Encounter 4

781 221 38
                                    

A/n: Sobrang ganda ng Ego ni Hoseok. Omooo! Hindi ko kinakaya.

~look ahead, the way is shinin' keep goin' now~

Ps: pangalawang update ko ngayon ito sa araw na ito, sobrang natutuwa kasi ako ehhh huhu.

R E N

Kaya mo to Ren!

Sabi ko na lamang sa sarili ko at huminga ng malalim bago kumatok sa pintuan ng bahay namin.

Alam kong sesermunan na nila ako lalo na ni papa, alam ko. Kasalanan ko rin naman na hindi ako nakinig sa kanila at sa mga payo nila.

I knocked at the door and less than a minute the door opened showing my father. I swallowed the lump on my Throat, he looked at me and looks very mad.

"Pa-". Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong niyakap ni papa ng mahigpit na mahigpit, My heart flutters when I recieved his hugs.

I almost cried because of happiness, akala ko talaga magagalit s'ya sa akin at papagalitan n'ya ako. Pero ngayon, sobrang sarap sa pakiramdam na yakapin ako ng sarili kong ama.

Biglang gumaan yung pakiramdam ko, hinalikan ako nito sa noo at niyakap muli.

Nakita kong tumakbo si mama at ate papunta sa amin ni papa.

"Anak!" Bungad sa akin ni mama, hawak hawak nito ang mahabang sandok sa kan'yang kamay.

"Mama" I tried my best not to cry, I really miss them kahit ilang linggo ko lang silang hindi nakita.

"Aray!" Napahawak ako sa aking ulo dahil pinukpok ba naman sa akin iyon ni mama ng malakas.

Sobrang sweet naman ng pag-welcome sa akin ng mama ko.

Walang katumbas!

Sarcasm here!

"Ikaw na bata ka, basta ka nalang layas ng layas, tapos nilihim mo pa sa amin kung hindi pa sasabihin ng ate mo hindi pa namin malalamang wala na kayo ng nobyo mong manloloko!"
Hindi ko mapigilang mapa-pout dahil sermon agad ang inabot ko kay mama.

Ayoko pa namang sinesermonan n'ya ako."oh! Anong sinabi ko sayo? Diba? Tama kami ng papa mo wala kang mapapala d'yan sa boyfriend mo, tapos ano makikita mo lang na nakikipag kemehan d'yan sa kaibigan mo" Wow! Ang taray alam na yung salitang keme!

Upgraded na si momshie!

Pero seryoso ayokong nanenermon 'tong si mama kasi natalo pa armalite n'yan, niratrat na ako. Kung baril lang yung bunganga ni mama, siguradong kanina pa ako nakahandusay sa sahig,

Duguan, patay, dedok na agad.

"Tapos hindi ka pa umuwi dito, alam mo bang nag-aalala na kami?" Sasagot na sana ako nang biglang-

"Hindi diba? Hindi mo alam kasi wala ka naman dito sa bahay" Tignan nyo, nagtanong si mama sinagot din n'ya pinilisopo pa sarili n'ya.

Ladies and gentelman, meet my Mother!

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa pagsesermon ni mama at sa pamimilosopo n'ya sa sarili n'ya.

"Ikaw naman Lourdes, kakauwi lang ng anak mo niratrat mo na agad" Banat ni papa dito, tinignan lang ito ni mama tapos biglang pinalo din ng sandok sa ulo.

Ayan banat kasi ng banat, binanatan tuloy ni mama.

"Ikaw isa ka pa, may pasabi sabi ka pang hahabulin mo ng itak eh panghasa nga sa kutsilyo wala ka eh". Hindi ko napigilang matawa dahil sa sinabi ni mama, hay talaga naman. Napatungo tuloy ako bigla dahil tinignan ako ng masama ni mama.

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Where stories live. Discover now