Encounter 12

568 158 9
                                    

R E N

"Ito kasing si hyung eh, puro subo ayan tuloy mapapasubo tayo dahil sayo". Napakamot sa ulo si Jungkook, natatawa parin dahil sa kalokohan ni Hoseok na namumutla ngayon.

"Kasalanan ko bang biglang sumusulpot si PDnim" Bumuntong hininga nalang ako sakanilang dalawa. Magsisihan ba naman daw ngayon?

Ayan puro subo kasi pinag-uusapan.

Napa-subo tuloy kami ngayon, andito kasi kami sa sala, may pag-uusapan daw sabi ni PDmim. Di ko nga alam kung bakit kelangan pang sumigaw? PDnim hindi po kami bingi

Ang pinagtataka ko nga, bakit pa ako kasama sa usapan eh hindi naman ako kasali sa grupo nila. Andito lang naman ako dahil binibisita ko sila, 'yun lang.

"Hyung tara mag-usap tayo" Inakbayan ni Namjoon si Jin at naglakad na ang dalawa papunta ata sa kwarto nila.

"Hoy ano yan ah?" Napatingin sa amin ang NamJin, specially sa akin dahil ako ang nagtanong nun.

"Noona, baka magsusubuan na yung dalawa, yieee~"  Itong si Jungkook pinaka-bata pa naman sa grupo pero ang daming alam.

"Kaya pala kayo magsosolo kayo ahhhh~" Hindi ko talaga matatanggi na nagiging berde narin yung pag-iisip ko eh, paano ba naman itong nga kasama ko, ang BEBERDE DIN!

Jusko!

Ayan tuloy batok ang inabot naming tatlo kay Jin, kahit masakit at malutong ang batok na natanggap namin ay nagawa parin naming humalakhak, at nakisabay din ang iba.

"Kayong tatlo, tigilan n'yo ang pagiging berde n'yo may pinapatulong lang sa akin si Jonnie"
Napa-pout na lang ako habang kinakamot yung ulo. Bahagya akong nakatingin kina jimin at jungkook na ngayon ay nakapout din.

Pucha! Bakit ang cute nilang mag-pout? Samantalang ako para akong tanga!

Nasaan ang hustisya dito?!

Kaya dahil sa nahiya naman ako sa mga kasama kong ALMOST PERFECT, inayos ko nalang mukha ko. Nakakahiya eh.

"At ikaw!" Bahagyang napa-urong si Namjoon dahil sa biglang pagturo sakan'ya ni Jin.

"Oh ba't nadamay ako?"  Bahagya pang natawa si Joonie habang nakahawak sa kanang dibdib n'ya, patay kang bata ka.

"Anong ba't ka nadamay? Kung ano anong pinagtuturo mo sa mga 'to, tignan mo ang dami ng alam, pati 'tong si Ren" Ladies and gentelman, Jin the rapper!

Halos namumula na ang mukha ni Jin dahil sa kaka-saway dito kay Namjoon, bakit nakikita ko dito yung nanay ko?

Feeling ko magandang laban 'to kapag nag-rap silang dalawa ni mama eh.

"Bangtan!" Napatigil at napatingin lang kaming walo kay PDmin na ngayon ay kakapasok lang.

"Pinapunta ko kayo ngayon dito dahil gusto kong i-announce sa inyo na pupunta tayo sa isang bundok bukas, para sa shooting n'yo kaya mag-ready na kayo" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni PDnim. Kami? So ibig sabihin kasama ako?

"Yehey pupunta tayo ng bundok!" Gusto kong mag-isip pero di ko nagawa dahil kay taehyung na ngayon ay naglalakad na para bang unggoy, medyo naka-awang ang bibig nito at yung isang kamay nasa ulo at nangangamot-ngamot tapos yung isang kamay n'ya ay nasa dibdib.

Hay jusko po!

Sumunod naman sakan'ya si Jimin at si Hoseok na ginaya pa yung tunog ng unggoy, tapos si lolong akala ko mananahimik na lang habang buhay ay lumapit kay Hoseok at nagkunwaring kinakain yung kuto n'ya.

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Where stories live. Discover now