Encounter 15

519 113 22
                                    

A/n: Kyahhhhhh!nilabas na ng Bighit yung bagong kanta nilaaaa!

Ang gwapo nilang pito jusko! Okay ang ingay ko na huehuehuehue. Sobrang nakakatuwa kasi

R E N

"Give me some of the family of noble gas in periodic table of element" Utos sa akin ni namjoon sabay lagok ng wine, bahagya pa iyong natapon dahil sa kalasingan niya.

"Helium, neon, kyrpton--Uhm" Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil hindi ko na alam ang susunod kong isasagot.

"Tangna naman Namjoon, bakit ba kasi pinapa-memorize mo sa akin yan?"
Inis kong tanong kay Namjoon at uminom ulit ng wine na hanggang ngayon ay konti palang ang bawas.

Yes. Tapos na ang shooting nila, at yes. Nakikipag-inuman ako sa pitong gwapong lalaking ito.

Jusko! Ang hirap!

Ang hirap pala kapag nalasing 'tong mga 'to! Jusko natalo pa yung mga batang maliligalig.

Tapos ito pang si Namjoon pina-memorize pa sakin yung periodic table of elements. Ibang klaseng malasing!

Joonie alam kong gwapo ka, talented at GENIUS pero walang gantuhan, walang pa-memorize ng ganyan, pucha!

Dudugo na ata utak ko!

Para akong nag-hire ng strict na tuitor!

Umiling iling si Namjoon, nakapikit na ang mga mata n'ya habang hawak-hawak ang wine at kumakain ng steak.

"I-memorize mo, kailangan mong imemorize yan". Umiling nalang ako sakan'ya ano s'ya hello?

Nagulat ako ng biglang tumayo si Hoseok at nagsimulang mag-sayaw ng 'anpanman'

Pulang-pula na ang mukha niya at sa tingin ko wala na s'ya sa katinuan n'ya. Parang ako nalang ata ang nasa katinuan eh.

Sumigaw sigaw pa ito at himiyaw hiyaw sabay sabing
"c'mon everyone, dance with me!"Tawa lang ako ng tawa sa ginagawa n'ya lalo na nung tumayo din si V at Jimin at nagsimula naring magsayaw.

YOLO daw eh.

Si Jimin naman medyo naka-awang pa ang bibig habang nagsasayaw sa harap namin tapos titig na titig pa sa akin. Uhm. Eto ba yung pagbabanta n'ya sa akin kanina?

Kasi torture 'to! Sobrang nakaka-akit talaga.

"My gosh! I'm so handsome" Gusto kong iuntog sa pader si Jin dahil kanina pa n'ya hawak-hawak 'yung salamin at paulit-ulit na n'yang sinasabi 'yan tapos biglang magpa-flying kiss

Oo na nga Jin oo na! Gwapong pogi kana nga eh!

Si jungkook hindi ko alam kung anong nangyayari doon sa batang iyon, lahat nalang tinitikman.

Kanina tinikman n'ya yung beer ni Namjoon, tapos tinikman n'ya yung steak na kinakain ni Yoongi, tapos ngayon nginangatngat na n'ya yung plastic?

Pa-creepy na ng pa creepy ang batang 'to!

Si Yoongi, alam kong hindi magaling sumayaw 'to eh, kaya ang dakilang gilagid, kumakanta nalang habang nakataas ang mga kamay n'ya tapos ginawa pang mic yung mahabang saging.

Pucha saan n'ya nakuha 'yan?

"ARMYYYY! Please sing with us!" Sigaw n'ya pa, feeling nasa concert lang, hinilit ko muna ang sintido ko dahil hindi ko makayanan ang kakulitan ng mga ito.

Para akong nag-aalaga ng pitong gwapo pero makukulit na bata.

Kain lang ako ng kain dito habang pinapanood kung paano sila malasing, kelangan ko din kasing linisin ang mga kalat pagkatapos naming uminom atsaka kelangan ko ding asikasuhin ang mga batang ito.

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Where stories live. Discover now