Encounter 38

305 64 35
                                    

R E N

Hindi muna ako pumasok sa trabaho, masama kasi ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong dahilan pero siguro dahil sobrang nai-stress na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

Idagdag pa yung palaging tumatakbo sa aking isipan yung mga sinabi sa akin ni PDnim at ni Joonie, they're giving me head and heart ache

This is so fvcking hard.

Kung pwede ko nalang sanang tulugan lahat ng problema ko at mawala nalang ang lahat ng ito pagkagising ko. Kung ganoon lang sana iyon kadali, kaya lang hindi talaga.

"kamusta pakiramdam mo Ren?" bungad na tanong sa akin ni Hoseok pagkabukas ko ng pintuan ng studio ni Yoongi. mapait akong ngumiti dito bago luwagan ang bukas ng pinto.

"balita namin masama pakiramdam mo? o baka love-nat lang 'yan"
pang-aalaska ni Jimin, hindi ko nga alam na nandito din pala s'ya, masyadong maliit, di ko s'ya agad napansin. huehuehuehue.

"masama lang pakiramdam ko, puro ka harot Jimin" sambit ko dito, nag-owwwww naman si hoseok kaya't pinalo s'ya ni Jimin sa braso. Pikon.

"pumasok na kayo sa loob, ingay n'yo dyan sa labas"
nagkatinginan kaming tatlo nang magsalita na ang lolo n'yo, masyadong busy sa ginagawa nito at kanina pa nakaharap sa kanyang computer.

"Hyung!"
Sigaw ni Hobi bago salubungin ng yakap si Gilagid.

"Wag kang yumakap"
Bahagyang tinulak ni Yoongi si Hobi para makawala sa yakap nito, sus! Kunwari pa 'to gusto rin namang kayakap si Hobi, nahihiya lang.

"Hyung"
Hindi ako nagtaka nang yakapin din s'ya ni Jimin pero mas gusto kong matawa dahil hindi man lang tumanggi nang yakapin s'ya ni Jimin.

"Ang duya, favoritism"
Atungal na parang bata ni Jhope na nagpapapadyak na ngayon ng paa habang naka-pamaywang. "Yayakapin ko nalang si Ren kung ayaw mo"
Cute na sabi nito habang naka-pout at niyakap ako ng mahigpit.

Ayan tuloy, naamoy ko yung mahalimuyak n'yang pabango, jusko Hobi! Sarap mong iuwi.

Tinignan kami ng masama ni Yoongi, lalo na ako nang makita n'yang pasimple kong sininghot yung polong suot ni Hobi. sorry na agad eh sobrang bango kasi n'ya, parang nanirahan na agad yung amoy nito sa ilong ko.

bumitaw din naman si Hoseok at bahagyang tumawa nang tignan s'ya ng masama ni Yoongi, "sunduin ka lang namin Hyung, may meeting doon sa sala" tinignan muna ako ni Yoongi, para bang humihingi ng permiso kaya tumango naman ako.

hindi ko alam sa gilagid na ito kung bakit kailangan pa n'yang humingi ng permiso eh alam ko namang mahalaga iyon sakan'ya.

"babalik din agad ako, wag mong galawin yung ginagawa ko" Paalala niya, mabilis akong tumango.

"I shall return!"
napailing nalang ako sa sinabi ni Hoseok at sumaludo pa sa akin.

"wow, sana all bumabalik, sana all binabalikan" saan ba nanggagaling lahat ng pinanghuhugutan ni Jimin? lalim no'n ah!

pinanood ko lamang ang mga ito na ngayon ay tuluyan ng nakalabas ng genius lab, napabuntong hininga ako at napatingin sa nakabukas paring computer ni Yoongi.

"pinagtatanggol ka n'ya sa lahat ng nang-aapi at naninira sa'yo"

nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan yung computer, ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko, may kung ano sa akin na nagtutulak na tignan ang computer ni Yoongi, gusto kong malaman kung totoo ba yung sinasabi ni Namjoon.

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon