Chapter 4 | Friends?

511 22 15
                                    

Rain Vermillion

Nang matapos kong basahin ang liham ni Light ay napatulala ako sa kawalan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang matapos kong basahin ang liham ni Light ay napatulala ako sa kawalan. Hindi ko napigilan ang tumulo na luha mula sa aking mata. Inilapit ko ang sulat sa aking dibdib, nagbabasakaling mawala ang bigat na aking nararamdaman.

Tumingin ako sa aking sariling larawan sa salamin. "Tama ba ito?"

Nagising ako mula sa aking mga iniisip nang biglang may amoy na nakarating sa akin. Kasabay niyon ay ang pagtunog ng aking tiyan. Hindi pa pala ako kumakain mula nang makarating ako sa lugar na ito. Pero nakakahiya namang lumabas, lalo na't bago pa lang ako rito.

Titiisin ko na sana ang gutom nang biglang may kumatok sa pinto ng aking kuwarto.

"Rain, kain na," rinig kong anyaya ni Angel.

May alinlangan pa bago ako tumayo at buksan ang pinto. Nang mabuksan ay nakita ko sina Angel at si Musa na nag-aabang sa akin sa labas ng aking kwarto.

They have this gentle smile that somehow warms my heart.

"Tara na." Kinuha ni Angel ang aking kamay at saka hinila ako papunta sa hapagkainan kung saan nakaupo na sina Nath at ang iba, habang si Trisha nama'y naglalagay pa lang ng mga plato sa hapag.

"Grabeng mga mukhang 'yan, nasobrahan lang sa kapal?" Nakataas ang kilay na litanya ni Angel sa mga lalaki. Bumaling naman siya kay Winter. "Anong ritual na naman ba ang ginawa mo at bakit pati ang mga bata nahahawa na sa kapal ng mukha mo?"

Winter looked offended. "Excuse me?"

Nagtungo si Angel sa kusina at may kinuha roon na kung ano. Sumunod lang naman ang tingin sa kaniya ni Winter na kasalukuyang nakataas ang isang kilay.

"Ako na naman ang nakita mong mali," reklamo niya. "Ako na naman? Ako na lang palagi?"

Angel glared at him. "Edelheart, malapit ako sa mga kutsilyo. Lilipad 'to lahat sa 'yo."

Natawa ang aking mga kasama sa inasal ng dalawa.

"Rainy, dito ka sa tabi ko!" Lumapit ako kay Trisha nang hilain niya ang katabing bangko.

Since pahaba ang mesa ay nagkasya naman kaming lahat. Sumimangot ako nang mapagtanto kong kaharap ko si Nath sa hapag. Nang tingalain niya ako ay namuo ang isang mayabang na ngisi sa kaniyang mukha.

Gusto ko sanang humanap ng ibang upuan, pero hinila na kaagad ako ni Trisha nang makalapit ako, kaya wala na 'kong nagawa kahit na gusto kong kalmutin ang mayabang na gago sa harapan ko.

Matapos niya akong lokohin. Malay ko bang may ginamit pala siyang spell para mawalan ako ng malay habang nakabitin sa ere. Wala namang tao ang nakakaramdam ng antok habang nasa panganib ang kanilang buhay, 'di ba?

Siguro minagic niya ako para madala niya ako sa academy. Kidnapping ang tawag dito!

"Hinay hinay tayo sa pagtitig, mahihimatay ako niyan," pang-aasar niya pa lalo matapos siyang uminom ng tubig.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now