Encounter 20

470 92 5
                                    

Y O O N G I

"Please Ren, please idilat mo yung mga mata mo, shit!"
sigaw ko kay Ren na naka-dantay sa aking braso, walang malay at duguan. hindi ka pwedeng mawala Ren. hindi pwede!

"get the fucking car!"
Sigaw ko, nagmamadaling madala kaagad sa hospital si Ren, rinig kong umiiyak na din ang ibang miyembro pero mabilis nilang binuksan ang pinto ng sasakyan

"please Ren hold on, hold on for me, please fucking hold on"
Bulong ko sa tenga ni Ren at binuhat s'ya papasok ng kotse. "fuck Jimin, kung kailangan mong paliparin yung sasakyan para lang makarating agad sa hospital gawin mo!" sigaw ko kay jimin na ngayon ay nasa driver's seat.

"p-per hyung-''

"tangina sundin mo nalang ako Jimin please!" doon ko naramadaman ang pagtulo ng luha ko, kinuha ko ang kamay ni Ren, doon ko ibinuhos lahat ng takot at sakit na nararamdaman ko.

"you're really stupid, aren't you? why did you save me if you're the one in danger"
mas lalo lang akong umiyak habang kinakausap ang wala ng malay na si Ren, wala na akong pake kung naliligo na ako ng dugo, ang gusto ko mabuhay s'ya, ang maging okay s'ya.

mabilis namang rumisponde ang mga nurse pagkarating namin sa hospital.

"shit Ren!" rinig kong sabi ng katrabaho n'yang si Ren na duguan, mangiyak-ngiyak na din ito, halatang nagulat sa nangyari pero mas pinabilis niya ang pagtakbo ng strectcher. hindi ko pinakawalan ang kamay ni Ren hinawakan ko ito ng mahigpit, dahil natatakot akong kapag binitawan ko s'ya.... baka mawala na s'ya ng tuluyan sa akin, sa'amin.

''hanggang dito nalang-"

"hindi pwede, nakikita mo ba? kailangan nya ako! kailangan-"

"I'm sorry Sir, pero mas kailangan n'yang malunasan sa ngayon". Kalmado ang Doctor, hindi na niya hinintay ang sagot ko at mabilis na pumasok sa ER.

inihilamos ko ang aking kamay na puno ng dugo ni Ren sa aking buhok dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko.

naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni taehyung, at ang pagkausap nina PDnim at Namjoon sa nurse na pumasok narin sa ER.

tinabig ko ang kamay nila sa akin, inis kong sinuntok ang pader at umiyak sa takot, sa sakit at sa emosyong hindi ko maintindihan. "hyung magiging okay din ang lahat'' umiling ako kay Namjoon. paanong magiging okay? binuwis ni Ren yung buhay n'ya sa akin at ngayon s'ya na ang nanganganib.

Paano nanatilibg kalmado si Namjoon, kung alam n'yang nanganganib si Ren!

"hyung, hindi tayo pwedeng maging mahina para kay Ren, kahit kami nasasaktan din" bahagayang tumigil si taehyung dahil humihikbi na ito, kaya niyakap agad s'ya ni Jimin at jungkook na namumula na din ang mga mata.

"hindi... tayo... pwedeng maging mahina hyung"
pinilit magpatuloy ni taehyung pero hindi n'ya mapigilan ang paghagulgol.

"kailangan nating magpakatatag para sakan'ya, magiging okay din ang lahat"
walang emosyong sabi ni Hoseok na ngayon ay nakatigin sa pintuan ng emergency room.

I scoffed at hoseok. "magiging okay? naririnig mo ba yang sarili mo huh hoseok? bakit ang lakas mong makasigurado huh?" tumayo ako at mabilis siyang kinuwelyuhan, nagiigting ang panga ko habang nakatitig sa mugto niyang mata.

"alam mo bang ang sakit nito para sa akin, may kung ano sa aking emosyon na hindi ko maintindihan, at kahit na ayoko sa.... sa pagiging tanga n'ya, ayoko parin s'yang mawala!" sigaw ko sakan'ya, mas hinigpitan yung pagkaka-kapit sa kwelyo niya.

Marahas niya akong tinulak palayo dahilan para mapahiwalay ako sakan'ya. "akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan dito hyung huh? akala mo ba hindi rin ako nasasaktan? na hindi kami nasasaktang lahat dahil sa nangyari sakan'ya!" tinuro pa nito ang ibang miyembro ng grupo na ngayon ay umiiyak din, lalo na si taehyung na pilit pinapatahan nina Namjoon at Jin.

