Chapter 39: Goodluck

319 9 0
                                    

JANA

"GUYS, the school are counting on you," sabi ni Ms. Bautista at tumango kaming tatlo.

Nginitian niya muna kami bago kami sinenyasan na pumasok sa loob. We went inside at umupo sa pinakadulong mga upuan. Magkakatabi kaming tatlo at nasa gitna nila ako. Hindi na ako nagulat. Sa halos isang linggo na review namin, palaging ako ang nasa gitna ng dalawang 'to. Kung magbabangayan sila, ako palagi ang taga-awat. Nasanay na din ako sa asaran at presensya ng magpinsan na 'to. Hindi ko alam kung anong naging problema nila but I believe na hindi pa huli ang lahat at magkakaayos pa sila.

"Tsk." Napatingin ako kay Niko ng marinig ko ang pag-ismid niya. Then I saw him glaring at the two girls na nasa harap namin. Umayos naman 'yung dalawang babae ng upo na kanina ay halos himatayin na sa kilig. Woah. Makahatak si Niko ng babae ah?

Well, hindi na ako magdududa. May itsura din naman kasi 'tong ugok na 'to. Nakadagdag charm niya pa ata 'yung eyeglasses niya. Diskarte niya din, ano? Nagsuot ng eyeglasses para magmukhang matalino. Well, totoo naman.

Bigla naman siyang lumingon. He smiled and nodded. Tinanguan ko na lang din siya kahit hindi ko alam kung para saan 'yon. Ang sama ng aura niya no'ng tinitignan 'yung dalawang babae tapos biglang ngumiti ng tumingin sa akin? Ano 'yun? Pagwapo? Hambalusin ko siya dyan eh.

I looked at my watch at nakitang 10 minutes pa bago mag-start. Sumandal muna ako sa upuan and recited different formulas in my mind. Mahirap na noh. Baka bigla ko na lang makalimutan mamaya.

Napansin ko din ang mga babaeng panay ang tingin dito sa dalawang katabi ko. Tangina. Hindi tuloy ako makapag-concentrate dahil sa mga mahihina nilang hagikgikan na para namang tunog parrot. Ang sarap hilahin ng mga mata nila para hindi na nila makita 'tong mga katabi ko at manahimik na sila. Tsk.

After how many minutes, nagsalita na 'yung teacher na magbabantay sa amin. The three representatives of each school ay hindi dapat magkakatabi kaya in-arrange nila kami.

Hindi na ako tumayo sa upuan ko dahil ito na daw talaga ang uupuan ko. Nang nilipat si Niko, dumaan muna siya sa harapan ko. He suddenly placed a chocolate over my desk at nginitian ako. "Goodluck," sabi niya bago pumunta sa upuan niya which is two rows away from me. Kumunot ang noo ko. Anong nangyari doon? Bakit parang biglang bumait sa akin? Dati naman palagi akong inaasar ng lalaking 'yun. Anyare kay Vinos?

"Tsk. Magbibigay na nga lang ng chocolate, cloud nine pa," I looked at Alvarez ng marinig ko siyang bumulong.  Problema na naman nito?

Matapos itago 'yung chocolate sa bag ko, nilingon ko ulit siya. "Atleast siya nag-goodluck. Goodluck sayo, ha? Galingan mong tigre ka," sarcastic na sabi ko at inirapan siya. Bwiset na 'to. Pati ba naman 'yung cloud nine na bigay ng pinsan niya pag-iinitan niya? Suntukin ko siya dyan eh.

Kitang kita ko lahat ng mga babae na nakatingin kay Alvarez ngayon. I rolled my eyes. MTAP challenge ba talaga ang pinunta nila dito o para lang lumandi? Hugutin ko kaya lahat ng eyeballs nila tapos pakain ko sa aso? Makatingin parang nanghuhubad na eh. Sarap ugh!

Nilipat na ng upuan si Alvarez kaya naiwan na lang ako dito. Dalawang lalaki din ang na mula sa magkaibang school ang pumalit sa kanila. Napangiwi ako. Sana doon na lang ako sa gilid para isang side lang ang tatakpan ko para hindi sila makakopya. Itsura naman kasi ng mga 'to ay parang mga taong hahaba ang leeg para lang maka-cheat. Tsk. Tapos nagha-hi pa sa akin 'yung isa. Nginitian ko na lang. I don't want to be a snob. Though, he's being an FC.

The teacher said the instructions. Kinuha nila ang mga cellphones namin at pinababa ang bags. Napatingin ako doon sa dalawa. Niko is two rows away from me while si Alvarez, isang row lang at 'yung line sa harap ko ang ka-line niya. Buti hindi nagmamatigas 'tong dalawang 'to kahit na kilala sila sa AU dahil wala silang sinasanto. Si Niko kasi, kahit matalino, palaban at mayabang din. Magkatulad sila ng pinsan niya. Pareho silang bossy. Mga feeling din sila eh.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now