Chapter 29: Happiness

348 11 0
                                    

JANA

MASAYA akong makita si Hollie ulit. Gaya ng dati, magkasundo pa din kami pero hindi sa lahat ng bagay. Gaya kasi ni Lucy, girl na girl talaga manamit si Hollie. But not in the way na kulang kulang sa tela. Para sa kanya, okay na ang simpleng dress at 2 inches na heels. Gumagamit din siya ng make-up pero hindi naman sobrang kapal. Madalas niya nga akong pilitin na magdress pero ni minsan, hindi niya nagawa.

Ayaw ko ng dress 'no. Ayaw kong nae-expose ang legs ko. Hindi din ako nagsusuot ng mga backless, sleeveles at kahit ano pang damit na may 'less' sa huli. T-shirt, pants at rubber shoes. Ganyan ang style ko.

At doon kami hindi nagkakasundo ni Hollie. But somehow, bestfriends din kami. Hindi nga lang
kasing close gaya namin ni Lucy but Hollie is a great friend. Matalino din siya at palaging nasa honors ng klase.

That's why I decided na si Hollie, siya ang susunod na babaeng ipapakila ko kay Alvarez.

Ngayon ang meet-up nila and as usual, sa coffee shop sa mall ko ulit sila pinagtagpo. Wala akong maisip na lugar. eh. Hehe.

Buti talaga pumayag si Hollie. Gusto na din daw kasi niyang maging open sa lovelife pero 'yung kuya niyang gangster, ayaw daw siyang paligawan kahit ang daming lalaki ang gustong manligaw sa kanya. Ang higpit masyado ni Kuya Harry. Kaya ang nangyari, kinailangan ko munang magpaalam sa kanya. Syempre hindi naging madali! But at the end, pumayag din siya. Ang kaso, may kapalit.

Kailangan ko daw siyang tulungan doon sa babaeng nililigawan niya. Ang galing noh? Tagahanap na nga ako ng babae para kay Alvarez, naging assistant pa ako ni Kuya Harry. Mga lalaki nga naman.

"Ano? Ready ka na?" tanong ko kay Kuya Harry. Tumango naman siya pero nakita ko ang paglunok niya kaya natawa ako. "Kinakabahan na 'yung kilala ko dyan," sabi ko sa pakantang tono.

"You're not a good singer." sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama. Imbes na matakot, mas lalo pa akong natawa.

Napailing iling na lang siya at sabay kaming bumaba mula sa kotse niya. I smirked when I looked at him, again. Naka-checkered polo siya and black pants. Naka-gel pa at may hawak na bouquet ng bulaklak at isang box ng chocolate.

"Doorbell na ako ha?" excited na sabi ko. Aangal pa dapat siya pero huli na dahil napindot ko na agad ang doorbell ng bahay kung saan nakatira ang babaeng nililigawan niya.

"Shit." narinig ko pa ang mahina niyang mura ng bumukas na ang gate. Bumungad sa amin ang isang magandang babae na mukhang two or three years older sa akin. Kulay brown ang buhok niyang hanggang balikat lang at maputi din. Medyo kinulang lang ng kunti sa height pero masasabi kong maganda. Kaya naman pala na-fall 'tong si Kuya Harry eh.

"H-Harry?" 'di sure na tawag niya kay Kuya Harry.

"H-hi Karina," nagpigil ako ng tawa dahil parang hiyang hiya siya at napahawak pa sa batok niya.

Ngumiti naman si Ate Karina. "Anong ginagawa mo dito? Atsaka," tumingin siya sa akin. "Sino siya?"

"Hi po! Ako po si Jana, kaibigan ni Hollie at ni Kuya
Harry." magalang na sabi ko at napatango tango siya.

"You're a friend of Hollie pala. Pasok kayo?"

I shook my head. "Sinamahan ko lang po si Kuya Harry na pumunta dito. Nahihiya po eh." natawa naman siya sa sinabi ko and Kuya Harry glared at me.

"Bye!" I bid my goodbye to them at kumindat pa kay Kuya Harry para sabihing goodluck. Sinamaan niya ako ng tingin pero ngumisi lang ako. Pipigilan pa sana niya ako pero agad akong pumara ng taxi at sumakay.

Finding Ms. Rightحيث تعيش القصص. اكتشف الآن