Chapter 53 | Memories With Her

1.4K 95 27
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Nath nang makaramdam siya ng matulis na bagay na bumaon sa dibdib niya mula sa likod. Tila tumigil ang oras sa mga sandaling iyon. Nakaramdam siya ng matinding sakit dahil do'n. Hindi rin nag-tagal ay marahas nang hinablot ng Phantom ang espadang bumaon sa kaniyang dibdib, dahilan ng biglang paghina ng katawan niya.

Alam niyang si Irish ang may gawa no'n. Hindi niya na iyon naiwasan dahil sa sobrang bilis ng dalaga, ni hindi niya na nga naramdaman ang presensya nito, saka niya na lang naramdaman no'ng hinablot na nito ang espadang sinaksak nito sa kaniya.

Naririnig niya ang mga sigawan ng mga kaibigan niya ngunit tumigil lamang ang kaniyang tingin kay Rain na kasalukuyang nakatayo lamang at basang-basa na ang pisnge dahil sa luha. Nanatili ang kaniyang mga mata sa dalaga, habang may malungkot na ngiting nakaukit sa kaniyang mukha, hanggang sa bumagsak siya sa buhangin ng isla ay nakaukit pa rin sa mukha niya ang malungkot na ngitin ibinigay niya kay Rain.

Parang bumagal ang takbo ng oras, hindi niya na namalayan na nakahiga na pala siya sa kandungan ng nakakatanda niyang kapatid. He heard how her sister begged and cry, but he can't do anything. He wanted to say something but he can't.

Tumingala siya sa madilim na kalangitan, na animo'y anumang oras ay uulan ng malakas. Ngumiti siya ng tipid habang nakatingin sa itaas. Naalala niyang may pangako pa pala siya, pero mukhang hindi na iyon matutupad...

I'm sorry...

As he closed his eyes, darkness slowly swallowed his consciousness. He can still feel the sting on his chest but it was slowly fading as the darkness swallowed him. His breathing became heavy, and his heart is slowing down. After seconds, his body became numb and cold, and that time, he knew that death is waiting for him.

But before he totally give himself to death, a smile plastered on his face when he remembered the first time that he met her... he remembered his memories with her.

Sampung taon na ang nakakaraan, naglakas loob na lumabas ang batang si Nath mula sa kanilang mansion matapos ang insedenteng nangyari noong dalawang lingo na ang nakakalipas. Sa gubat siya nagpunta dahil may nararamdaman siyang kakaibang mahika na nagmumula sa kagubatan na malapit sa kanilang mansion... parang nakakonekta sa kaniya ang mahikang iyon.

Umiilaw ang tattoo niya sa kamay dahil sa mahikang kaniyang nararamdaman. Kaya naman sinimulan niya ng maglakad pa para hanapin kung saan nanggagaling ang mahikang nararamdaman niya. Sa murang edad ay may alam na siya tungkol sa kaniyang kapangyarihan, ngunit hindi niya pa iyon gaano nahahasa.

Luminga-linga siya sa paligid upang tignan kung may iba pa ba siyang kasama sa gubat ngunit wala siyang nakita. The energy is getting stronger as he walk more. Hindi nag-tagal ay nakarating siya sa isang bayan. Nakarating siya roon ng walang destinasyon, basta ay sinundan niya lamang ang mahikang pilit siyang hinihila.

Nang makapasok sa bayan ay natigilan siya matapos niyang makita ang mga taong nakahandusay sa lupa, nangingitim ang mga balat nito at bahagyang nakabukas ang mga mata at bibig. Makalat ang paligid na animo'y may lumusob na isang halimaw sa bayang ito. Sira ang kagamitan, tahimik ang lugar at nakaramdam siya ng itim na mahikang nagkakalat sa paligid, ngunit mas nangingibabaw ang mahikang kanina pa niya sinusundan.

Unti-unting umulan kung kaya't napayakap siya sa kaniyang sarili dahil sa lamig. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuhan ng bayan hanggang sa matigil iyon sa batang babae na kasalukuyang tumatakbo papunta sa isang maliit na bahay na gawa lamang sa kahoy.

