Chapter 8 | Lies in Ice

2.8K 187 43
                                    

Rain

Nakarating na kami sa Frost Mountain

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakarating na kami sa Frost Mountain. Ako ay nasa bingit ng pagyeyelo sa kamatayan dahil sa matinding lamig, habang si Nath ay mukhang hindi apektado at kalmado.

Well, apoy 'yung magic niya, kaya ganiyan.

"Where is she?" Nanginginig na tanong ko kay Nath.

"Oh, ba't ako tinatanong mo?" Kumunot ang nuo niya. "Sumama lang ako, ikaw 'tong inutusan na iligtas si Musa."

"Akala ko tinanong mo si Sky kung nasaang bahagi ng bundok na 'to si Musa?!" I screamed, obviously annoyed.

"Aba! Kasalanan ko pa ngayon?" Humarap siya sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad. "Sana nagtanong ka bago ka umalis!"

"Nakalimutan ko!" Muli kong sigaw at saka marahan siyang itinulak at nauna ng maglakad.

"Oh, 'di ba, kasalanan mo."

"I can hear you!" Kahit binulong niya pa 'yon.

Kami lang naman ang nandidito sa yelong lugar na 'to, tahimik rin ang paligid. Ang tanging naririnig ko ay ang mga yapak namin at ang malakas at malamig na simoy ng hangin.

Trisha is right; it is completely frozen here. A person cannot survive in this state. Well, there's an exception if your magic is ice and fire or if you have magic that can fight the cold. Sa tingin ko nilalabanan ng magic ko ang matinding lamig, kaya hindi pa ako namamatay.

I looked around, feeling hopeless. Hindi na kami puwedeng bumalik dahil malapit na kami sa pinakatuktok ng bundok, kung bababa pa kami ay sayang naman 'yung oras at pagod na inilaan namin para akyatin ang nagyeyelong bundok na 'to.

Swoooshhhh~

Umiling-iling ako. "We're hopeless..."

Napayakap ako sa aking sarili dahil nararamdaman kong namamanhid na ito sa sobrang lamig. Bakit ba kasi hindi ako nag-dala ng balabal para kahit papano ay ma-initan ako.

"Malamig, 'di ba?" Rinig kong saad ni Nath mula sa likod. "Sa sobrang lamig pati dugo mo maninigas."

"Tumahimik ka nga riyan!" sigaw ko, habang pinipilit ihakbang ang paa ko. Nanginginig na 'yon at mukhang bibigay na.

He laughed a bit before walking close to me. "Kailangan mong magpainit baka mamatay ka na sa sobrang lamig."

Kinuha niya ang kamay ko, napapikit na lang ako dahil sa init na hatid ng kamay niya, habang ang akin ay nanginginig. Namamanhid na nga ata 'to, eh.

"Okay ka na?" Minulat ko ang mata ko para lang salubungin ang namumungay niyang mata. "May gusto ka pa bang ipahawak sa 'kin? Para naman mainitan kahit papaano."

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now