Chapter 12 | Bloom

2.4K 159 31
                                    

Nakatingin lang ako sa baba habang nakikinig sa sermon sa akin ni Angel. Nandito kami ngayon sa labas ng tren, pagkababa ko pa lang ay sermon agad ni Angel ang narinig ko. Nag-aabang pala sila sa akin tapos hetong si Angel naman sinesermunan ako kahit sila naman ang may kasalanan, hmp!

"Sorry na nga kasi ihhhhh!"

Patuloy lamang siya sa pag-sigaw habang ako naman ay nakikinig sa kaniya at tumatango lang. Nakanguso ko siyang tinignan pero bumaba naman agad ang tingin ko dahil nakakatakot ang face niya. Maraming mga taong nakatingin sa amin at mukhang naiinis na rin dahil sa sigaw ni Angel.

"What were you fucking thinking?!" 'yan lang ata naintindihan ko sa mga sinabi niya sa akin kanina.

"Sinabi ko na sa inyo diba? Nilabas ko 'yung kraken na nasa loob ng tyan ko." Dahan-dahan ko siyang tinignan pero tulad kanina ay nandidilim at masama pa rin ang tingin niya sa akin.

Nalaman ko rin na pinilit nilang pinabalik 'yung tren para lang sa akin. Ihhhh! Hindi ko naman kasalanan ah, kinalimutan nila ako kaya ganito. Hindi nila man lang naalala na nasa banyo ako, basta-basta na lamang silang bumaba, wala man lang nakaalala sa'kin.

"Get the hell out of my sight." Pinikit niya ang kaniyang mata saka hinilot ang nose bridge niya.

Nakanguso akong lumapit kay Winter sabay bulong, "Ang bad niya."

"May naintindihan ka sa mga sinabi niya sayo?" tanong niya nang makalapit ako.

Umiling ako. "Ang narinig ko lang na sinabi niya 'paking pak paking,' iyon lang."

Tumawa siya ng mahina sabay ginulo ang buhok ko. "Hayaan mo na siya, sinabi namin sa kaniya kanina na nasa banyo ka pa pero hinila niya lang kami palabas ng tren, siyempre wala kaming magawa. Minsan kasi may topak 'yan."

"Ayos ka lang ba?" Lumapit sa akin si Musa ng may pag-aalala. "May masakit sayo?"

"Hmm-mm." Umiling ako bilang sagot.

"Titans!" Nakapameywang si Angel na humarap sa amin. "Let's team up."

"Why?" tanong ni Nath habang nakataas ang isang kilay.

"Walo tayong lahat, ang dalawang mag-partners ay bibigyan ko ng lugar kung saan huling nakita ang biktima." Tumango-tango kaming lahat. "Dapat babae at lalaki para kahit papano ay maprotektahan ng mga lalaki ang babae-"

"But I can take care of myself," singit ni Musa.

Umiling si Angel. "Utos ni Headistress wala tayong magagawa. Now girls, choose your partners!"

"Sky!" Agad akong lumapit kay Sky saka sinundot-sundot ang braso niya. Nginitian ko siya ng kay tamis. "Let's do our best!"

"U-Uh y-ye-"

"Hi Luna!" Kumaway ako kay Luna na nasa balikat niya, mukhang marami siyang energy na nakuha sa pagtulog.

"What the f-don't tell me that I'll be going with you!" Tinignan ko si Angel na kasalukuyang dinuro si Winter na nakangisi lamang habang nakapamulsa.

"I'm not telling you then." Mas lalo pang lumapad ang ngisi niya habang nakatingin kay Angel.

Inilibot ko ang tingin ko sa mga kasama ko. Si Musa ay nakayakap lamang sa braso ni Nix, mukha namang walang choice si Nix kundi ang pakisamahan si Musa. Sunod kong tinignan si Rain at Nath, hila-hila ni Nath ang maluwag na damit ni Rain habang si Rain naman ay walang kareareaksyon. Well, as for Angel and Winter-

Scales of ChaosNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