Dahan-dahan niyang sinundan ang bata habang nagsasalubong ang kaniyang kilay. He kept his distance so that she can't see or feel him following her, because she might get scared if she sees him.

Nang makarating sa bahay ay sinilip niya muna ang bahagyang nakaawang na pinto bago iyon dahan-dahang binuksan. Hindi niya nakita ang batang babae ngunit may naririnig siyang hagulgol na nagmumula sa isang kuwarto rito.

Nagtungo siya roon at sumingkit ang mata habang nakasilip sa isang maliit na butas sa pintuan ng bahay. Nakita niya ang batang may kahabaan ang buhok na umiiyak, sunod na dumako ang paningin niya sa matandang babaeng nakahandusay sa sahig at bahagya siyang natigilan. Ang babaeng may katandaan ay katulad lamang ng mga mamayan na nasa labas, nakabuka ang bibig at nangingitim na ang balat.

"Don't leave me, Mama." Rinig niyang sabi ng batang babae.

Mas lumakas pa ang mga hikbi nito, tila sumasabay ang ulan sa bawat pagtangis ng batang iyon.

Napansin ng batang si Nath na umiilaw ang kamay ng bata kaya naman tinitigan niya iyon ng mabuti upang makita kung ano iyon. Nakita niya ang isang tattoo sa kanang kamay nito na hugis dragon tulad ng tattoo niya. Ang ilaw na nagmumula sa tattoo ng bata ay kulay asul samantalang ang sa kaniya naman ay kulay pula.

And that is the day when he first saw her...

Nag-iba naman bigla ang paligid. Ang araw na ito ang araw noong sabay nilang pinanood ang bahaghari hanggang sa mawala iyon. Nakaupo sila sa damuhan habang parehong nakatingin sa bahaghari. This is the day when he made a promise to her, and the rainbow heard it.

"Ayaw mo bang magpalit muna ng damit?" tanong ni Nath saka nilingon ang dalagang nasa tabi niya lang. "Basang-basa ka."

Umiling ang dalaga bago tipid na ngumiti. "Actually, mas lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ulan."

"Yeah, yeah." He rolled his eyes before he chuckled. "The rain can make Rain calm. Kaya ba pinangalanan kang ulan?"

"Rain and water is my source of energy, without it my body will become sluggish." Nakataas ang kilay na saad ni Rain saka inirapan siya.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila. Nagda-dalawang isip siya kung magtatanong pa ba siya o hindi na, kasi alam rin naman niya ang nangyari sa dalaga sampung taon na ang nakaraan, but he can't control his mouth. It betrayed him, dahil sa sobrang pagka-chismoso.

"Alam kong hindi mo pa nakakalimutan ang nangyari sa 'yo noon." He cursed himself after he said that.

Naramdaman niyang nagulat at natigilan ang dalaga dahil sa sinabi niya. Nakita niyang naiilang si Rain kaya naman napabuntong hininga na lang siya.

'Sa susunod na dumaldal ang bunganga ko without my brain's permission, I will cut my tongue off!' sigaw niya sa kaniyang isip. 'I swear to the gods-' Napatigil naman siya. 'Teka, bawal 'yon. Tangina! Nakakabawas 'yon ng kagwapuhan!'

"Kalimutan mo na ang sinabi ko." Itinuon niya muli ang atensyon sa bahaghari.

Minutes of silence, he heard her cleared her throat. "Yes, the past is still hunting me on my sleep. I-I can't just forget it."

Bumaba ang tingin niya sa damuhan at bahagya iyong pinaglaruan. "Rain, learn to accept and let go. Forget the past and someday, you'll get the happiness that you deserve."

Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang mga katagang iyon ngunit sigurado naman siyang galing iyon sa puso niya.

"And when the day you get that happiness, I'll be on your side..." He met her blue eyes, it's so deep just like the deep blue sea. "If you need me, I'll always be there. And that's my promise."

He saw her smile, a genuine one.

But... when the memory of how Irish stabbed him to death flashed in his head, he felt sorry. He realized that, he won't be on her side when that day comes.

'I just broke my promise.'

A tear left his eyes.

'I'm sorry...'

Scales of ChaosOnde histórias criam vida. Descubra agora