Chapter 26 | Amaimon Soul

1.7K 133 9
                                    

Third Person's Point Of View
___

Kasalukuyang nasa taas ng bundok si Angel at ang babaeng inatake niya kanina, si Pauline. Masama ang tingin nila sa isa't isa at anumang oras ay susugod ang dalawa sa isa't isa. Nakaharap sila at handa ang mga sarili sa labanang magaganap.

Sinuri ni Pauline ang kabuuhan ni Angel bago ngumisi. "Kahit demonyo ka pa kung ang kalaban mo ay nakakamatay, hindi ka pa rin mananalo." Marahan siyang tumawa saka umiling. "Here's a warning, little demon. Touch me, you die."

Nagtagis ang bagang ni Angel matapos marinig ang sinabi ni Pauline. "I will fucking do anything even if it means my death, just to save my friends!"

Seryoso ang tono ni Angel habang nandidilim ang kaniyang mukha. She doesn't care if she dies, she promised to herself that she will protect her family, kabilang na doon ang kaniyang mga kaibigan. She treated them as a family, so she'll be protecting them with all her life.

Tumingin siya sa boteng hawak ni Pauline at napansing umiilaw 'yon. Sigurado siyang 'yon na ang spirit dahil sa malakas na mahikang nagmumula roon, kaya kailangan niya iyong makuha upang magamot si Sky. Kani-kanina lamang kasi ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Sky gamit ang hangin, ang sabi sa kaniya ay kailangan niyang makuha ang spirit para magamot siya. And that's what she's gonna do.

"Hawakan mo lang ako ay mamatay ka na." Binalot ni Pauline ang kaniyang kamay ng itim na lason, at siguradong mamatay ang kung sino mang makahawak no'n.

Umiling si Angel saka ngumisi. "I don't care."

• • •

Luminga-linga si Lemon sa paligid at mas tinalasan pa ang kaniyang pandinig. Alam niyang nasa paligid lamang ang kaniyang kalaban at nakamasid sa bawat galaw nila ni Luna kaya dapat mag-ingat siya. Ang kalaban nila ay hindi pangkaraniwan, nararamdaman niya ang malakas na mahikang nagmumula sa kanila kanina.

Lemon knows that this day will come, when the Phantoms will finally make their move. She is ready, sa tatlong taon ay pag-eensayo lang ang kaniyang ginawa at sigurado siyang hindi lang siya ang nag-eensayo sa mga nag-daang taon, pati rin ang mga Phantoms, kaya mas malakas na sila ngayon kaysa sa dati.

Alam rin niyang may plinaplano ang mga Phantoms, at 'yon ang dapat niyang malaman bago pa mahuli ang lahat.

Mabilis siyang tumingin sa isang puno nang may narinig siyang kaluskos mula doon. Dahan-dahan siyang lumapit doon habang si Luna naman ay sumusunod lang sa kaniya. Nang makalapit ay akmang susugod siya ngunit napatigil rin nang bigla na lamang may lumabas na isang puting kuneho sa likod ng puno. Umatras ng kaunti ang kuneho at halatang natakot iyon sa kaniya kaya naman ay nagbalik siya sa dati niyang anyo at dahan-dahang lumapit sa kuneho.

Nagtakha na siya nang may narinig siyang mga ugong ng bubuyog, umangat ang ulo niya dahilan para makita niya ang mag bubuyog na patungo sa kaniya. Nanlalaki ang mga matang nagpalit siya ng anyo, naging isang kuneho siya na kulay ginto ang balahibo bago pa man makalapit sa kaniya ang mga bubuyog.

"Hahaha! What a cute little bunny."

Napatingin siya sa taas ng puno at nakita roon ang kalaban niya na nakaupo sa isang malaking sanga habang may malapad na ngisi sa kaniyang labi. Agad naman siyang nagpalit ng anyo at naging isang tigre. She gritted her teeth when the enemy jumped down from the tree and landed softly on the ground.

She glared at the woman.

The enemy clasped her hands together as she looked at Lemon with a smirk on her face. "Ako nga pala si Nuria," pakilala nito ngunit hindi siya sumagot.

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon