Chapter 41 | Falling

1.6K 106 31
                                    

Rain's Point Of View
___

Nakauwi na kaming lahat galing Mystic Island, dalawang araw kaming pinagpahinga ni Headmistress matapos niyang malaman ang nangyari sa amin sa isla ng Mystic. Ibinalita niya na rin iyon sa hari at reyna kaya naman naging off limits muna ang isla kasi iimbestigahan nila pa raw iyon.

Dahil rin sa nangyaring iyon ay hindi na itutuloy ang battle exam at ginawa na lang iyong written exam. Maraming estudyante ang nadismasya dahil doon, marami ring nagreklamo, at may mga ibang estudyante namang nakahinga ng maluwag o masaya. Hindi nila naman masisisi si Headmistress dahil alam nilang lahat ang nangyari sa amin sa islang iyon.

Habang kami naman ay ipinasa agad sa exam nang makita nila ang mga sugat ng mga kasama ko. Headmistress said that, the injuries are enough and that we will not take the exam because of that. Nalaman ko rin mula sa mga kasama ko na binalak akong kuhanin ng mga Phantoms, wala kasi akong maalala, eh.

Lahat ng mga kasama ko ay may mga sugat habang ako naman ay wala, kaya bakit pati ako ipinasa? Hindi naman iyon karapat-rapat kasi nakahiga lang ako at natutulog noong araw na 'yon ayon kay Lemon.

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa kama ng clinic sa academy habang tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Natatanaw ko mula rito ang mga estudyanteng nage-ensayo kasama ang Professor nila. Nahuhuli na talaga ako sa klase, baka hindi ako makapasa kung ipagpapatuloy ko ito. Ngunit kasama ako sa grupo na tinatawag nilang Titan, at ang ibig sabihin no'n ay madadalasan ang paglabas masok namin sa academy dahil sa mga misyon.

I let out a frustrated sigh and looked at the door of the clinic. Gusto ko ng makalabas ng clinic, bukod sa nasusuka ako sa mga gamot ay naiinip na rin ako dahil palagi akong walang kasama sa silid na ito, bumibisita rin naman ang mga kaibigan ko pero agad rin namang aalis dahil may klase ang mga ito.

"I'm bored," I mumbled.

Hindi pa ako umaabot ng isang taon dito sa academy ay marami ng nangyayari sa akin. Buti na nga lang ay nakakapag-ensayo ako ng saglit kaysa naman wala, kahit papaano ay nakokontrol ko na ang kapangyarihan ko. Ang problema ko na lang sa ngayon ay ang lakas ng katawan ko kapag walang mahikang ginagamit.

Tinignan ko ang tattoo na nasa kanang kamay ko at hinaplos iyon. I still need to know what is the secret of the water is, quick. But we still have a mission, and that is to seek the child of Destiny. Ewan ko nga kung ano ang uunahin ko riyan. Ang arte-arte kasi, may pa secret-secret pa 'yung tubig tapos 'yung anak naman ng Destiny na 'yan 'di na lang magpakita o magparamdam man lang, pinapahirapan pa kami, tsk.

Ilang minuto ko iyong tinitigan at nakaiwas lang ako ng tingin nang may bigla akong maalala. Nung mahimatay ako ay napunta ako sa ibang mundo, hindi ko alam kung nasaan iyon. Madilim ang paligid at nagkakalat ang dugo sa buong lugar. Nasusunog ang mga punong nakapaligid sa akin, at may naririnig rin akong mga sigawan na mukhang nahihirapan at nasasaktan.

Kasingkulay ng dugo ang kalangitan at tanging ang mga nasusunog na puno lamang ang nagbibigay sa akin ng liwanag. Nang ilibot ko ang aking paningin sa lugar ay marami akong nakitang mga bangkay na nagkakalat, pinagpyepyestahan ang mga nakakalat na katawan ng mga itim na halimaw.

Napaatras ako sa nasaksihan. Nanginginig ang kamay kong tinakpan ang nakaawang kong bibig, upang pigilan ang mga hikbing gustong lumabas mula sa bibig ko. Ayaw kong gumawa ng ingay, natatakot ako.

Hindi ko na napigilan na tumalikod ngunit napatigil rin nang makita ko ang isang babaeng nasa harapan ko, malayo-layo at nakatalikod siya mula sa akin. Nakasuot ito ng itim na gown at may suot rin itong itim na koronang nasa taas ng kaniyang ulo. Mas matangkad siya kaysa sa akin, ang maitim nitong buhok ay abot hanggang paa niya.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now