Encounter 37

287 73 14
                                    

R E N


"Gusto mong makatulong diba?"  ma-awtoridad ang boses nito. Hindi ako makasagot, hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

"As the leader of the band, gusto kong hiwalayan mo na si Yoongi, set him free. palayain mo na si Yoongi" my lips are trembling and cheeks finally soaked with my fresh tears, umiling iling ako sakan'ya. bakit ko gagawin iyon?

paano n'ya nagagawang sabihin ito sa akin, akala ko ba masaya sila para sa akin, para sa aming dalawa ni Yoongi?

"b-bakit mo sa'kin ito sinasabi ngayon? bakit Namjoon?'' napakuyom ang aking kamay, pinipigilan ang sarili ko. sa dami ng tanong na nasa isip ko, ito lang ang lumabas sa bibig ko.

hinilamos n'ya ang kamay n'ya sa kan'yang mukha. "dahil sa tingin ko ito ang tama-"

''tama? anong tama ba ang pinagsasabi mo? bakit ko gagawin ang inuutos mo? mahal ko si Yoongi at alam kong alam n'yo iyan. bakit kailangang kayo pa?'' hindi ko mapigilang mapahikbi dahil sa patuloy na pag-agos ng luha ko.

"bakit kailangang kayo pa ang humadlang?" halos pabulong na tanong ko, nanghihina ako, hindi ako makahinga dahil sa sakit at sikip ng dibdib ko.

''dahil ako ang leader nila Ren, kilala ko sila, matagal na kaming magkakasama at hindi ko hahayaang masira ang pinaghirapan namin"  iniangat ko ang aking mukha, pinipigilan ang sarili kong umiyak, pinapatahan ang sarili. Pero hindi ko kaya.

"hindi ko hahayaang ikaw lang ang maging dahilan para mawala lahat ng paghihirap namin" wala na atang mas sasakit pa sa sinabi n'ya, ang sakit. paulit ulit na tinutusok yung puso ko, paulit-ulit inaapak-apakan.

"kaya ka ba umiiwas dahil dito? kaya ba huh?" gusto ko s'yang saktan, ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko, damn shit wala man lang kahit isa ang lumabas.

"OO! at kung kailangan kong gumawa ng paraan para maghiwalay kayo gagawin ko!" my teeth gritted, this is not Namjoon I'm talking with. he's not like this!

"then fvck this shit! gago ka pala eh! bwisit ka!" bulyaw ko sakaniya at pinaghahampas s'ya sa dibdib habang patuloy paring umiiyak. "pagkatapos mo kaming paglapitin, pagkatapos mong gawan ng paraan para magkatuluyan kami, tapos ngayon sasabihin mo sa akin 'yan-"

"oo Ren! mahal ko sila, mahal ko ang grupo ko! ayokong masayang lahat, at handa akong gawin para manatili kami"

"Puwes pasensya kana, mahal ko din si Yoongi, at hinding hindi ko s'ya iiwan" pagmamatigas ko, aalis na sana ako, pero hinila n'ya ang braso ko papalapit sakan'ya.

"ANO TATAKBO KA NA NAMAN? tatakbuhan mo na naman 'yang problema mo?"  nanlalaki ang mata nito, pero kita ko doon ang sakit. "grow up Ren, harapin mo naman yung problema, wag mong takasan at magpanggap na wala lang!" bulyaw niya sa akin, hindi ko maintindihan. alam kong mahal n'ya ang Bangtan, pero bakit kailangan kong iwan pa si Yoongi?

Bakit iyon pa?

"hindi kita maintindihan Namjoon, bakit kailangan mong gawin ito, mahal ko si Yoongi handa ko s'yang ipaglaban-"

"hindi sa lahat ng oras Ren! hindi mo ba nakikita o nagbubulag-bulagan ka lang?" napatigil ako sa sinabi niya, hawak-hawak n'ya ako sa braso, nag-umpisang tumulo ang luha n'ya, na mas lalong nagpapahirap sa akin.

akala ko si PDnim lang ang hadlang, pati ba naman s'ya?

"mas lalong dumadami yung bashers n'ya dahil sa'yo, pinagtatanggol ka n'ya sa lahat ng nang-aapi at naninira sa'yo. SINASALO N'YA LAHAT! habang ikaw, mahimbing na natutulog. mahal ka n'ya to the point na nakakalimutan na n'ya ang sarili n'ya. hindi na s'ya makapag concentrate para sa comeback namin dahil sa'yo!"  napaupo ako sa damuhan dahil sa sinabi n'ya, was that true?

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon