Kabanata XLII

45 6 0
                                    

Sa Devamp Underworld

Patuloy pa rin ang pag lusob ng mga devamps, para silang mga kabute na sumusulpot kung saan saan. Pero sadyang desididong manalo ang mga kakampi ni Luhan, handa silang inaalay ang buhay para mawala ang masama sa mundo. At isa na si Yoona doon nag palitan ng suntok si Yoona at Kris pero parehas silang magaling umilag. Nasalag ni Kris ang kamao ni Yoona kaya natawa at ngumisi.

"I trusted you Yoona pero niloko mo ako!" gigil na sabi ni Kris.

"because you earned it, you killed a lot of people! That includes my mother! at hindi ako makakapayag na hindi ka mapatay ng mga kamay ko!" madiin na sabi ni Yoona sinipa niya ang dibdib ni Kris kaya napatumba ulit ito kinuha ni Yoona ang pagkakataon na iyon para siya ng samurai.

"goodbye" Gamit ang dalawang kamay sinaksak ni Yoona si Kris sa dibdib.

*****

"stop right there!" sigaw ni Chen kay Tao na siyang nag patigil dito sa pagpasok sa kwarto ng kanyang Master Lay. Lumingon siya kay Chen na may mga ngisi sa labi.

"oh you got me!" sarkastikong sabi ni Tao habang nakataas ang mga kamay. Agad naman niyang sinugod ni Chen si Tao, ilang ilag at suntok ang ginawa ng dalawa bago makuha ni Chen na masuntok sa mukha ni Tao kaya napatumba ito at kinuha ni Chen ang pagkakataon na hindi na patayuin si Tao. Umupo siya sa tyan nito at nilabas ang mga matutulis niyang kuko para isaksak sa puso ni Tao ngunit agad itong nakatayo at binigyan ng headbut si Chen na siya nagpahilo sa kanilang dalawa.

"FVCK!" tumayo si Chen nung biglang tumakbo si Tao papunta kung nasaan ang kanyang Master Kris dahil naramdaman niya na may nangyari masama dito. Hinabol ni Chen si Tao at nakatigil na ito at nakatingin sa Master niyang wala ng buhay may samurai na nakatusok sa dibdib nito, hindi niya mapigilang umiyak dahil matagal na niyang mahal ang Master niya ngunit ang Master walang ibang minahal kundi ang sarili niya.

Lumapit si Tao sa katawan ni Kris at agad niyang hinugot ang samurai sa dibdib nito at sabay hinagis niya. Nagulat si Yoona at Chen dahil akala nila gaganti ito sa kanila.
"ilang beses ko ng sinabi" humikbi si Tao umupo siya para paupuin ang katawan ng Master. "ilang beses na kitang sinabihan na mangyayari 'to" sabi ni Tao habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha niya. Hindi niya dapat iniiyakan ang Master pero ayaw tumigil ng mga luha niya.

"sabi ko sayo itigil mo nalang at sumama sa akin..bakit...bakit ba ang tigas ng ulo mo!" Niyakap ni Tao ang katawan ng Master. Nagsisisi siya na pinabayaan niya ito na gawin lang ang gusto niya, na dapat pinigilan niya ang mga plano nito.

Isang nanginginig na kamay ang humaplos sa mukha ni Tao.
"sorry.." Bulong ni Kris habang naghihingalo at iniinda ang malalim na sugat sa dibdib niya, tinignan ni Tao ang mukha nito mula sa mata pababa sa mga labi. Hinalikan niya ang mga labi nito sa huling pagkakataon, halik na puno ng pagmamahal sa kanyang master.

"I love you" bulong ni Tao pagkatapos nun ay ang pagputol ng hininga ni Kris nahulog ang kamay nito. Bumigat ang katawan na hawak hawak ni Tao at iyon ang sign na tuluyan ng nawala ang mahal niya.

Tumigil ang lahat ng Devamps at nawala na ang kumukontrol sa kanila, lahat sila natauhan na at hindi alam kung ano o nasaan sila. Naging ordinaryong Devamp na sila.

"ibigsabihin siya ang kumokontrol ng lahat.." tanong ni Chen kay Tao habang nakayakap pa rin ito sa katawan ni Kris. Tuyo na ang mga luha niya habang hinahaplos at pinagmamasdan nalang ang mukha nito.

Tumango si Tao.
"he gave everything just to take over the whole underworld, lahat yun ginawa niya para palakasin ang mga Devamps.." kahit mahirap kay Tao pinilit niyang wag ng magalit sa pumatay kay Kris dahil ito rin ang gusto niya ang matigil na ang lahat ng kasamaan sa mundo. At tapos na din ang paninilbihan ni Tao sa Devamp Underworld ngayon wala na ang kanyang Master.

Kinuha niya ang isang bungkos ng susi sa bulsa niya. Tumingala siya kay Chen, nakita niya ang awa sa mukha nito. Inabot niya ang susi sa kwarto ni Lay, kinuha naman ito ni Chen. Kung kanina gustong gusto na niyang patayin si Tao, pero lahat yun nawala dahil sa nakikita niyang hindi naman pala talaga gusto nito ang ginagawa niya. Pinalagpas nalang ni Chen yun dahil in the end pare parehas naman silang mawawala.

"kunin niyo na siya." sabi ni Tao.

"salamat." sabi ni Chen, na siyang kinagulat ni Tao dahil sa buong buhay niya ito ang unang pagkakataon na may nagpasalamat sa kanya. Hindi niya maintindihan pero masaya siya kahit puno pa rin ng paghihinagpis ang puso niya.

Tumingin ulit si Tao kay Kris at pinagpatong niya ang mga noo nila, pumikit siya at humiling na sana sa susunod na buhay nila ay maging isang ordinaryong tao nalamang sila at sana ay maging magkakilala ulit sila ang binata.

*****

Selucent's 2018 notes:

this chapter is screaming for sequel! HAHAHAHA ANYWAY SANA NAGUSTUHAN NIYO I KNOW MA DRAMA BUT THATS THE POINT!

Reminder lang ha? Story lang po ito so please don't compare it to real happenings wala akong pinatatamaan or kahit ano, basta it's just a story no malice! I LOVE EXO AND THE EX-MEMBERS! Thank you guys! Last 3 Chapters nalang huhuhuhu mamimiss ko ang book na to!

Kita tayo sa susunod na kabanata!
Don't forget to vote and send some feedback! Thank you!

Love, selucent.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Where stories live. Discover now