Kabanata XXXI

66 5 0
                                    

"KAI!" sigaw ni Kyungsoo habang kumakawala sa paghila ni Kai sa kanya.

"isa ka ng alipin ni Master Kris, kaya dapat mo siyang sundin!"

"pucha naman Kai! gumising ka nga!" sigaw ni Kyungsoo.

Nung tumakbo silang tatlo ni Junmyeon at Minseok hinabol sila ni Kai at Chen habang si Sehun at Chanyeol naman ay pumunta sa ibang direksyon. Marahil na inutusan sila ni Kris na hanapin si Luhan.

Napahiwalay si Junmyeon kay Minseok at Kyungsoo dahil nalaglag ito sa kung saang, sobrang nag aalala na ang dalawa sa pwedeng nangyari sa leader nila. Nakuha na ni Chen si Minseok at dinala niya ito kay Kris.

Habang si Kyungsoo naman ay buhat ni Kai sa balikat niya, naglalakad lang sila dahil wala ng pakpak si Kai.

"KAI! IBABA MO NA AKO!" sigaw ni Kyungsoo, mas lalong hinigpitan ang kapit ni Kai dahil sobrang magalaw ni Kyungsoo.

"KAI!" kahit nahihirapan si Kyungsoo tinignan niya pa rin si Kai, mapula ang mga mata nito at wala sa tamang pag iisip.

"Kai!" sinigaw nito sa tenga ni Kai kaya agad siyang winaras ni Kai sahig, nagpagulong gulong si Kyungsoo at sumakit ang buong katawan. Nagkaroon din siya ng galos sa pisngi at siko.

"AAAH!" sigaw ni Kyungsoo.

"good job!" Tumingala si Kyungsoo at agad niyang nakita si Kris, inangat siya nito gamit ang leg niya.
"anong pakiramdam na hindi ka pinapansin ng boyfriend mo?hmm?" tanong ni Kris habang nakangisi, habang si Kyungsoo pilit na inaalis ang kamay niya na nakapulupot sa leeg niya. Nasasaktan siya ng sobra at hindi makahinga.

"masakit ba?" tumawa si Kris pinaikot niya si Kyungsoo para sakaling gamit ang braso niya. Nakaharap si Kyungsoo kay Kai, nakatingin lang siya at walang ginagawa.

"Mas maganda siguro kung makita ka niyang mamatay..hmm?" napapikit si Kyungsoo dahil biglang dinilaan ni Kris ang dugong tumulo galing sa sugat niya sa pisngi.

Sumisigaw ng 'wag' si Kyungsoo pero wala siyang mabigkas na salita dahil sa mahigpit na braso ni Kris.

"BITAWAN MO SIYA!" sigaw ni Chanyeol sinakal niya si Kris kaya nabitawan nito si Kyungsoo, napahiga si Kyungsoo sa sahig habang hinahabol ang hininga at nawalan na siya ng malay.

Nagpalitan ng suntok si Kris at Chanyeol, parehas silang nagtaka dahil sa lakas ng suntok ni Chanyeol sa Devamp.

Palitan sila ng mga suntok at sipa hanggang sa lumipd na silang dalawa at sa ere naglaban.

Lumapit naman si Baekhyun kay Kyungsoo at tinulungan itong makatayo, tumingala siya nakita niya naman na kaya ni Chanyeol kalabanin si Kris. Kaya inalala nalang niya si Kai na nakatingin sa kanila.

"bitawan mo siya!" sigaw ni Kai, sinugod niya si Baekhyun at hinila ang buhok nito palayo kay Kyungsoo.

"AAAAH!" sigaw ni Baekhyun "KAI! GUMISING KA AAAH!" hinawakan ni Baekhyun ang kamay nito tapos sinuntok at sinipa din niya si Kai. Kaso mas malaki ito sa kanya, hinila ulit niya ang braso ni Baekhyun papunta sa isang bangin naisip nitong ihulog si Baekhyun.

"WAG!" sigaw ni Chanyeol nung napansin niya si Kai na hinihila si Baekhyun papunta sa bangin. Kaya umikot siya at pumunta sa likod ni Kris hinawakan niya ang dalawang pakpak nito sabay sinipa niya ang likod nito hanggang sa unti unti ng mabali ang nga pakpak nito.

"WAAAAG AAAAH AAAAAH!" sigaw ni Kris habang unti unting nababali na ang mga pakpak niya.

Nabali ni Chanyeol ang pakpak nito kaya nawalan siyang ng malay at nahulog sa lupa. Lahat ng mga hypnotized ni Kris nawala, kasama na dun si Kai. Nagulat siya dahil hinuhulog niya si Baekhyun sa bangin na maraming patulis na bato, hindi niya alam kung bakit? kaya agad niyang hinila si Baekhyun paakyat na kinagulat ni Baekhyun. Dahil akala niya mamamatay na siya at ang baby niya.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Where stories live. Discover now