Chapter 28 | Pity

1.8K 128 1
                                    

"Where are we going?" tanong ni Musa saka inayos ang pagkakalagay ng braso ni Sky sa kaniyang balikat.

Bumaba sila ng bundok at hindi man lang niya alam kung saan ba sila tutungo. Nix told her that Sky should be out of the battle, baka daw mas lumala ang kalagayan ni Sky. Malapit na ring magdilim kaya kailangan nilang makahanap ng lugar na puwedeng pagpahingahan nila. They should be very careful, kasi alam nilang anytime ay puwedeng lumitaw ang Phantoms sa harap nila.

Patuloy pa rin ang pag-kalat ng lason sa katawan ni Sky, halos matabunan na nito ang kaniyang buong kamay. Buti na lamang ay malakas ang immunity ni Sky kaya kahit papaano ay napapabagal nito ang pag-kalat ng lason sa kaniyang katawan. Pero kahit gano'n ay kailangan nila pa ring mag-madali.

Musa looked at Sky with worry on her eyes when he screamed in pain. Kung sana may magagawa siya para patigilin ang mga Phantoms na gumawa ng gulo ay ginawa niya na, ngunit wala siyang magagawa dahil hindi sapat ang kapangyarihan niya para mapatigil ang mga 'yon.

They're too powerful.

"Remember that Sky did told us that there is a village in here when he checked the island?" Nix voice made Musa shudder but it did made her heart go crazy although Nix's voice was cold and emotionless.

"We're going there."

Musa gulped and tried to calm her heart down. She bit her lips as she felt her cheeks burning, umiwas siya ng tingin upang itago kay Nix ang pamumula ng kaniyang pisnge. Hindi man maganda ang trato nito sa kaniya ay minahal niya pa rin ito.

She already imagined herself with Nix having a family, and living in a not too small and not too big house. Sa bawat paggising niya ay ang mukha agad ni Nix ang kaniyang makikita, at ipagluluto niya 'yon saka lalambingin--

"Quit dreaming, it's not gonna happen."

Napasimangot na lamang siya nang marinig ang malamig na boses ng binata.

Hindi na sumagot si Musa at nanatiling tahimik. Alam niyang naiinis sa kaniya si Nix, ramdam niya iyon, hindi siya manhid. Pero ano ba ang magagawa niya? Nagmamahal lang naman siya. Gusto niyang makasama ang binata bago mahuli ang lahat, gusto niya itong mahalin habang buhay kahit pa bawal siyang umibig kay Nix.

• • •

Nahihirapang makakita si Trisha dahil sa buhangin na pumapalibot sa kaniya at umiikot iyon na parang ipoipo. Kinailangan niya pang takpan ng kaniyang braso ang kaniyang mata at ang kaniyang ilong para naman hindi pumasok sa kaniyang mata at hindi niya malanghap ang buhangin, bukod sa hindi makakita ay nahihirapan rin siyang makahinga.

She needs air!

Habang si Jack naman ay nasa labas ng buhangin at nakatingin lamang ng walang emosyon sa dalaga. Iniikot-ikot niya ang kaniyang kamay upang makontrol niya ang buhangin. As for him, hindi niya pa gaano makontrol ang kaniyang mahika ngunit kaya niya ng makipaglaban. It is enough to take one prey down.

"Ganito ka ba lumaban?!" sigaw ni Trisha at saka umubo nang makakain siya ng kaunting buhangin.

Wala siyang narinig na sagot mula sa kalaban dahilan para mainis siya. "Pwe! 'Di ka man lang sasagot?!"

Napaisip siya, hindi siya puwedeng gumawa ng pana dahil hindi naman niya makita ang kalaban, kaya useless lang. Napailing siya sa naisip, stupid. Dahan-dahan siyang lumuhod saka pinakiramdam ang lupa. Maya-maya lang ay sumilay ang isang ngisi sa kaniyang labi.

Habang prenteng nakatayo si Jack sa labas ay hindi niya inaasahan na naroroon na pala sa kaniyang likuran si Trisha na lumabas pala mula sa ilalim ng lupa. Pagkalabas na pagkalabas nito sa lupa ay agad siya nitong sinuntok ngunit nasangga niya naman 'yon, hinawakan niya ang kamay ni Trisha at malakas na itinapon sa isang puno.

Scales of ChaosOù les histoires vivent. Découvrez maintenant