Chapter 16 | Uncontrolled

2.4K 153 21
                                    

Trisha's Point Of View
___

Pagkatapos kong makita ang laban ni Sky ay inilibot ko ang aking paningin sa lugar para hanapin kung nasaan na silang dalawa ni Rain, alam kong nanghihina ngayon si Sky dahil ginamit niya lang naman kanina ang tinatawag niyang special technique niya.

Kaya niyang makisabay sa hangin pero kakailanganin niya ng malakas na enerhiya para roon, iyon ang tinatawag niyang special technique. Kapag ginagamit niya 'yon ay nanghihina siya kaya nag-aalala ako sa kaniya ngayon.

Tumigil ang mga mata ko sa isang sulok, nandoon si Rain at Sky kasama si Luna, nakaupo at nakasandal si Sky sa pader habang si Rain naman ay tinitignan ang kamay niyang sa tingin ko ay may pasa dahil sa posas.

Uwu, kawawa naman si Rainy!

"What do we have here..." Nilingon ko ang lalaking nag-salita, nakita ko ang isang lalaking may peklat sa mukha, in short pangit siya. Hahaha! Ang bad ko talaga.

Tumiim ang titig ko sa kaniya bago inirapan. "Hmp!"

Ang bad ng aura niya, ayoko sa kaniya. Siguro marami na 'tong napatay na tao, tapos marami na ring bad na ginawa niya. Bakit kaya may mga taong ganito sa mundo? Dapat kasi ginawa ni God na mabait ang buong tao para happy lahat, diba?

"I see, you're the Green Dragon." Nakangising saad niya habang nakatingin sa kanang kamay ko kung saan naroroon ang tattoo kong kulay berde at hugis dragon, ang cool no?

"Tapos?" Tinaasan ko siya ng kilay at akmang lalayo na ngunit may biglang humila sa kanang kamay ko na dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

Tinignan ko ang kanang kamay ko at nakita roon ang isang itim na usok na nakatali roon, para siyang isang tali. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking pangit dahil siya lang naman ang humila sa akin, at how dare him na idikit sa akin ang mahika niyang bulok!

"I'm still talking to you."

Bigla akong nainis dahil sa boses niya, paos kasi tapos ang pangit pakinggan. "Hindi ako nakikipag-usap sa mga pangit!"

Hinila ko ng malakas ang kamay ko ngunit hindi pa rin naalis ang itim na usok, kung hahawakan ko naman iyon ay hindi ko lang 'yon maramdaman. Ay tanga! Usok nga pala kaya hindi mahawakan.

Hinila niya na naman ako kaya ginamit ko ang buong lakas ko para hindi madala sa hila niya, he was trying to pull me close to him and I don't know why! Puwede niya naman ako diba patayin kahit malayo kami, gusto niya malapit. Hindi ba pamilyar sa kaniya ang social distancing? Baka paglapit ko sa kaniya bigla na lang ako mahawa ng pagkapangit niya.

"Napaka-judgie mo talaga self." Umiling ako saka ginamit ang kapangyarihan ko para ilublob ang paa ko sa lupa para hindi na 'ko tuluyang madala sa hila, kasabay no'n ay may mga spikes na gawa sa lupa ang nagtungo sa kaniya dahilan para mawala ang taling usok sa kamay ko dahil umilag siya.

Ipinilig ko ang ulo ko sabay nguso. Ang galing niya namang umiwas sa mga atake ko, paano ko kaya siya matatalo? Bumuntong-hininga ako at ikinumpas ang kamay ko para mailabas na ang mga paa ko sa lupa, nang malabas ay pinagpagan ko iyon.

Ininat ko muna ang kamay ko bago ko ito ikinumpas, may nagsilabasang mga bato mula sa lupa at kaagad na nagtungo sa lalaki. Panay lamang ang iwas niya pero hindi ko naman napapansin na nahihirapan siya kaya napanguso ako ulit.

He's moving around to avoid my attacks but still, I didn't gave up. Pinagpatuloy ko lamang ang pag-atake pero niisang atake ko ay hindi tumama sa kaniya, masyado kasi siyang mabilis gumalaw. Ang likot-likot kaya hindi ko siya matamaan.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now