Encounter 47

334 70 24
                                    

R E N

"Ouch!"

"S-sorry, does it hurt?" Pagtatanong ko dito. Nadali ko kasi yung malaking sugat n'ya sa braso nang tanggalin ko ang damit nito.

"No, parang wala nga e-ouch" Pilya akong ngumiti nang hawakan ko yung sugat n'ya. Parang wala pa ah.

Tinutulungan ko kasi s'yang magpalit ng damit. Wala naman s'yang bali, pero may mga sugat lang at masakit lang daw ang katawan n'ya.

"Actually, hindi naman kasi talaga masasakit yang mga iyan" Sambit nito. Habang sinusuot ko sakan'ya yung isang plain white t-shirt.

"Dito ang masakit oh"
Umiling ako ng ituro n'ya sa akin yung lips n'ya. Ilang beses ko na bang nabasa ito? Pero tangina, mas masarap palang maranasan sa totoong buhay. Lalo na kung si yoongi.

"Wag mo kong harutin, magpahinga kana, kailangan mong magpalakas"
Seryosong sabi ko sakan'ya na ikina-pout lang n'ya, palihim akong napangiti.

Umupo ito sa gilid ng kama, pagkatapos ay hinila ako nito papalapit sakan'ya. Hindi ako makatingin ng diretso sakan'ya dahil sa nakakatunaw nitong tingin sa akin.

"Gusto mo bang kumain, Bakit ba umuwi ka ng mag-isa? Alam mo bang dapat nagpapahinga ka pa hanggang ngayon?"
Sunod-sunod kong tanong dito. Pero sinagot lang ako nito ng nakakabaliw n'yang ngiti. 

Ano bang gagawin ko sa lalaking ito? Ano bang gagawin ko para palagi nalang s'yang nakangiti ng ganito.

"Alam mo mas lalo kang nagiging cute kapag nag-aalala ka sa'kin" He chuckled, I felt my cheeks heat up so I slap his arms.

"Ouch!"
Napabalikwas dahil nakalimutan kong masakit pa nga pala ang katawan n'ya. Pero ang sarap n'yang asarin, bwisit s'ya eh.

"Nakakinis ka naman eh. Hindi ka sumasagot ng maayos"
I crossed my arms in my chest. His nose scrunch and pulled me closer to him.

"Alam mo kung bakit?"
Umiling-iling ako dito, damn. Bakit ba ang cute n'yang ngumiti.

At wag n'yang subukang sumagot ng: "pwet mo may rocket" ah

"Kasi, mas maganda nurse ko dito sa bahay, mas magaling mag-alaga" Tangina, tama bang bumanat ng ganito? Jusko! Yung puso ko parang sasabog sa tuwa at kilig. Pwede ba yun? OO AT SI YOONGI LANG ANG NAKAKAGAWA NUN!

He pinch my nose.
"Maganda na, cute size pa HAHAHAHA" Tinignan ko s'ya ng masama, okay na sana ako eh, tapos biglang may insulto.

But I must admit it, I missed it, I missed everything, I miss this man.

He cleared his throat.
"Dahil pinayagan ako ni PDnim umuwi" Kumunot ang noo ko. Pinayagan s'yang umuwi ng mag-isa, Bakit wala s'yang kasama, Bumyahe talaga s'ya?

He sighed and look at my eyes, full of love while playing my hair. "Noong nagising ako, umalis na yung mga nurse na nag-ayos sa akin. Pero sabi nina Namjoon, pwede na daw akong ma-discharge ano mang oras kagabi dahil hindi naman daw ganoon kalalim ang mga sugat ko" Paliwanag nito. I stayed in silence, letting him explain everything.

Kitang-kita ko kung paano namula yung pisngi n'ya at ang tenga. Hindi naman ata halatang kinikilig s'ya.

"And then I listened to your voice messages" Umiwas ito ng tingin at parang may binulong pa na hindi ko naman naintindihan. "That time, gustong-gusto ko na talagang umuwi, gusto ko ng magpahinga"

"Sa tingin ko, nakonsensya na si PDnim. Pinayagan n'ya akong bumalik sa'yo" He winked at me whilst I'm here still confused. Bakit naman makokonsensya si PDnim.

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Место, где живут истории. Откройте их для себя