"akala mo ba madali sa amin ito huh? hindi lang ikaw ang nasasaktan Hyung, mahal ko si Ren at pamilya na ang turing ko sakan'ya, kaya wag kang magsalita na parang ikaw lang ang nasasaktan!"
ngayon ay tumutulo na ang luha ni hoseok, ang dating masayahin, palabiro, kwela at naguumpisa ng kaulitan sa grupo ay umiiyak ngayon. namamaga ang mga mata  at namumula ang ilong.

"niligtas ka n'ya hyung, niligtas ka ni Ren! dahil sa'yo, dahil sayo kaya nand'yan s'ya sa loob! nag-aagaw buhay, at may posiblidad na hindi na natin s'ya-"

"wag mong sabihin yan! mabubuhay s'ya Hoseok mabubuhay si Ren hindi s'ya pwedeng mawala sa atin hindi pwede!" niyakap ako nito ng mahigpit, kasabay nun ang mga luha n'yang pumatak sa damit ko.

--

mabilis kaming tumayo nang makita namin ang isang babaeng umiiyak papalapit sa emergency room, mukhang mas matanda pa ito kay Ren. "n-nasaan si Ren?'' bungad nito sa amin. "nasaan ang pinsan ko?" tumungo kaming lahat, at narinig ko ang pagi-ayak muli ni taehyung.

"nasa loob pa po s'ya, patuloy paring inooperahan ng mga Doctor" narinig ko ang paghikbi ng babae, sumandal ito sa pader upang hindi tuluyang matumba.

tumayo ako sa harap niya at mabilis na lumuhod sa harap n'ya at pulit-ulit na nag-bow.

"sorry po, ako ang may kasalanan kung bakit nand'yan s'ya sa loob, sorry kasi wala akong ginawa para iligtas ang pinsan mo" naramdaman kong muling tumulo ang luha ko. "sorry, I'm so sorry. patawarin mo ako, patawad" Paulit-ulit kong paghingi ng tawad. pinilit kong ipagpatuloy ang pagsasalita kahit nahihirapan na ako.

"niligtas n'ya ang buhay ko, kahit wala akong nagawang mabuti sakan'ya"
mas lalo akong nasaktan nang maalala ko lahat ng sakit na idinulot ko kay Ren. Para bang binabarena ang puso ko naramdaman kong itinayo ako nito pero nagmatugas akong lumuhod parin.

"naiintindihan ko kayo at ang ginawa n'ya"pinunasan n'ya muna ang luha n'ya bago s'ya magpatuloy. Lumuhod narin siya, umiling-iling, hindi ininda kung puno ako ng dugo.

"mahal ka n'ya, mahal n'ya kayo kaya n'ya nagawa iyon. masyado kayong importante sakan'ya kaya n'ya nagawang iligtas ka kahit pa ang buhay n'ya ang maging kapalit nito".

mas lalo akong nasaktan dahil sa sinabi niya, mas lalo akong nasaktan sa lahat, nakonsensya ako sa pagiging masungit at masama ko kay Ren.

"wag mong sisihin ang sarili mo, sinabi n'ya sa akin iyon noong nagkita kami" tumingin kaming lahat saka'nya ng may pagtataka sa aming mga mukha.

"Alam kong gagawin n'ya ang lahat sa mga taong importante sakan'ya, handa rin s'yang masaktan dahil ayaw n'yang mawala yung mga ngiti sa labi n'yo. ayaw n'ya kayong masaktan kahit kapalit pa ang sarili n'yang kasiyahan"

napakuyom ako ng aking kamao, shit! shit Ren! sabi mo ayaw mong nakikita kaming nasasaktan? pero pinagaalala mo ako ng sobra-sobra, tinatakot mo kaming lahat.

Why are you so unfair? You want us to be happy but here we are, anxious because of you, afraid of your safety!

magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang emergency room, tumayo kaming lahat at pumunta sa harap ng doktor.

tinanggal nito ang surgical mask n'ya at malungkot kaming tinignan.

"Doc, she's alright right? she's fine?" pangungumbinsi ko sa Doctor pero tumungo lang ito, para bang nakalimutan ko ng huminga dahil sa paghintay ko sa sasabihin ng Doctor.

please shit no!

no!

Bumunyong hininga muna siya, bago kami tuluyang sagutin.

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon