Epilogue

3K 118 57
                                    

The sight of how happy my friends is, is the most beautiful view I've ever seen. Just by looking at them having fun while fighting over a piece of a chicken leg is making my heart melt. I'll surely treasure this moment- the moments that we spent together.

Napatawa na lang ako nang biglang paluin ni Trisha si Winter ng heels niya kasi inagaw ni Winter mula sa kaniya 'yung karne.

Kaya lang naman sila nag-aagawan ng isang chicken leg ay dahil inubos 'yon lahat ni Trisha bago pa kami makaupo sa table na ni-reserve para sa amin ng hari at reyna, tapos nainis si Winter at nag-order ulit ng isang chicken pero inagaw ni Trisha at nagtangkang kainin 'yon kaya ayan sila ngayon, nag-aagawan at nagha-hampasan.

Habang sina Angel at Sky naman ay inaawat ang dalawa, si Musa naman ay nanonood lang tulad ko habang may ngiti sa kaniyang labi, si Nix ay walang pakialam, at si Lemon ay sinesermunan sila na parang isang nanay lang, tapos si Nath naman ay ang mas lalong nagpapainit ng ulo ni Winter gamit lamang ang mga nakakaasar na salita.

"Hey." Lumingon ako sa katabi ko na si Nath nang bigla niya akong siniko, bago bumulong na, "You look beautiful."

Parang may humaplos sa puso ko matapos ko iyong marinig kaya napangiti ako. "You look good yourself."

He just chuckled.

Nandito na kami ngayon sa loob ng throne room saka suot-suot ang aming mga gowns at suits. Maya-maya lang ay tumahimik ang lahat nang may marinig kaming tunog ng isang trumpet, senyales na kailangan na ng reyna at ng hari ang aming atensyon upang masimulan na ang ball.

Tumayo kaming lahat at itinuon ang atensyon sa harapan.

Sunod na tumayo ang mag-asawang hari at reyna upang mag-bigay salita sa amin.

"First of all, let me introduce to you the new Titans," masayang saad ng hari dahilan para tignan ko ang mga kasamahan ko ng nanlalaki ang mga mata dahil wala naman akong kaalam-alam tungkol dito.

"Please, step forward Titans!"

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa mga kasamahan ko. Nakaramdam ako ng hiya nang makarating na kami sa harapan, marami na kasing matang nakatuon sa amin ngayon, halos lahat ng taong naririto ay nasa amin na ang kanilang buong atensyon.

Nagtungo ang reyna sa aming harapan at binigyan kami isa-isa ng badge na kulay ginto. Ang badge ay simbolo ng Mystic kaya naman isang karangalan kung makakakuha ka nito, lalo na kung ang reyna ang nagbigay sa 'yo nito.

Noong tumigil sa harapan ko ang reyna para isabit sa kaliwang dibdib ko ang badge ay binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Ako na lang ang hindi pa nabibigyan ng badge kaya kinabahan ako, and at the same time happy because I am one of the warriors that the King and Queen trusted to protect the world.

"Rain-"

Bago pa matapos ng reyna ang kaniyang sasabihin ay bigla na lamang itong nahimatay sa hindi malamang dahilan. Ang mga tao na naririto sa loob at nakita kung paano matumba ang reyna ay napasinghap at tila naguluhan sa nangyari.

"Nathalie!" Agad na tumakbo ang hari sa reyna saka sinubukan itong gisingin ngunit nabigo siya.

Napaatras ako ng kaunti at hindi alam kung ano ang gagawin. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot, hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Is it because that I was the one who clearly saw how the Queen lost conscious, or is it because I might be the one they'll suspect because I am the only one who is closer to the Queen when she lost her consciousness.

Marami na ang lumapit na butlers sa reyna, ang mga kawal nama'y mabilis na pumalibot sa amin at nagkagulo. Nakatingin silang lahat sa akin na parang may ginawa akong isang malaking kasalanan na sa pagkakaalam ko ay wala naman.

"Seize her!" Narinig kong sigaw ng isang panlalaking tinig na hindi naman pamilyar sa akin.

Dahil do'n ay naalarma ang mga kawal, dahilan para manginig ang aking katawan dahil sa kaba.

"Rain!" Napalingon ako kay Angel nang tawagin niya ang aking pangalan. "Fucking let go of me!"

"Rainy, run!" Gumawa si Trisha ng mga thorns saka pinalutang iyon sa kaniyang palad bago niya hinanda ang kaniyang sarili.

"Don't you fucking dare touch her!" Napakagat ako ng labi habang nakatingin sa kalagayan ngayon ni Nath, maraming nakaharang sa kaniyang mga kawal, marami rin ang nakahawak sa kaniyang magkabilang braso at pinipilit niya naman iyong inaalis.

Nakita ko kung paano pigilan ng mga kawal ang mga kasama kong lumapit sa akin, lalo na si Nath na ngayon ay nagusot na ang damit dahil sa panlalaban niya sa mga kawal. Ang mga kasamahan ko na ngayon ay nahihirapang kalabanin ang mga kawal dahil mga tauhan lang naman iyon ng hari at reyna. Nagkakagulo na rin ang mga tao dahil sa nangyayari.

Naluluha kong tinignan muli ang mga kawal na ngayon ay dahan-dahan ng lumalapit sa akin habang nakatutok sa akin ang spears na hawak nila, ngunit bago pa sila makalapit sa akin ay bigla na lamang kaming nakarinig ng isang tawa na nakakakilabot at nakakatindig balahibo.

Luminga-linga kami sa paligid upang hanapin kung saan iyon nanggagaling pero hindi namin iyon matukoy dahil nage-echo ang tawang iyon sa buong paligid.

A loud thud that is coming from the door of the throne room was heard. Bumukas iyon ng malakas saka iniluwa ang isang babaeng nakasuot ng itim na gown at korona, may ngisi ring nakaguhit sa kaniyang maputlang mukha.

Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay, ang pawis na nagsisimula ng umagos mula sa aking nuo papunta sa baba ko, at ang malakas na pintig ng aking puso habang nakatingin sa babaeng naglalakad na ngayon palapit sa amin.

Lahat ng atensyon ay nasa kaniya, mukha ring nakilala siya ng mga mamamayan kasi binibigyan siya ng daan ng mga tao dahil siguro sa takot na baka patayin sila nito bigla.

Nagha-halong emosyon ang aking nararamdaman; lungkot, galit, saya, at marami pang emosyon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga panahong ito. Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko habang pinapakiramdaman ang malakas na itim na mahikang nanggagaling sa kaniya.

Hindi ako puwedeng magkamali... siya ang babaeng palagi kong nakikita sa panaginip ko!

Why did we forget about her?!

"I'm back..." malamig na saad nito at saka tumigil sa gitna ng silid.

A smirk was drawn on her pale face as her cold and dark gaze stopped on me.

I gulped.

"M-Mother..." The Queen of the Phantoms.

Destiny is surely playing with us, and we're not backing down, because...

We are willing to play with it.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now