Encounter 26

473 78 14
                                    

R E N

Awkward.

Ito na ang masasabi kong nararamdaman ko sa mga oras na ito, sobrang tahimik lang ng paligid pagkarating namin sa dining table habang may mga nakakalokong titig sila sa mga mukha nila.

Jusko!

Bakit naman kasi sobrang ganda ng timing nila?

"Kamusta?" Bungad na tanong sa akin ni taehyung, kumunot ang noo ko. "Kamusta masarap ba yung lips ni Yoongi Hyung" Gago 'tong batang 'to ah, narinig ko pa ang pagtawa niya bago kagatin ang ibabang labi.

"Gagu!" iyon nalang ang nasabi ko dahil pakiramdam kong namumula na naman ang pisngi ko.

"Payong kaibigan lang" Uminom muna ng tubig si Namjoon bago magsalita. Nag-smirk pa ito sa akin at sa katabi ko ngayong si Yoongi. "Dapat sa kwarto n'yo ginagawa yan, para tuloy tuloy" Isa pang gagu 'to eh. Malakas na tawanan ang bumalot sa lugar, mas lalo tuloy akong nahiya, hindi nalang ako sumagot o umimik pa, it's making me feel more uncomfortable.

Pero maganda 'yang suggestion mo Jooniee ah.

"Stop teasing us, naiilang na sa inyo si Ren" Pananaway ni Yoongi, which I should be thankful for. ngumiti lang  ng nakakaloko ang mga gago, para bang nag-uusap sila sa isip, pero tinikom na ang bibig.

O akala ko lang talaga.

"Sorry noona, sobrang hot kasi ng eksena n'yo kanina eh"  Sinamaan ng tingin ni Yoongi si Jungkook kaya biglang sinubo ni golden maknae yung kinakain n'ya, pero mabilis ding iniluwa yung pagkain niya nang mapaso.

"I told you, Stop it already"  Yoongi reminded, his voice was stern and full of authority.kunot noo niyang pinagmasdan ang iba't ibang klase ng lumpia.

Ang cute n'ya.

"Eto oh, isda yung flavor nito, pero hinaluan namin ni Jin ng ibang seafood" Kinuhaan ko s'ya ng lumpia at inilagay sa plato n'ya.

Naka-uwang ang bibig ni Yoongi at para bang manghang-mangha. "Seryoso? Seafood ito?" Labas na labas ang gilagid niya at parang batang tuwang-tuwa dahil natupad yung hiling n'ya.

Tumango ako "naalala ko kasing paborito n'yo ni Jin 'yung seafood eh kaya gumawa din kami" I wink at him, giggling, he was really mesmerized and looking satisfied.

"Kaya kumain kana, pinaghirapan ni Ren yan Hyung" dagdag ni Jimin na nag-wink pa sa akin habang sarap na sarap sa kinakain n'ya.

"Yah! Niluto ko din kaya yan" Maktol ni Jin na punong-puno ngayon 'yung bunganga, nagtalsikan pa nga ang iba.

"Kaya nga, ang sarap nga ng luto mo eh. Pakiss nga" hindi ko mapigilang mapangiti sa NamJin na pasulyap-sulyap pa sa isa't isa. bahagyang tumawa si Namjoon nang makitang bahagyang namumula si Jin. jusko Namjin!

"Thankyou" Napalingon ako kay Yoongi na ngayon ay ngiting-ngiti ito sa akin. Napa-high five nalang ako sa isip ko. Achievement ito! Napasaya ko si Yoongilagid!

"Ren pwedeng patikim n'yan?" inosenteng tanong ni Taehyung na nakatingin sa masarap kong lumpiang shanghai habang naka-pout pa. Hinati ko iyon tapos nilagyan ng sauce at isnubo sa kanina pa nakabukas na bunganga ni Taehyung.

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Where stories live. Discover now