Encounter 15.2

516 101 16
                                    

R E N

Sobrang bigat ng pakiramdam ko, nakahiga ako pero ramdam ko ang pag-ikot ng paligid at parang binibiak sa dalawa ang ulo ko sa sobrang sakit.

Nanlalambot din ang buong katawan ko at masasakit ang mga ito.

Barado din ang ilong ko at bahagya akong umuubo. Shet! May sakit ata ako.

Hindi ako pwedeng magkasakit ngayon lalo na't pang-night shift ako sa trabaho ko. Hindi ako pwedeng magka-sakit!

Siguro sa sobrang pagod narin kaya ako nagkasakit, ilang araw na akong walang pahinga tapos hindi na ako nagpapahinga ng maayos dahil pagkatapos ko sa trabaho dideretso na ako sa bangtan o kung ano man ang gagawin ko.

Hindi na ata kinaya ng katawan ko.

Kahit nahihilo ako ay pinilit kong tumayo, pero isang malaking palad ng kamay ang pumalo sa aking noo pabalik sa pagkakahiga ko.

Nilamig ako sa nilagay nitong bagay sa noo ko, pinilit kong imulat ang mga mata ko para makita kung sino ito.

"Y-yoongi?" Utal at nanghihina kong tawag sakan'ya. Tumingin s'ya sa akin ng walang ekspresyon ang mukha. Halata sakan'ya ang malaki at maitim na eyebags sa ilalim ng mata n'ya.

"N-nagpahinga kana ba? Bakit-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, dahil-- alam n'yo na pinutol na naman ni lolo ang dialogue ko.

"Nagpahinga ako, kakagising ko lang. Magpahinga kana alas-singko palang ng umaga"
Pinilit ko ulit bumangon pero tulad kanina, inihiga lang ulit ako ni gilagid.

"M-may shift ako ngayon"
Nanghihina kong sabi sakan'ya, nag-tss lang s'ya at ibinigay ang phone ko sa'kin.

"Night shift ka ngayon"
Malamig nitong sabi at tinarayan ako, takhang tumingin ako sakan'ya, paano n'ya nalaman eh wala naman akong natatandaang sinabi ko 'yun sakan'ya o kahit kanino kagabi.

"Huh? Sinong nagsabi? Paano mo nalaman?" I heard him sighed before answering me, iritable pa niyang kinamot ang batok n'ya.

"Chismoso si Jimin at Hoseok, nabasa nila 'yon nung nag-pop up yung pangalan nung Kim sa phone mo" Pagpapaliwanag nito at kinamot pa yung ulo n'ya gamit ang isa n'yang daliri. IN SASSY STYLE.

Yeah like a beautiful bitchy cat! Rawr!

Magsasalita palang sana ako kaya lang, ang sakit sa loob kong ulitin 'to pero pinutol na naman ni lolo yung dialogue ko. Sa totoo lang, hilig n'ya akong hindi patapusin sa pagsasalita.

"You're being too loud, stop asking question, just sleep. You need to rest, maaga pa"
Ayan hindi na ako nakapag-salita talaga, wala eh, tinarayan na ako.

Nagsalita na s'ya.

"Tangina, yung niluluto ko pala! Pucha baka ano ng ginawa dun ni hoseok bobo pa naman yun!" Nagpa-panic n'yang sabi sa sarili n'ya at parang matandang tumakbo palabas ng kwarto ko.

Napangiti nalang tuloy ako, gumaan yung pakiramdam ko dahil hindi n'ya ako pinapabayaan.

I mean nila.

Napatingin ako sa pinto nang tawagin ako ni Yoongi. "Ano palang gusto mong kainin?" Curious n'yang tanong, bahagyang nagmamadali

"I-ikaw" Kinamot ko pa ang braso ko dahil nangangati, napatigil si Yoongi at tinignan kung seryoso ba ako sa sinabi ko.

"Ano, gusto mo akong kainin?" Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya, ayokong makipag-talo sakan'ya ngayon.

"Sabi ko ikaw! Ikaw na bahala, takte nanghihina na nga ako, pinagsasalita mo pa ako" Reklamo ko sakanya at nag-iba ng pwesto ng higa, hindi ko na narinig na sumagot si Yoongi at namalayan ko nalang ang sarili kong nakatulog nalang ulit, hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog.

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Where stories live. Discover now