Encounter 5

785 212 34
                                    

A/n: Unti unti ko ng minamahal ang story na to huhu, sobra. Sana kayo din.

Ps: malapit na n'yang makilala si Yoongi!

Walang bibitaw
********

R E N

"Take care Ren, we'll miss you, don't forget the pasalubong ah".

"Omg! Sa wakas nakinig ka rin GhOrl!
Goodluck sa career mo sana makahanap ka ng jowa! Hahaha I'll miss you".

Napailing iling nalang ako sa mensaheng natanggap ko mula kina Jen at Medz. Mga loka loka talaga, hindi pa nga ako nag-uumpisa pasalubong agad ang hanap nila, tapos pati jowa!

Habang nasa byahe kasi kami papuntang airport ay nag-message ako sakanila, at sinabing tuloy ako sa pagpunta ng South Korea ngayong araw.

Nakakalungkot lang talaga na hindi muna kami nakapag-bonding bago kami tuluyang umalis ng bansa, si ate alex kasi eh biglaan!

Pero hindi ko rin naman s'ya masisisi eh, ang mahalaga ngayon nakapag-desisyon na akong sumama kay ate.

Aminin ko man o hindi, medyo kinakabahan ako na naeexcite. Naeexcite ako para sa career ko at pati sa development ng sarili ko, But I'm not really looking forward on it.

Ano daw gulo mo ghOrl?

Basta! Ayoko lang masyadong mag-expect sa buhay ko sa Korea, gusto kong makita ko nalang ang resulta at hindi mag-assume

Sigurado akong mamimiss ko silang lahat, dahil ngayon palang namimiss ko na sila. Parang gusto ko nalang umatras, pero hindi pwede.

"Are you okay?" Rinig kong tanong ni Ate Alexa sa akin, bitbit ko na ang aking luggage na may design ng eiffel tower ng paris, malapit na kasi ang oras ng paglipad namin, hinihintay nalang namin ang pagtawag sa amin.

Umupo muna kami habang naghihintay kasama ng iba pang pasahero habang si ate alexa naman ay nagcecellphone lang at panay post ng memes.

Memes is life daw kasi.

Habang ako eto, kung saan saan lang nakatingin dahil chinacharge ko pa ang phone ko, halos ako lang yung hindi nagcecellphone dito.

Sa hindi kalayuan ay napansin ko ang mga Pilipino na nagkakagulo, kanina ko pa nga napapansin ang mga ito, parang may inaantay na dumating. May mga dala dala pa itong banner,nakasulat ito sa hangul, hindi pa ako masyadong nakakaintindi ng hangul, honestly hindi pa talaga.

May konti lang akong alam
"Bangta?" Sinubukan kong basahin pero masyado silang malayo sa amin,hindi ko rin sila masyadong makita dahil ang kulit kulit nang may hawak ng banner! Ibaba taas ba naman.

Ano teh? Pinapaypayan lang yung guard? Sige push mo yan!

May darating bang koreanong artista dito sa pinas?

Maya maya pa'y  narinig ko ang tilian ng mga tao dahil sa pagpasok  sa loob ng airport ang pitong lalaki, naka mask ang mga ito ay nakasuot pa ng sumbrero, tagong tago ang mga mukha nila, halos hindi na nga makita yung mga mukha nila eh. simple lang ang pormahan pero ang cool at ang gwapo nilang tignan kahit nasa malayo ako.

Mukhang pabalik na sila ng korea.

Hindi magkanda-mayaw ang mga media, ang daming flash ng camera sa mga ito, habang ang pito ay kaway lang kaway sa mga fans nila.

Pero may isang nakaagaw ng aking pansin sa kanilang pito, hindi nito pinapansin ang mga media o kahit na sino, he's just keep on walking like a boss.

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon