Chapter 34 | Training in the Rain

1.7K 140 86
                                    

"Ganito kasi 'yon..." Napasimangot ako nang bigla na lang akong akbayan ni Nath.

"Puputulin ko 'yang kamay mo pag hindi mo 'yan inalis," pananakot ko sa kaniya ngunit tumawa lamang siya ng mahina dahilan para mainis ako lalo. Ang bigat-bigat kaya ng braso niya!

"So as I was saying, lumakad nga kami kahapon ng walang destinasyon." Kinamot ni Nath ang kaniyang batok bago nagsalit muli, "And we didn't know that Winter led us in a brothel establishment."

"At nagustuhan niyo naman?" mataray kong saad bago inalis ng marahas ang braso niya sa balikat ko.

"Come on, boys will be boys. Let them have some fun with women," sabi ni Lemon habang nakangisi. "May pangangailangan rin sila, intindihin niyo na lang."

"Oo nga 'no!" Tumango-tango si Trisha saka nilapitan si Musa na nasa gilid lang namin at nandidilim ang mukha. "Hala Musa, parang wala ka sa mood ngayon. Ayos ka lang ba?"

"I'm fine," she said coldly without giving us a smile like she used to.

Well, I don't blame her. Sa tingin ko ay may gusto talaga siya kay Nix at alam kong galit ito dahil sa ginawa ni Winter. Nasabi rin sa akin ni Trisha kahapon na may gusto raw itong si Musa kay Nix tapos nagtapat na raw pero walang sagot si Nix. Well, sino ba naman ang hindi magagalit kung nalaman mong nakipag-ano 'yung taong gusto mo?

Eh teka, wala rin naman sila kaya puwedeng gawin ni Nix ang lahat ng gusto niya.

Tahimik kaming naglakad patungong dorm ng boys. Hindi namin kasama ngayon si Angel dahil ipinatawag siya ni Headmistress kanina pang umaga tapos hindi na nakakabalik. Tanghali na rin kaya nasa labas kami ngayon dahil wala naman kaming klase mamayang hapon dahil may meeting daw ang mga professors.

Pagkatapos ng klase namin ay nagkita kaming lahat sa cafeteria tapos napagdesisyunang bisitahin si Winter dahil hindi raw siya pumasok kaninang umaga. Hindi rin naman sinabi sa amin ng mga lalaki kung ano ang rason basta ayaw lang daw nito pumasok.

Malapit rin naman ang dormitory ng mga lalaki sa dormitory ng mga babae. Nakatayo ang gusali ng dormitory malapit sa field at kaharap nito ang limang gusali ng academy para sa pag-aaral, kaya madali lang sa amin ang lakarin ito.

"The professors seems busy," pagwasak ni Nix sa katahimikang namamagitan sa amin. He looked at us on the side of his eyes as his hands were inside of his pockets. "Maybe because of the upcoming exam."

"Yeah, I think they're preparing something." Inihagis ni Sky si Luna sa taas saka maingat iyong sinalo.

"Oo nga, kaya kailangan nating mag-study ng mabuti para makapasa, pero..." Ngumuso si Trisha. "Pero sinasaniban ako ng katamaran... palagi."

Tumawa si Nath ng mahina saka tinapik ng mahina ang balikat ni Trisha. "Huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa."

"Hey, studying is fun!"

Tumingin kami kay Lemon ng nakasimangot saka lumiko sa isang pasilyo.

"Yeah, and there's a dying in studying," I said as I crossed my arms on my chest.

Inayos ni Lemon ang kaniyang salamin bago nagsalita, "But It can help us in the near future."

Nang makarating sa room ng mga lalaki ay agad pinihit ni Nath ang door knob saka nauna ng pumasok sa loob. Bago pa kami pumasok ay may mga lalaking tumitingin sa amin, siguro naguguluhan kung bakit may babaeng naririto sa dorm nila. Mahigpit din na ipinagbabawal na may pumasok na babae sa dorm ng lalaki pati na rin ang sa dorm ng babae, kaya gano'n na lang ang kanilang gulat nang makita kaming pumasok dito.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now