. The Principal gave me the rights to give any punishments to all of you sa oras na hindi kayo makinig" tuloy-tuloy na sabi ko at tahimik lang naman siaa kaya nagpatuloy ako.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now