Chapter 9 | Cold Night

2.7K 171 30
                                    

Rain

"Achooo!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Achooo!"

"That sure is getting worse," he said, annoying me.

"It’s because you're a fire mage; that’s why you didn’t catch a cold!" Suminghot-singhot pa 'ko, may nakaharang kasing sipon sa ilong ko, kaya nahihirapan akong huminga. Ang kati-kati pa.

Tinakpan ko ang aking bibig at ilong gamit ang palad ko nang naramdaman kong hahatsing na naman ako. Parang nasusunog na rin ang balat ko, saka nahihilo ako at mabigat ang ulo ko. Dapat hindi na 'ko sumama sa pagligtas kay Musa, wala naman akong nagawa. Kung hindi nga sumama si Nath ay baka namatay na 'ko sa sobrang lamig.

"Sigurado ka bang ayaw mong pumunta sa infirmary?" Trisha asked like a worried mother while looking at me.

"No, I'm fine." Pinigilan ko ang ubo ko. May feeling kasi ako na baka mabuhat na 'ko ni Trisha papuntang clinic kapag marinig niya 'yon.

"You sure?" paninigurado ni Angel bago ibigay sa 'kin ang ginawa niyang hot chocolate, saka umupo sa tabi ko. "Do you want me to scold the headmistress for sending you out there?"

"You can do that?" Nagtatakhang tanong ko.

"Siyempre, hindi!" sabi ni Winter nang makalabas sa kuwarto ko na may dalang makapal na kumot. "Nagtatapang-tapangan lang 'yan, 'wag kang maniwala sa kaniya."

Lumapit siya sa 'kin saka binalot ang aking katawan ng makapal na kumot. Napangiti ako habang sumisinghot-singhot.

Nasa sala kaming lahat at ako lang ang malapit sa hearth para magpa-init, nanginginig pa kasi ako hanggang ngayon. Ramdam ko pa hanggang ngayon kung paano dumikit ang niyebe sa aking balat.

"Ihh! Pasunog ka na kaya kay Nath, para hindi ka na manginig sa lamig diyan." Napairap na lang ako kay Trisha.

"Ayaw niya, eh. 'Yon na ang best solution na naisip ko." Tumawa si Nath ng mahina.

"Nakaka-stress na ang kabobohan niyong dalawa ni Trisha." Umupo si Winter sa tabi ni Sky bago tumingin sa salamin na hawak niya. "Nag-aalala na 'ko sa inyong dalawa, sa tingin ko kailangan niyo ng pumunta sa doctor, tignan niyo, oh! ‘Tong guwapo kong mukha, stress na."

"Shut the fuck up, Winter." Sinamaan siya ng tingin ni Angel. "And where the fuck did you get that mirror?"

"Sky, iabot mo nga sa 'kin 'yang cake," saad ni Winter, habang nakatingin pa sa salamin na nasa kamay niya. Completely, ignoring Angel.

"Why me?" Sky whispered.

"Kasi tinatamad ako, kaya dalian mo baka masapak kita riyan."

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon