Chapter 13 | Bloody Diamonds

2.6K 171 38
                                    

Rain's Point Of View
___

"Faster, Rain!" sigaw ni Nath habang habol-habol ang kaniyang hininga saka inayos ang nagusot niyang damit at pumikit.

"Coming!" Mas binilisan ko pa ang lakad ko.

Tapos na kaming nagtanong sa masungit na librarian na 'yon. Tsk, wala daw siyang maalalang babae dahil masyado daw siyang abala sa mga ginagawa niya, 'di niya na lang sabihin na natulog lang siya. Nung pumunta kasi kami doon ni Nath ay naabutan naming natutulog ang librarian tapos 'yong guard naman doon ay kumakain lang. Hindi man lang chinecheck kung sino-sino ba ang mga taong pumapasok sa library.

And in the end of the day, we didn't get any clues.

Ang sabi sa akin ni Nath, ang Clover City ay dito raw makikita ang mga kakaibang mga bulaklak na hindi mo makikita sa ibang lungsod. Mga halamang gamot at mga magagandang bulaklak na puwedeng gawing palamuti ay nandidito na.

May nakita pa nga akong mga bulaklak sa gilid ng kalsada na sumasayaw, 'yung iba naman ay bumubuka ang petals pag-hinahawakan. Amoy bulaklak talaga ang lungsod na ito dahil kahit saang sulok mong tignan ay may makikita ka talagang bulaklak.

Nang makalapit kay Nath na kasalukuyang nakatingin sa gusaling nasa harap namin ay hinabol ko muna ang hininga ko dahil sa kakatakbo, hindi man lang ako hinintay ng gagong 'to! Tinignan ko ang pangalan ng gusaling ito na nasa taas lamang ng entrance, may mga disenyong bulaklak na nakaukit sa gilid ng pangalan ng gusali.

Humakbang kami papasok sa hotel. May sumalubong sa amin na isang lalaking tagasilbi at iginaya kami sa aming silid.

"Ang sabi ni ate, dalawa daw ang kinuha ni Headmistress para sa atin. Ang isa ay para sa aming mga lalaki at ang isa naman ay para sa inyong mga babae." Tumango ako sa sinabi niya. "Here..."

Napatingin ako sa kamay niyang may hawak na isang bilog na kristal at kulay itim iyon. "Take it, if anything happens just smash it, and I'll be there."

"Okay." Kinuha ko iyon saka itinago sa bulsa ko. Tumigil ang lalaking tagasilbi sa isang kuwarto at sinabing kuwarto namin 'yong mga babae.

"See yah!" Kumaway sa akin si Nath habang may ngiti sa labi niya, pumasok siya sa isang pintong hindi kalayuan sa kuwartong tutuluyan naming mga babae para sa gabing ito.

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang makaramdam ako ng kaba-panganib!

Luminga-linga ako sa paligid at napatigil lamang ang aking mga mata sa hagdan, may anino doon ngunit wala namang tao. A shadow-no-a black smoke! Hugis tao siya at namumula ang mga mata habang nakatingin sa akin.

Bahagya akong napalunok at dahan-dahang lumakad palapit doon. Napahiyaw na lang ako nang bigla kong hindi magalaw ang aking katawan, tila'y may kumokontrol sa akin. Sa bawat hakbang ko ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko, ramdam ko na rin ang pawis na patuloy sa pag-agos mula sa nuo hanggang sa panga. Ang mga balahibo ko rin sa katawan ay tumatayo na.

Fear.

Natatakot ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakakakilabot ang tingin nito sa akin, para bang hinihigop ang aking enerhiya gamit ang tingin niya.

Nang makalapit na ako sa anino ay may biglang humawak sa balikat ko dahilan para mapatalon ako sa gulat. Mabilis kong tinignan ang humawak sa balikat ko at nakita si Nix at ang iba pang kasama ko, nakakunot ang mga nuo nila habang nakatingin sa akin.

"What are you doing?" Nix asked coldly.

"N-Nothing..." Hinahabol ko ang hininga ko saka tinuyo ang pawis ko gamit ang sleeves ko.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now