Chapter 12: Leaving AU

410 11 0
                                    

JANA

"A-ANONG ginagawa mo dito?" medyo nautal pa ako dahil sa gulat.

He didn't say anything and just stared at me with his phone still placed on his ear. Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko alam kung ilang beses na akong napalunok. Nagriring pa din ang phone ko at mukhang wala siyang balak na tigilan iyon. At ano bang ginagawa ng Alvarez na 'to dito?

"Ano ngang ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok?" tanong ko ulit.

"I entered the door" I rolled my eyes when he said that.

"Obvious nga" sarcastic na sabi ko.

Mukhang nagulat pa siya ng tumayo ako at lumapit sa kanya. I averted my gaze when I held his both hands. "What are you doing?" tanong niya pero inirapan ko lang siya.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at buong lakas siyang hinila palabas. Binuksan ko ang pinto at binitawan ang kamay niya. Tinulak ko ang likod niya hanggang sa makalabas siya.

"Kapal ng mukha mong pumunta dito! Huwag ka ng magpapakita sa akin! Panget!" then I hardly slammed the door on his face.

Ang bwiset na lalaking iyon. Kapal ng mukhang magpakita at pumunta dito. Sarap tuktukan sa ulo. Ugh!

I was about to go back on my bed when the door opened again. Inis akong humarap sa taong pumasok, "Sinabi ng umalis ka e-" napatigil ako ng makitang hindi si Alvarez iyon.

"Oh Jana? Anong problema mo?" tanong ni Yaya habang may hawak na bag.

"W-wala po" sabi ko at umupo na sa kama.

Nag-aayos ng mga gamit si Yaya sa gilid habang ako nakasandal sa headboard at nakatingin sa kawalan. Did he left when I pushed him out? Buti naman. Marunong din naman palang makaintindi ang lalaking 'yon. Pero ano nga bang ginagawa niya dito kanina? Ang assumera ko naman kung iisipin kong dahil sa akin. Wala namang pakielam sa ibang tao iyon eh.

I heaved a sigh. Buti umalis siya. Sinabi ko na ngang aalis ako sa AU tapos nagpakita pa siya. Bakit din kaya tumatawag iyon kung nandito din naman pala? Ang tanga naman no'n.

Pero bakit pakiramdam ko maling pinaalis ko siya? Am I feeling guilty? Hindi pwede! Ba't ako magiguilty? Para namang masasagasaan siya pauwi at pinaglalamayan na bukas ang bangkay niya. Kaya na niya sarili niya. Malaki na iyon, maliit nga lang ang puso.

Humiga na ako sa kama at pumikit. I want to sleep.

Nakukuha ko na ang tulog ko ng marinig kong nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon and I saw one message and it's from him.

From: Mr. Bwiset

Get well soon then let's talk.

Ba't ganun? Bakit parang lumakas 'yong tibok ng puso ko? Or guni-guni ko lang? Tama. Tama. Guni-guni ko lang iyon.

Nilapag ko ang phone ko sa gilid at pumikit. Did he just said get well soon? Anong nainom niya at sinabi niya iyon? At ano daw? Let's talk? Ano bang nahithit ng lalaking iyon?

No Jana. Huwag kang maniwala sa text na iyon. Get well soon then let's talk his face. Bwiset. Nananahimik na ako nanggugulo na naman.

Kung 'yung pagiging slave ko for two years ang pag-uusapan namin, manigas siya. I don't care about that. Ginawa ko ang makakaya ko pero ano ginawa niya? Wala. Nang-indiyan. Nang-snob. Nagsungit at naging pasaway. Tapos ano? Usap daw kami? Sapakin ko kaya mukha niya para matauhan siya? Kakainis na tsunggo 'yon. Sarap ipakain sa leon.

Pero ano bang gusto niyang pag-usapan? At totoo bang nag-get well soon ang loko? Eh ano bang problema ko? Tulog na nga Jana. Sabi mo matutulog ka eh.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now