Chapter 51: Blurry Images

301 13 0
                                    

JANA

THE issues about AU are subsiding. The feedbacks about AU from the former students are enough to convince the people that AU isn't an unfair school. Karamihan sa mga statements na nakuha namin ay puro mabubuti. We also brought to the media the statement given by the gang of kuya Harry na nag-iisang gang na nakalaban ng Section C. They said that it was a misunderstanding and since Kuya Harry's family is known, they all believed that. Unti-unting humupa ang bad issues tungkol sa AU at halos karamihan sa mga tao ay binabawi lahat ng masasamang salita na sinabi nila. That's good, right? Now, AU is safe and at good state.

While Alvarez and Vinos, hindi na yata namin kailangan pang gumawa ng paraan dahil parang nakakalimutan na agad nila ang nangyari. Most of the people now are distracted with the new trends. Psh.

And after just three days, my brother went back aboad. They said that they only came here to check me and when they made sure that I was fine, they flew back to US.

And guess what? That Madrigal transferred to our school. Nagulat nga ako dahil tinanggap pa siya ng AU kahit patapos na ang 4th quarter at malapit na ang Final Exams. But well, I know Zild backed her up. Buti na lang at napunta siya sa Section 10-B at hindi sa Section namin. Para hindi ko makita 'yung mga kalandian niya.

And speaking of that girl, nakita ko na naman siya na naka-cling sa braso ni Zild habang naglalakad sila papasok ng cafeteria. Kumunot agad ang noo ko but rolled my eyes in the end. I am walking with Lucy towards the cafeteria at nasa likod lang nila kami but we're meters apart.

"Oh.. someone is going to make patay patay people na!" Natatawang sabi ni Lucy  at mas lalo lang kumunot ang noo ko. She then looked at me and stopped laughing. But she showed me her smirk. "What?" Painosente niyang tanong kaya inirapan ko na lang siya.

"Go inside alone. I already lost my appetite." Sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Ha? Why?"

"Ang sakit mo kasi sa mata."

"Jana!" I only waved at her and turned my back. Naglakad na ako at narinig ko pa siyang bumubulong-bulong. Natawa na lang ako habang naglalakad. She didn't follow me. Mukhang gutom ang bruha.

I just walked and walked until I noticed that I am walking towards my favorite three here in AU. Umupo ako agad at sinandal ang likod at ulo ko sa katawan ng puno. Wind is touching my hair which made it a little bit messy pero hinayaan ko lang.

I sighed. Dapat masaya ako dahil gumana naman 'yung naisip ko na solusyon para sa issues ng AU. But why am I feeling irritated? What's wrong with me? It's almost a week at palagi akong naiinis. Lalo na kapag nakikita ko ang mga kalandian ni Celestine. That girl. Tsk.

I just closed my eyes and erased her and 'him' in my mind. Pero pagkatapos ng ilang segundo, napamulat ako agad at inis na sinabunutan ang buhok kong naka-ponytail. Magulo na nga ito dahil sa hangin, mas lalo ko pang ginulo.

Bakit ba kasi ako naiinis?! I should be eating right now. Hindi 'yung nagmumukmok lang dito at mukhang tanga na sinasabunutan ang sarili. Paksyet. May sakit kaya ako sa utak? Baka naman bipolar ako.

"You're obviously jealous." Agad akong napaayos ng upo dahil sa boses na narinig ko. I immediately looked at the person who is standing infront of me. How come na hindi ko siya napansin? "Masyado kasing malalim ang mga iniisip mo." Sabi niya at napaawang ang labi ko.

"Do you have a power in reading someone's thoughts?" Tanong ko at tumawa lang siya. Naglakad siya palapit sa akin and sat infront of me. Okay lang naman dahil nasisilungan pa din naman siya habang nakaupo sa damuhan tulad ko.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon