Chapter 35: Dream and Painting

354 9 0
                                    

JANA

"SURE ka bang hindi na tuloy?" tanong ko sa kanya pagkapasok namin sa kotse niya.

He rolled his eyes. "Do you know how many times you asked that question today? Paulit-ulit ka," masungit na sabi niya at nagsimulang mag-drive.

"Sorry naman daw ha? Malay ko ba naman kasi kung nagsisinungaling ka tapos hinihintay pala nila tayo sa bahay niyo," sabi ko at napasandal sa upuan. Matagal na kasing nakaplano 'yung about sa pagtu-tutor ko kay nila Rico sa bahay ng tigre na 'to. Kaso no'ng maalala ko kanina, sinabi niyang hindi na daw tuloy iyon. Pasado alas-tres na din kasi ng hapon. Napatagal din kami sa pagtambay sa baywalk at nawala na 'yon sa isip ko.

"Tapos ginagawa mo pa akong sinungaling ngayon."

"Wala akong sinabing ganyan."

"Well, 'yon ang pinupunto ng sinabi mo."

"Kasalanan ko?"

Saglit niya akong sinamaan ng tingin bago bumalik ang tingin sa kalsada. Bwiset na 'to. Wala naman talaga akong sinabi na liar siya. Siya lang nag-iisip no'n.

"Sa daycare center mo na lang ako ibaba," saglit niya akong sinulyapan ng sabihin ko 'yon. I need to go there dahil gusto kong makita 'yung ginawa ni Lucy. Siguradong maganda 'yon dahil magaling si Lucy. Kapag hindi, sasabunutan ko talaga 'yung babaitang 'yon.

"What will you do there?"

I smirked. "Curious ka?"

"I'm just asking," irap niya. Nakita ko 'yon kahit naka-sideview siya. Bakla talaga 'tong tigre na 'to eh.

"May titignan ako do'n."

"Ano?"

"'Yung tae ko," sabi ko at ng tumingin ako sa kanya, nakangiwi na siya. Nandidiri ang itsura na para bang na-imagine niya sa utak niya ang sinabi ko. Humalakhak ako. "Magtatanong ka pa?"

"Tsk."

I only laughed with his response at hindi na siya umimik pa. Huminto ang kotse sa tapat ng gate ng center at agad akong bumaba.

"Thanks!" sabi ko pagkababa ko at naglakad na papasok. Medyo mainit pa ngayon dito sa labas dahil hapon pa lang. For sure, mainit din sa loob dahil wala namang mga electric fan dito. Hindi ko din alam kung maayos pa ang daloy ng kuryente dito.

Pumasok na ako sa gate at doon ko lang din narealize na hindi din maganda ang pintura ng mga pader dito sa labas. It should be newly painted. Napabuntong hininga ako. Mukhang may gagawin pa pala kami.

Pumasok ako sa unang classroom at napangiti ng makita ang ginawa ni Lucy. Ginawa niyang parang dagat ang buong classroom. Halos puro asul ang nakikita ko. Meron ding mga isda, balyena at pating. Meron ding mga batang divers na sumisisid sa ilalim ng karagatan at meron ding mga sirena at sireno.

"Ang galing talaga ng bestfriend ko," I proudly said to myself. I am right, kinausap ko ang tamang tao para dito. Halos napinturahan ni Lucy ang lahat ng pader at kapag pumasok ka dito, para ka na ding nasa dagat. I roamed my eyes around the room at nakitang wala ng dapat baguhin o ayusin. Okay na 'to. Maayos na ang mga upuan na bagong furnish din, mga bintana na may mga bagong salamin. Pati mga kurtina ay bago at pati ang blackboard, napalitan din. Maayos na din ang pinto. In-short, tapos na kami sa isang room na 'to.

"I didn't know that your bestfriend is really a good artist."

Napahawak ako agad sa dibdib ko dahil sa gulat. Lumingon ako and I saw Alvarez leaning on the door. Nakahalukipkip at pinagmamasdan ang kabuoan ng room na ito. Bwiset 'tong tigre na 'to. Muntik pa akong atakihin sa puso dahil sa bigla niyang pagsulpot.

Finding Ms. RightTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang