Chapter 5: Contract Signed

481 20 0
                                    

JANA

"ANONG kalokohan 'to?"

"You read it right. Gagawin mo yan or else, ikaw at ang kaibigan mo ay makikick out sa school ko" taas noong sabi niya. Napaawang ang labi ko. Bwiset na lalaking toh! Anong akala niya sa akin uto-uto?

"Ang kapal naman ng mukha mo! Tingin mo talaga gagawin ko yan!? Nek nek mo!" nilamukos ko 'yung papel at binato sa mukha niya. "Oh ayan! Sayo na 'yang tang-inang kontrata na yan!"

Ha! Akala niya ah. Ako pa tinakot niya? Lamunin niya yang papel o kung gusto niya, asawahin niya pa tsaka niya isaksak sa kidney niya. Bwisit siya.

I was about to open the door ng marinig ko siyang magsalita.

"Yes Dean? Yeah, Jana Tolentino and Lucy Mendoza. They are both in the section A and bukas, gusto kong wala na sila sa scho-" natigil siya sa pakikipag-usap sa cellphone niya ng hablutin ko iyon. He smirked. "Ano pang ginagawa mo dito? I thought you already refused to do it"

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone niya habang tinitignan siya ng masama. Bakit ba nila ginagawa ito? Nakakainis! Para lang doon sa pagsuntok ko sa kanya ipapakick out niya kami ni Lucy? Isa pa! Wala namang ginawa si Lucy sa kanya tapos idadamay niya? Anong gagawin ko? Gawin iyong kabulastugan na 'yon? Hahanapin ko 'yung babaeng mamahalin niya? Wow ha! Hindi ako si kupido!

"Bakit ba kasi kailangan kong gawin 'yan? Hanapin ang babaeng mamahalin mo? Para sabihin ko sayo, hindi sila hinahanap! Kusa silang dadating sa buhay mo sa tamang panahon!" natigilan ako sa sinabi ko. Where the hell did I get that? Ah basta! Nasabi ko na lang eh.

"Wow! Are you a love expert?" sinamaan ko ng tingin si Darren. Love expert? No way!

"I don't care. Are you going to do it o gusto mong hindi ka na makapasok pa dito bukas?" napakuyom kamao ako. Bwisit na Zild 'toh!

Binato ko sa kanya 'yung cellphone niyang walang kahirap hirap naman niyang sinalo. Pinulot ko 'yung walang kwentang kontrata at inayos 'yon. Binasa ko pa ulit iyon. "Three months? Are you really serious about this?" tanong ko.

"Yes. Oh? Do or not?" I sighed.

"Pwede bang pag-isipan ko muna? At kung hindi ka naman makapaghintay mag bigti ka na" sabi ko at tinalikuran sila. Ang kapal ng mukha.

"You have until tomorrow. Alam mo na ang mangyayari sa oras na tumanggi ka"

Nilingon ko sila. At ang mga gago nakangisi pa. I raised my middle finger and said.. "Pakyu!"

~~

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang binasa basa ang bwiset na contract na 'to.  Gusto niya talagang gawin ko 'to? Ang hanapin ang babaeng mamahalin niya? Ano siya baliw? Bakit sa akin niya ipapahanap at hindi siya mismo? Ang kapal ng mukha. Mas makapal pa sa encyclopedia!

Buti na lang at nalusutan ko si Lucy kanina nang magtanong siya. Instead of saying the truth, sinabi ko na lang na pinapunta ako sa Dean's office at kinausap doon tungkol sa nangyari. Ang galing kong gumawa ng rason 'no? Eh alangan namang sabihin ko kay Lucy na 'yung lalaking mahal niya, na hindi ko naman talaga alam kung mahal niya talaga ay inuutusan akong maghanap ng babae na mamahalin niya. Masasaktan lang 'yun.

"Aish!" napasabunot na lang ako sa buhok ko because of great frustration. Ba't ko ba kasi sinabing pag-iisipan ko? Dapat umayaw ako eh! Ang sama talaga ng ugali ng shokoy na 'yun. Bwisit siya sa buhay ko. Bakit ba kasi humihinga ang tulad niya?

I crumpled the contract for the nth time and threw it somewhere. Tumayo ako mula sa kama at nagpalit ng damit. Kakauwi ko pa lang ng school problema na agad ang iniisip ko. Magkaroon lang talaga ako ng pagkakataon at uupakan ko 'yon.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon