Chapter 40 | Eyes in the Dark

1.6K 113 30
                                    

Nagtagumpay si Sky na ilabas ang barko mula sa isla nang walang Phantom na umaatake sa kaniya. Naisip niyang nagtungo ang mga ito sa loob ng isla nang makita nila ang pagsabog na ginawa ng unang grupo. Siguradong naglalaban-laban na ang mga iyon, at gustuhin niya mang sumali sa laban ay hindi puwede. Kailangan niya pang samahan si Nath.

Dapat sumunod siya sa plano.

Tinignan niya muna ang kaniyang kasama na nakaupo sa rehas ng barko bago siya lumipad palapit sa binata. Tahimik niyang pinagmasdan ang nandidilim na mukha ng binatang nasa harapan niya ngayon. Alam na alam niya ang gustong gawin ngayon ni Nath, puwede iyong makasira ng plano nila o hindi. It's up to Nath on how will he handle the plan on his head without destroying Triana's plan.

Sky sighed.

"You can go find her," mahina ang pagkakasabi niya ngunit narinig iyon ni Nath.

Matapos niya iyong sinabi ay mabilis na tumakbo si Nath sa loob ng barko nang hindi ito tumingin sa kaniya, kahit niisang kataga ay walang lumabas mula sa bibig ng binata. But Sky, expected that. Nath is not in the mood to talk, and he knows why.

Sky then looked at the gumiho on his shoulder and he instructed it to follow Nath. Nang makalayo ang alaga niya ay bumuntong-hininga siya at tinignan muli ang barko bago umalis.

He knows Nath. He knows what that guy can do if he can't control his self. Twelve years is enough for him to know Nath, sa tagal nilang nagsama ay talagang malalaman niya at mapag-aaralan ang ugali ni Nath.

Hinanap niya mula sa himpapawid ang mga kasama niya at nang makita niya ang mga iyon ay agad siyang nagtungo roon. Nang makalapit siya ay mas nakita niya ang mga nakakalat na katawan ng mga Phantoms sa buong lugar, umuusok ang kanilang mga katawan at nagiging abo na. Ang tanging natira lang sa mga Phantoms ay ang mga sandata nitong gawa sa metal.

Lumapit siya sa mga kasama niya at sinuri ang mga ito. Puno na ng sugat ang kanilang mga katawan, ang kanina'y maayos na mga damit ay ngayon ay punit at nadungisan na. Naglakad siya palapit kay Nix na kasalukuyang pangko-pangko ang walang malay na si Musa.

"The ship is already out of the island territory." Nag-aalala siyang tumingin kay Nix, halata kasing nanghihina na ito ngunit pinipilit lang nito ang katawan na tumayo. "Nath is still in the ship and his currently finding Rain."

"You all need to get treated as soon as possible, because there's still a possibility that the Phantoms might return and attack us," dagdag pa niya na tinanguan lang ni Nix.

"Ihahatid ko lang si Musa sa barko natin," paalam ni Nix saka nilampasan siya at umalis na.

Hindi na kumibo pa si Sky at lumapit na lamang kay Trisha na ngayon ay nakaupo sa lupa at nakasandal sa isang puno, habol-habol nito ang kaniyang hininga habang nakapikit ang mga mata niya. Pinaglandas ni Sky ang kaniyang kamay sa pisnge ni Trisha bago niya ito binuhat ng maingat.

Sunod niyang nilingon ang dalawang babaeng nakasandal rin sa puno at nakaupo sa lupa. "I'll be back."

Maglalakad na sana siya patungo sa barko nila ngunit napatigil rin nang bigla niyang nahagip ng tingin si Angel na papalapit sa direksyon nila.

As her wings disappeared, she landed on the ground and quickly ran towards Sky. "Nakita mo ba si Winter?"

Hindi mapakali si Angel dahilan para magsalubong ang kilay ni Sky. "I thought you were with him."

"Errr..." Kinamot ni Angel ang kaniyang batok at nag-iwas ng tingin. "He fell."

"Why did he fell?" takhang tanong ni Sky.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now